CHAPTER 37

24.8K 242 1
                                    

Hindi biro ang isang single mother. Siya nga na maraming katulong sa bahay ay nahirapan, paano na kaya iyong ibang nanay na sila lahat ang gagawa mula sa mga gawaing-bahay hanggang sa pag-aasikaso ng mga bata.

Ayaw rin kasi niya na iasa ang lahat sa yaya dahil baka lumaki itong mas pakikinggan ang yaya kaysa sa kanya. Call it insecurities or whatever, basta, ang duty niya bilang ina ay gagampanan niya na walang pag-iimbot at pagkukulang.

Masaya silang nagkwentuhan ni Lilian nang biglang pumasok si Paloma at mukhang wala ito sa mood. "Ma, bakit?" Tinanong ni Daniella si Paloma.

"Makakauwi ba ang asawa mo sa first birthday ni Ariana?"

Daniella was caught off guard by her mother's question. Sana'y sinabi na lang niya rito ang totoo na annulled na ang kanilang kasal ni Marcus at hindi na ito babalik pa. Kung ano ang alam ng mga katulong, iyon din ang alam ni Paloma. Only Lilian knew the truth!

"Parang hindi po yata," sumagot si Daniella. She looked at Lilian's direction to ask for help. Kahit i-change topic na lang ang conversations nilang tatlo.

"Aba'y, wala na nga siya noong binyag, hindi pa siya makapunta sa kaarawan. Hindi naman yata tama na palaging ganyan, Ella. I'm telling you na ngayon pa lang ay kakausapin mo na siya," pinangaralan ni Paloma si Daniella. Napakasaklap naman kung ang dalawa niyang anak ay parehong walang asawa na maipakita sa publiko. Maku-question ang kanyang pagiging ina sa dalawa. Anong iisipin ng karamihan? Na pabaya siyang ina kaya puro disgrasyada ang kanyang mga anak?

"Hayaan mo, Ma. Susubukan kong kontakin si Marcus o iyong commander nila." Isa na namang kasinungalingan ang lumabas mula sa kanyang bibig. Mukhang nasanay na siyang magsinungaling para sa lalaking iyon. Nakukompromiso na ang kanyang moralidad!

"Mabuti. And how about you Lilian?"

"What about me?" Nagtataka si Lilian kung anong nangyari sa kanyang ina. Hindi naman nito ugali na mag-usisa tungkol sa kanya.

"Talaga bang hindi mo hahanapin ang lalaking nakabuntis sayo?" She's almost sixty years old and all she wanted was to see her two daughters being happily married.

"Bakit pa? Inayawan na niya kami ni Vanessa," tugon ni Lilian.

"So, ano ang plano mo? Magpapakasal sa ibang lalaki na hindi kaano-ano ni Vanessa?" Nakita niya ang kanyang sarili kay Lilian. They were so alike, so stubborn!

"What's wrong with that? Kung naging masaya ka sa ibang lalaki matapos kang iwanan ng lalaking nakabuntis sayo, walang dahilan na hindi rin ako magiging masaya." Lilian reasoned out.

"Iyon na nga ang ayaw kong mangyari sayo. Hindi ka ba natututo? Aaminin kong naging masaya ako sa piling ni Greg pero hindi kumpleto ang aking kasiyahan dahil hindi kita nakasama. Kasi natatakot akong baka gawan ka ng masama ni Greg kasi hindi ka niya kaano-ano!"

"Ma! How could you say that? Mabuting tao ang ama ko!" nag-react si Daniella sa narinig mula kay Paloma. All these years?

"Forgive me, Ella. Ang sa akin lang, hindi ko pwedeng ipagkatiwala sa ibang lalaki ang aking anak, lalo na at babae si Lilian. Napapanood niyo naman siguro ang mga balita sa tv, di ba?"

Daniella stared at Lilian. Nakukonsensya siya sa kanyang treatment kay Paloma. Samantalang ang tunay nitong anak ay araw-araw na nagungulila dito. Pero sa loob ng ilang taong nagsasama sila ng kanyang ama, hindi pa rin ba nakita ng ginang kung gaano ka busilak ang puso nito? And he wouldn't dare to violate a young woman when he also has a daughter!

"Kung ganun, hindi namin kailangan ng lalaki sa buhay!" Magkasabay na nagsalita sina Daniella at Lilian. Pero parang hindi naniniwala si Paloma sa kanilang dalawa. Ano'ng alam nito sa kanilang masalimuot na love life?

One week after the dramatic conversation with Paloma and Lilian, Daniella received a package from an unknown sender. Nataon naman na nasa sala silang tatlo nang dumating ang package kaya binuksan niya ito sa harap nila.

GENTLE DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon