Ilang beses siyang napakurap nang ngumiti si Mr. Blue Eyes sa kanya. Tahimik niyang tinanong ang Diyos kung bakit pinadalhan siya ng isang anghel? "Hi. Sorry pala kanina kung nahuli mo akong nakatitig sayo," humingi siya ng dispensa sa kabastusang ginawa. OMG! Ngunit panandalian lamang ang kanyang tuwa dahil biglang may pumasok na seksing babae bago magsara ang elevator. Panira talaga ang bagong dating.
At habang paakyat ang elevator, napansin niyang panay ang pagsiksik ng katawan ng babae sa nakatayong lalaki kahit na malaki pa ang espasyo sa loob. She was flirting in broad daylight! Dahil sa inis ay nakalimutan niyang pindutin ang 19th floor. Magkasabay na lumabas ang dalawa sa 18th floor.
Bagsak ang kanyang mga balikat nang makarating sa 19th floor kasi first time pa niyang magka-crush sa isang lalaki, kasawian kaagad ang inabot niya. Nang makapasok siya sa kanyang silid, agad siyang humarap sa salamin at tiningnan ang sarili.
Masakit man aminin, pero walang-wala siya sa kalingkingan ng babae sa elevator kanina. Bago pa tuluyang malugmok sa kalungkutan, kinurot ni Daniella ang kanyang singit at pinagalitan ang sarili.
Bitbit ang kanyang pouch ay bumaba ulit siya. May mall sa ibaba ng hotel at mayroon din sa kabilang kanto. Magwi-window shopping muna siya. Sa dinami-rami ng mga turistang naka check-in sa Panda, imposible naman na walang magkakagusto sa kanya maski isa.
Pero wala talaga. Ni isa ay walang nangahas na lumapit sa kanya. At this rate, natitiyak niyang hindi na talaga siya makakahanap ng dyowa. Bumalik siya sa itaas na isang biguan.
Habang si Marcus ay hindi natutuwa sa ginawa ni Daniella. As per order kasi, kailangan niyang harangan ang sinumang lalaki na gustong lumapit sa babae. Nahirapan tuloy siya kanina sa dami ng lalaking gustong makalapit sa dalaga. Kung bakit ba kasi napakaganda nito at nagsuot pa ng seksing damit na lalong nagpapalibog sa mga kalalakihan – including him of course. Mabuti na lamang at natauhan ang babae at bumalik sa kwarto nito.
He made a mistake this morning when he followed her to the elevator. And it was late when he realized his error. Mabuti na lang at may pumasok na isa pang babae at lantarang nakipag-flirt sa kanya. He had no choice but to allow her advances or risk being caught on by Daniella.This time, he made sure that he was invisible to her beautiful eyes. But fate has a different plan for him.
"Hey, going somewhere?" Marcus waited for the right timing before he showed up near Daniella.
Nilingon ni Daniella ang lalaki at pasimple niya itong tiningnan ng masama. "Yes. Mag-isa ka lang yata, nasaan na ang girlfriend mo?"
"Hindi ko naman 'yon girlfriend, eh. Actually, single pa ako at available din. Can I get your name, Miss Beautiful?" Alam ni Marcus na hindi kasama sa kanyang job description ang makipag-flirt kay Daniella pero type niya kasi ito. May kung anong katangian ang babae na hindi niya kayang ipaliwanag pero kaya nitong gisingin ang kanyang natulog na damdamin.
"Daniella Reyes, and your's if you don't mind?" Napansin na kaagad niya na magaling mambola si Mr. Blue Eyes, at naisip ni Daniella na subukan ang kanyang kakayahan na lumandi.
"Marcus Madrigal," sabi niya at nagtaka siya sa kanyang sarili kung bakit ibinigay niya sa babae ang tunay niyang pangalan. "Ah, but you can just call me Marcus, Dani."
Dani? Wow ha, feeling close lang kumag! She became uncomfortable when he called her Dani because nobody called her that! However, she loved it how he pronounced her new nickname, and Daniella smiled at Marcus. "Hmmm, Marcus suits you. Para kang mandirigma sa nakaraan at gusto ko ang kulay ng mata mo." sabi niya. Dapat sana ay mag-enjoy lang siya sa HK ngunit nang makilala niya si Mr. Blue Eyes ay nagbago ang kanyang plano. Buo na ang kanyang desisyon pagdating kay Marcus Madrigal. Anyway, halata namang malibog ang lalaki kaya sigurado siyang hindi to magrereklamo sa kanyang gagawin.
BINABASA MO ANG
GENTLE DESIRE
RomanceDaniella was desperate to have a child and the bodyguard assigned to her was perfect to become her child's father. She believed that desperate times called for desperate measures but Marcus wasn't a fan of her irresponsible behavior. He wanted her a...