Pagkatapos nilang magsimba, sinabi ni Marcus kay Daniella na tapos na ang kanyang one-month vacation leave at kailangan na niyang bumalik sa farm ng kaibigan. "Or you can come with me, kayo ni Ariana para maipakilala ko kayo kay Samuel at sa asawa niya." He offered when he saw Daniella's expression.
"Salamat na lang, Marcus pero nakakahiya naman sa kaibigan mo.Next time na lang siguro. Hindi ba talaga pwede na i-extend mo ang iyong bakasyon?" Nasanay na siya na nasa kanyang tabi si Marcus araw-araw, kaya mami-miss niya ito ng husto. Sa ilang linggo nilang pagsasama sa isang bubong bilang isang pamilya, masyado na siyang na-attach sa lalaki. Kahit saan ito magpunta, kasama siya, sila ni Ariana. Minsan, tinanong niya si Marcus kung nasakal ba ito sa kanyang ginawa, hindi naman daw. Mas gusto pa daw nito na lagi silang magkasama.
"Hmmm, pwede naman kaya lang marami kasi akong dapat na asikasuhin doon. Hayaan mo, gagawin ko ang lahat para makabalik agad ako dito. Let's see, next sunday perhaps? I-turnover ko lang sa aking assistant ang mga dapat gawin habang wala ako." Sasabihin niya ba kay Daniella ang tungkol sa kanilang pustahan ni Samuel? Isa kasi ito sa kanyang dapat asikasuhin. Ibabalik niya sa kaibigan ang pera nito.
"Magagawa mo ba lahat sa isang linggo lang? Baka sabihin ni Samuel na minamadali kita," sabi ni Daniella kahit ang totoo ay ayaw niyang umalis pa si Marcus. Gusto niyang manatili na lang ito sa kanyang tabi. Pwede naman itong hindi magtrabaho habang-buhay.
"Syempre naman. At isa pa, maraming tauhan si Samuel, magiging okay ang lahat kahit wala ako doon. Ayaw mo ba talagang sumama sa akin?" Muling tinanong ni Marcus si Daniella dahil sa kanyang palagay, nag-alinlangan lang itong sumama sa kanya.
"Hindi na, dito na lang kami ni Ariana. Basta, bumalik ka kaagad. Mami-miss kita ng sobra."
"Ako din naman. Akala mo ba madali sa akin na mahiwalay sa inyo ni Ariana?" Siguro, kailangan niyang tawagan si Samuel na sa susunod na araw na lang siya uuwi sa farm. Alam niyang maiintindihan siya ng kanyang kaibigan.
"Aba, aba, aba, ang sweet naman ninyong dalawa, baka langgamin kayo niyan." Isang grupo silang nagsimba, pero para kay Marcus at Daniella, parang sila lang dalawa ang magkasama. Napailing na lang si Lilian habang binayaran ang dalawang cotton candy para kay Vanessa at Ariana.
"Hayaan mo na kami, sister dear. Ikaw kasi, pinakawalan mo pa si Alexis, may partner ka sana." Ginantihan ni Daniella ang panunukso ni Lilian sa kanya.
"Ha! Kahit siya na lang ang matirang lalaki sa buong mundo, hindi ko siya papatulan!" My God. Tuwing naaalala niya ang ginawa ni Alexis sa kanya, kumulo talaga ang kanyang dugo. Una, hindi siya nito naalala. Pangalawa, sinabihan siyang malandi. Eh, nakigkwentuhan lang naman siya sa kapitbahay nilang si Gerald. Mabuti na lang at hindi alam ni Daniella kung ano ang naging papel ng lalaki sa kanilang buhay ni Vanessa.
"Naku, huwag na kasing magsalita ng tapos, tingnan mo ako, kay Marcus pa rin bumagsak." Ipinaalala ni Daniella kay Lilian ang mga masasakit na salitang binitawan niya para sa lalaki na naririnig sila ni Marcus.
"Could it be because we're meant to be?" Sumali na rin si Marcus sa tuksuhan ng magkapatid. Nagtaka din siya kay Alexis kung bakit mainit ang ulo nito nang bumalik sa siyudad. Likas na sa lalaki ang pagiging masayahin. Si Alexis ang tipo ng tao na madaling magpatawad, magbiro at tumawa. Naguluhan din siya sa inasal ng kaibigan sa huling araw nito sa Oslob. Posible kayang na-inlab din ito kagaya niya?
BINABASA MO ANG
GENTLE DESIRE
RomanceDaniella was desperate to have a child and the bodyguard assigned to her was perfect to become her child's father. She believed that desperate times called for desperate measures but Marcus wasn't a fan of her irresponsible behavior. He wanted her a...