CHAPTER 21

27.9K 363 2
                                    

"Really? Eh, kasi naalala ko bigla ang mga lihim na pagsulyap-sulyap mo sa akin noon sa KFC sa Panda. Pati doon sa restaurant. Naku, naalala ko lang, kinilabutan na ako." Ah, she's really adorable when her cheeks turned to red.

"Napaka-ungentleman mo talaga para ipaalala iyon sa akin," pinagalitan niya si Marcus.

"Guilty. Wait, can't we just be friends? After All, we can solve our problem if we're working together. Don't you think?" It would be easy for him to seduce the woman if they would start with friendship.

Bakit nga ba hindi? Tama si Marcus na mas madali nilang masolusyunan ang kanilang kinakaharap na problema kung magiging teammate silang dalawa. "Why not? I think you're right. We must work together to get out of this mess." If being civil with him could get her out from the mess she created, she would give it a try.

Pagkatapos nilang kumain, nagpresinta si Marcus na siya na ang maghugas ng kanilang mga pinagkainan na siyang ikinatuwa ni Daniella dahil isa sa pinaka-ayaw niya ay ang maghugas ng pinggan.

"Magagalit ka ba kung may parte ng inyong bahay ang masisira?" biglang tinanong ni Marcus ang nanahimik na babae. Balak niyang gawan ng paraan ora mismo ang pagkakakulong sa loob ng bahay. He's 100 percent sure that he'd get out from Daniella's property in no time at all. Then he would be free!

"No problem. Kaya ko namang ipa-renovate itong bahay." Alam niya ang dahilan kung bakit gusto nitong sirain ang bahay. Iyon ay upang makaalis ito. At hindi siya dapat malungkot dahil wala itong halaga sa kanya. What they had shared was meaningless to both of them. There was no feelings involved except for her strong desire to become pregnant. At kung ituloy nito ang planong idemanda siya, haharapin niya ito sa korte ng buong puso at kaluluwa.

"Wait, are you sad that I'm leaving?" napansin ni Marcus na may kakaiba sa mga mata ng babae. Teka, bakit parang affected naman yata siya?

"Of course not! Bakit mo naman nasabi iyon?" defensive ang tono ni Daniella.

"Napaka-defensive mo naman, tinanong lang naman kita, eh."

"Whatever," sabi ni Daniella.

Isang linggo na ang nakalipas simula nang sirain ni Marcus ang back door sa bahay ng mga Reyes. Nagawa na rin niyang i-disable ang automatic lock system sa lahat ng pintuan at bintana. Isang tawag lang kay Samuel at may solusyon na kaagad ang kanyang mga kinakaharap na problema. Katulad na lang ng kanilang annulment ni Daniella. He had all the forms already.

Sa loob ng isang linggong pamamalagi sa malaking bahay, nakita niyang hindi mahirap mahalin ng sinumang lalaki si Daniella. Palabiro ito at napaka-vibrant. Madaling pakisamahan. At nasaksihan rin niya kung paano ito makihalubilo sa kanilang mga kapitbahay. Wala itong pinipiling estado ng pamumuhay. Likas na mabait ang dalaga.

Tinulungan din niya itong mamili ng mga bagong estilo ng damit online. At siya na rin mismo ang nag-empake sa lahat ng mga maria clarang damit nito at ipinamigay sa mga may gusto. Dahil nakasanayan na rin ni Daniella na magdamit ng pangmatanda, nagtira pa rin ito ng ilang piraso sa kanyang wardrobe.

Siya na rin ang nag-volunteer na siyang maghahanda sa kanilang mga kakainin. At sa loob lang ng ilang araw, may kung anong damdamin na namumuo sa kanyang puso para sa babae. Ganunpaman, itutuloy niya pa rin ang annulment.

"Hi, beautiful!" bati niya rito isang umaga nang magkasalubong sila sa corridor.

"Hello there, handsome. What's up?" ginawa niyang biro ang lahat upang hindi mahalata ng lalaki ang kanyang tunay na saloobin. Na halos eighty-percent na ng kanyang puso ay pagmamay-ari na nito. Kung bakit kasi napakabait nito at super caring pa sa kanya? Umasta si Marcus na parang mahal siya kaya regardless of his looks, mahuhulog at mahuhulog pa rin ang kanyang loob sa lalaki. 

GENTLE DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon