Alas kwatro ng madaling-araw, nakaramdam si Daniella ng pananakit sa kanyang balakang at likuran. Para siyang nag-dysmenorrhea and at the same, constipated. Bumangon siya at ginising si Patty na natulog sa extra bed na inilagay nito sa kanyang silid. Nagpasalamat siya at nag-insist ang matanda na samahan siyang matulog sa kwarto dahil malapit na raw siyang manganak.
"Bakit? Masakit ba ang tiyan mo? Naku, manganganak ka na, Ella. Relaks lang, okey?" Mabilis pa sa alas-kwatro na tumayo si Patty at kinuha ang bag na inihanda ni Daniella para sa pagpunta sa hospital sa araw ng kanyang panganganak. Kahit malapit lang ang bahay nila sa district hospital, naghanda pa rin kasi si Ella ng mga kailangang dalhin sa hospital. Naglalaman ang bag ng mga gamit ng bata kapag lumabas na ito, pera, mga dokumento na kakailanganin niya sa hospital at extra clothing para sa bagong ina.
"Gusto kong mag-relax, Patty. Kaya lang, parang mas lalong sumasakit ang tiyan ko." Paano kung magkakaproblema sa delivery room? No. Everything would be alright, sabi niya sa kanyang sarili. Kung nakayanan ng iba na manganak kahit walang asawa, pwes, kakayanin din niya and she must be strong for Mugsy!
Habang lulan sila ng sasakyan papunta sa hospital, pinainum siya ni Patty ng preskong itlog galing sa native chicken para mabilis lang daw lumabas ang bata at hindi siya mahihirapang umire. Usually, mag-rereact siya kung medyo yucky ang pagkain. Pero sa panahong mas lalong sumakit ang kanyang tiyan, kakainin niya lahat basta lang maibsan ang sakit na nararamdaman.
At dahil itinawag na ni Pedro kay Doktora Arbiol na papunta na sila ng hospital at manganganak na si Daniella, nag-abang sa labas ang doktor at agad silang inasikaso. Ngunit, hindi siya pwedeng samahan nina Patty at Pedro sa loob ng delivery room. No matter how the doctor assured her that she's going to be okay, she's still worried and scared!
And who said it was not painful? They must be joking! She barely managed when the contractions became unbearable and she doubted if she could come out alive. The pain flared once more and every muscle in her body tensed up!
Iyong pakiramdam na constipated ang isang tao, multiply it by a thousand or more, iyon ang feeling ng isang babaeng nasa labor. Then she was exhausted and unable to focus. Tinanong niya si Doktor Arbiol kung pwede ba siyang matulog upang tumigil ang sakit kahit pandalian lamang ngunit hindi siya pinayagan nitong matulog. She should be awake to keep the progress going forward.
Sinabi niya sa Doktora na naramdaman na niya ang ulo ng bata sa kanyang pwerta at gustong-gusto na niyang umire. Sinabihan siya ng nurse ng huwag umire ng umire at baka mamaga pa ang kanyang pwerta at mahihirapan na tuloy siyang ilabas ang bata. Kahit parang hindi na niya kakayanin ang sakit, nakinig siya sa mga sinabi ng mga eksperto sa pangangak. Pero nang muli niyang maramdaman ang contraction na tila may lalabas na talaga, umire siya. And her water broke.
Doctor Arbiol said she was fully dilated and the baby had descended quite low in her pelvis. Low enough that it took only about ten minutes to push her baby out!
When she heard Mugsy's first cry, relief and happiness washed over her whole being. The joy of being a mother! The feeling was incredible and she felt like crying while she holds the baby for the first time.
"Mugsy..." mahina niyang tawag sa bagong labas na anak. Watching her for the first time was like the most beautiful experience that reached all the way to her soul and it took her breath away.
"Congrats, iha. You have a very beautiful daughter, just like you dear "May pangalan ka na ba para sa bata?" Tinanong niya si Daniella.
"Ariana Jade," sumagot si Daniella.
BINABASA MO ANG
GENTLE DESIRE
RomansaDaniella was desperate to have a child and the bodyguard assigned to her was perfect to become her child's father. She believed that desperate times called for desperate measures but Marcus wasn't a fan of her irresponsible behavior. He wanted her a...