Hindi mapakali si Daniella habang nakahiga sa kanyang kama at pasulyap-sulyap siya sa lalaking kampanteng naupo sa kanyang sofa at nanood ng TV. Natakot siyang gumalaw dahil ayaw niyang makatawag ng pansin at baka kung ano ang gagawin ni Marcus. Pagkatapos ay bigla na lang itong tumayo at naghubad ng damit sa kanyang harapan. Natakot siya bigla. Aangkinin ba siya nito ng sapilitan kagaya ng ginawa niya sa katawan nito?
"Magsa-shower lang ako. Nasaan ang mga towels?" Pinigilan ni Marcus ang sarili na matawa sa hitsura ni Daniella. Nakabalot ng kumot ang buo nitong katawan at nagmukha itong lumpia.
Mariin na ipinikit ni Daniella ang kanyang mga mata dahil ayaw niyang pagmasdan ang hubad nitong katawan kahit na may nangyari na sa kanila dati. Kaya lang, hindi umalis si Marcus mula sa kanyang gilid hanggang sa wala siyang pagpilian kundi ang tumayo at ikuha ito ng towel. "Heto, o." Sabi niya nang ibigay sa lalaki ang hiningi nitong towel.
"Salamat. How about you, hindi ka ba maliligo bago tayo matulog?" Kinindatan ni Marcus ang babaeng kanina pa hindi kumportable dahil sa kanyang presensya. Naisip niya na tutal isa na siyang priso sa malaking bahay, he might as well enjoyed it while it last.
"Hindi, eh. Actually, once a week lang talaga ako naliligo. Goodnight," hinding-hindi siya titiklop sa panggu-gudtym ng lalaki. Gusto nito ng away? Pwes, pagbibigyan nito ito!
Napanganga si Marcus nang marinig ang sinabi ni Daniella. "ANO? Isang beses ka lang maligo sa loob ng isang linggo?"
"Yup," sumagot si Daniella at muntik na siyang matawa nang makita ang pandidiri sa mukha ni Marcus. Habang patungo sa banyo ang lalaki, biglang gumana ang kanyang utak at mabilis na bumangon.
Nang sinabi ni Daniella na isang beses lang ito maligo sa isang linggo ay hindi siya naniwala. Malakas ang kanyang kutob na nagsinungaling lang ang babae upang i-discourage siya. Napangiti siya habang inisip ang magiging reaksyon nito sa kanyang paglabas mula sa banyo. Magugulat kaya ito kapag makita siyang nakatapis lang ng tuwalya?
In ten minutes ay tapos na siyang maligo. Nag-toothbrush na rin siya gamit ang nag-iisang toothbrush na nasa lavatory. Syempre, inamoy niya muna ang naturang toothbrush. Mabuti naman at hindi bad breath ang babae. Bago tuluyang lumabas ay tiningnan niya muna ang kanyang sarili sa salamin. Gwapo pa rin naman siya, eh!
Kung naging tuso si Daniella, mas tuso naman siya. Walang mawawala sa kanya kung sakali man dahil matagal ng nakakandado ang kanyang puso. Ipamukha niya sa dalaga kung gaano kasakit sa pride ang paglaruan lamang.Dahan-dahan ay binuksan niya ang pintuan ng banyo at lumabas na parang model ng male underwear. He used to be a rake in his 20's so seducing the young woman wouldn't be difficult at all.
"What the hell!" napamura si Marcus nang makita ang posisyon ni Daniella sa gitna ng kama. How could she sleep soundly with arms and legs wide open? To the point that she occupied the entire bed! Ni hindi man lang ito nagpalit ng pantulog. Iyong isinuot ng babae na floral dress ng dumating siya kanina ay iyon din ang ginawang pantulog. Arghh, so gross! And she snored, too. At napansin din niya ang kili-kili ng babae dahil sa posisyon nito. She had dark underarms? Ilang beses na kumurap ang mga mata ni Marcus dahil sa kanyang nasaksihan! He would never sleep in the same bed with her. No wonder she was out of the country, and forced him to impregnate her.
Sanay siyang matulog na walang damit dahil iyon naman talaga ang nakaugalian niya. But he would never give her another chance to see his naked form. Baka magkaroon pa ito ng mga mahahalay na idea. Nagkasya na lang siya sa sofa habang balot na balot ng isang kumot.
Samantala, kanina pa pinigilan ni Daniella ang kanyang sarili na matawa. Inakala siguro ni Marcus na uurungan nito ito. Never! Sa tingin niya ay gumana ang kanyang ginawang paglagay ng itim na eye shadow sa kanyang kili-kili. Ang nakakapagod lang ay ang patuloy na paghilik. Maski siya ay hindi makatulog dahil sa ingay. Tumagilid muna siya bago tumigil sa paghihilik. Buti nga sa kanya, sabi ni Daniella sa kanyang sarili bago ipinikit ang kanyang mata upang matulog.
BINABASA MO ANG
GENTLE DESIRE
RomanceDaniella was desperate to have a child and the bodyguard assigned to her was perfect to become her child's father. She believed that desperate times called for desperate measures but Marcus wasn't a fan of her irresponsible behavior. He wanted her a...