Habang nasa hapag-kainan ay tahimik lang si Daniella na kumain at pasulyap-sulyap lang sa lalaking katabi. At dahil despedida ito ni Marcus ay sabay nilang kumain ang lahat ng mga kasambahay. Una na niyang sinabi sa mga ito na aalis na ang lalaki dahil tapos na ang vacation leave nito at babalik na sa pagiging sundalo. Siguro kung hindi umuwi ng Camotes si Paloma upang bisitahin ang anak nitong si Lilian, natiyak ni Daniella na magiging kumplikado lang ang lahat. Pati nga si Patty ay ayaw maniwala sa kanya na aalis na si Marcus...kaya kinailangan niyang magsinungaling sa babae, at sa iba pa.
"Kailan po kayo muling mag-leave, Marcus?"tinanong ni Patty si Marcus. "Di bale, basta kapag kabuwanan na ni Ella ay narito kayo."
Kumunot ang noo ni Marcus sa narinig mula kay Patty at napatingin siya kay Daniella upang humingi ng saklolo. Sa kanyang pagkaka-intindi ay iniisip ng mga kasambahay na pansamantala lang ang kanyang pagkawala.
"Sa tingin ko ay mahihirapan si Marcus na umuwi rito sa aking kabuwanan. Ipapadala kasi siya sa Syria upang tumulong sa pagpuksa ng mga ISIS doon." Isa na namang kasinungalingan ang lumabas mula sa kanyang bibig. Hindi niya kayang sabihin sa mga matanda na maghihiwalay na sila ng lalaki at napilitan lang si Marcus na pakasalan siya dahil na-corner lang ito ni Paloma.
"Syria? Naku, delikado doon. Baka naman madisgrasya pa ang asawa mo, Ella. Mabuti pa ay huwag mo na lang siyang paalisin," suhestiyon ni Patty dahil totoong nag-aalala siya para kay Marcus.
"Ganun naman po talaga kapag sundalo, Patty. Huwag na po kayong mag-alala, babalutin naman siya ng flag kapag namatay," pabirong sabi ni Daniella na hindi naman nakakatawa.
Nagtaka si Marcus kung bakit hindi sinabi ni Daniella ang totoo sa mga kasamahan nito sa bahay. Kung anuman ang dahilan ng babae sa pagsisinungaling ay hindi na niya ito kukulitin. Pero hindi nakaligtas sa kanyang pandinig ang sinabi ng babae na ipapadala siya ng Syria at kung mamamatay man ay babalutin naman ng flag. Ano na naman kaya ang binabalak nito?
"Huwag kang mag-alala, Patty. Hindi ako mapapatay ng mga rebelde," sinakyan ni Marcus ang kasinungalingan ni Daniella upang mapanatag ang kalooban ng matanda na halatang nag-aalala sa kanya.
"Mabuti kung ganun. Kawawa naman ang bata kung lumaki siyang walang ama," dagdag pa ni Patty.
The old woman's answer hit him. At dahil hindi niya alam kung paano ito sasagutin, minabuti niyang ibaling ang pansin sa mga masasarap na pagkaing nakahain sa mesa. Naglagay siya nga valenciana sa kanyang plato at kumuha rin siya ng patatim."Mami-miss ko itong mga luto mo, Patty," sabi ni Marcus sa matanda matapos inumin ang malamig na pantulak.
"Kaya nga, huwag ka na lang umalis pa. Aba'y mabubuhay naman kayong tatlo kahit hindi ka na magtatrabaho pa." Patuloy na kinumbinse ni Patty si Marcus.
"Panata ko na po talaga ang maglingkod sa ating bayan, Patty." Sabi ni Marcus at biglang inubo si Daniella kaya kaagad niya itong binigyan ng tubig.
"Panata, panata! Hindi ka bubuhayin niyan!" Tumaas ang boses ng matanda na tila galit.
"Galit po ba kayo?" Tinanong ni Marcus ang matandang babae ngunit inismiran lang siya nito.
BINABASA MO ANG
GENTLE DESIRE
RomanceDaniella was desperate to have a child and the bodyguard assigned to her was perfect to become her child's father. She believed that desperate times called for desperate measures but Marcus wasn't a fan of her irresponsible behavior. He wanted her a...