Kaya lang, nahirapan siyang makatulog dahil lagi niyang naiisip ang lalaki. Baka mahulog pa ang kanyang loob dito. Mahirap na. Magiging kumplikado ang lahat. Balak niyang ipawalang-bisa kaagad ang kanilang kasal dahil napaka-unfair naman iyon kay Marcus. Nagahasa na nga ito, napikot pa sa isang kasalan. At malay ba niya kung mayroon na itong asawa. Eh, di man lang sila hiningan ng Cenomar ng kanyang Ninong.
Tama, kakausapin niya ang lalaki bukas. Kung mayroon itong asawang naghihintay, eh di null and void ang kanilang marriage. Hindi na kailangang ipa-anull pa. At least she had something to look forward to.
Ang kanyang mahimbing na pagtulog ay nabulabog nang mapanaginipan niya si Marcus. Este, binangungot pala siya! Bumalikwas siya ng bangon at tiningnan ang sofa. Bakante na iyon. Tumayo siya at lumabas. Umalis na ba ito ng tuluyan? Nakakita ba ito ng exit palabas sa saradong bahay? Una niyang tiningnan ang mga guestroom sa itaas. Wala ang lalaki. Well, hindi niya ito mami-miss kung sakali mang umalis ito. Eh di, good riddance!
Bumaba siya at nagtungo sa kusina. Tutal, mag-aalas singko na ng umaga, maghahanda na lang siya ng kanyang almusal. Gusto niyang kumain ng mainit na champorado o di kaya ay goto.
Nasa bukana pa lang siya ng kusina nang malanghap ng kanyang ilong ang amoy-bawang na ginisa. And there, infront of the stove was her husband, the culprit. Mabilis ang kanyang mga hakbang na lumapit dito at pinatay ang stove.
"Ano'ng ginawa mo? Di mo ba nakitang nagluluto ako?" nainis si Marcus sa biglaang pagpatay ni Daniella sa stove. Kasalukuyan siyang naggisa ng bawang at sibuyas dahil magluluto siya cornedbeef omelette. Tinapay at juice lang kasi ang inihanda ng babae kagabi at iyon lang din ang kanyang naging hapunan. Nakapag-saing na siya ng kanin sa rice cooker at nagtimpla na rin siya ng black coffee.
"Ayokong makaamoy na kahit anong pagkain na may bawang. Kung gusto mo ng corned beef, initin mo na lang, tutal ready to eat naman ang mga canned goods." Suhestiyon niya sa lalaki.
"Huwag ka ngang OA, masasapak kita diyan, eh!" So, ayaw nito ng bawang. Pwes, gigisahin niya ang lahat ng bawang na nasa bahay nito. Pinaalis niya ito ngunit nagmatigas si Daniella kaya kinarga niya ang babae at dinala sa dining table at doon pinaupo. At saka siya bumalik sa harapan ng stove at itinuloy ang paggisa ng bawang at sibuyas. Ngayon lang yata siya nag-eenjoy sa paggisa. Sinadya niyang hinaan ng husto ang apoy upang maluto ng maayos ang mga bawang. Nagulat na lang si Marcus nang tumakbo ang babae patungo sa pinakamalapit na lavatory at nagsusuka. Nakunsensya siya bigla at tumigil sa kanyang ginawa.
"Are you okay?" tinanong niya ito ngunit hindi tumugon si Daniella. Naawa tuloy siya sa babae. Patuloy pa rin ang pagsusuka nito ng laway. Kumuha siya ng isang tasa ng mainit na tubig at ibinigay ito sa babae. Pagkatapos ay hinagod-hagod niya ang likuran nito habang nakayuko sa lavatory.
"Salamat," sabi ni Daniella pagkatapos niyang magsuka ng laway.
"No problem. Mabuti pa siguro ay maligo ka muna. Medyo, kakaiba na kasi ang amoy mo. Hindi amoy-tao," biniro ni Marcus ang babae ngunit nagalit ito at sinipa ang kanyang pagkalalaki bago nito nilisan ang kusina.
BINABASA MO ANG
GENTLE DESIRE
RomanceDaniella was desperate to have a child and the bodyguard assigned to her was perfect to become her child's father. She believed that desperate times called for desperate measures but Marcus wasn't a fan of her irresponsible behavior. He wanted her a...