Na-bwisit si Daniella nang ipamukha sa kanya ni Marcus na kailangan na niyang maligo. Pwes,magtiis ito dahil paninindigan niya ang kanyang sinabi kagabi na once a week lang siyang maligo. Kung ayaw nito ang kanyang amoy, eh di takpan niya ang kanyang ilong! Ang arte-arte!
Taas-noo siyang bumalik sa kusina at naabutan ang lalaking hinango mula sa kawali ang niluto nitong corned beef. Tiniis na lang niya ang amoy ng bawang. "Eh, next week pa kasi ang schedule ko na maligo." Sabi niya sa malakas na boses.
"Are you serious?" Talaga bang burara ito? Inakala niyang nagbiro lang ang babae kagabi.
"Yup. Now, please excuse me. I need to prepare my breakfast," sabi ni Daniella at kumuha siya ng isang tasa ng malagkit at pinakuluan ito. Naglabas din siya ng ilang piraso ng Guilang's tableya galing sa Argao. "Bakit hindi ka pa kumain?" Nagtanong siya nang mapansin si Marcus na hindi nito ginalaw ang pagkain na nasa plato nito. Nagkape lang ito at parang may malalim na iniisip.
"Sabay na tayo," sumagot si Marcus.
Nagkibit ng balikat si Daniella at pinili na huwag na lang magkomento sa sinabi nitong sabay na raw silang kakain. Lumapit siya sa stove at tiningnan ang bigas na pinapalambot.
Nang lumambot na ang bigas ay inilagay na niya ang tableya at patuloy na pinakuluan. Hinaluan na din niya ito ng brown sugar at nag-antay na lang kung kailan ito maluto ayon sa kanyang panlasa.
"Matagal pa ba 'yan?" kanina pa gustong tanungin ni Marcus si Daniella kasi gusto niyang sabay na silang mag-almusal. Nakaubos na rin siya ng isang tasa ng kape at sa tingin niya ay kailangan niyang magtimpla ng panibangong kape.
"Mauna ka ng kumain," utos niya sa lalaki.
"C'mon Daniella, we have to talk. Iyong nangyaring kasalan kahapon ay kailangan nating pag-usapan at hanapan ng solusyon." Hindi na nagdalawang-isip si Marcus na banggitin ang tungkol sa nangyaring kasalan.
"Bakit, may asawa ka na ba?" Kahapon pa dapat niya tinanong ang lalaki kung may asawa o pamilya na ito.
"Yes, I was married." Totoo ang kanyang sinabi. Deep in his heart, he's still married to his wife and living with another woman would disrespect her image.
"So, wala tayong magiging problema,mister. It's clear as crystal that our marriage was null and void. Don't worry, hindi rin naman kita gustong maging asawa kaya kung gusto mong umalis ngayon din, you can go." malinis ang pagka-deliver ng kanyang statement ngunit bakit parang may kung anong kirot na namumuo sa kanyang puso? Bakit parang ayaw niyang paalisin ang lalaki? Hinagod lang siya sa likod kanina, bumigay na kaagad ang kanyang puso. Sus, siya na yata ang CEO ng mga marurupok, eh!
"Good, mabuti na yong malinaw sa ating dalawa. Ayokong mag-assume ka sa akin na ituring kita bilang tunay na asawa." Nagtataka si Marcus sa kanyang sarili kung bakit hindi niya ipinagtapat sa babae na patay na ang kanyang unang asawa at hindi totoo na walang bisa ang kanilang kasal kahapon. What was he thinking?
"Excuse me? Ako, mag-assume? Never!" wala talaga siyang maaasahan kay Marcus. Ang kapal naman ng apog nitong sabihin sa kanya na baka mag-assume raw siya. Hah! Ang kapal talaga ng mukha! "Gwapong-gwapo ka rin sa sarili mo, Marcus."
"Sorry, kung na-offend kita. Pero alam mo naman kasi ang mga babae, madaling magkagusto sa isang lalaki. Lalo na kung kasing-pogi ko, di ba?" Siya mismo ay nalilito na rin sa kanyang ginawa. Bakit ba gustong-gusto niyang inisin ang kanyang asawa? Did he find her attractive when angry? The answer was yes. She's beautiful when her eyes glared at him with fire!
"Not me. At isa pa, hindi ka naman pogi," nagsinungaling siya. Dahil para sa kanya, ang lalaki na yata ang pinaka-gwapo sa lahat ng lalaking kanyang nasilayan. Sa blue eyes pa lang nito ay quotang-quota na si Marcus. At hindi pa kasali dun ang wavy nitong buhok na animo laging pinaglaruan ng hangin. And the lips - wow, they were so kissable. She would love to nibble those lips nonstop!
BINABASA MO ANG
GENTLE DESIRE
RomanceDaniella was desperate to have a child and the bodyguard assigned to her was perfect to become her child's father. She believed that desperate times called for desperate measures but Marcus wasn't a fan of her irresponsible behavior. He wanted her a...