CHAPTER 51

23.5K 265 14
                                    

"Dahil iyon lang ang paraan na naisip ko upang tuluyan ka ng mabura sa isipan ng mga tao rito. Para hindi na sila magtanong kung nasaan ka at bakit hindi ka na bumalik." Hindi siya iiyak, hindi siya iiyak. Pero bakit bigla na lang tumulo ang kanyang mga luha at dumaloy sa kanyang pisngi?

"But why? Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mo pang magsinungaling. Bakit hindi mo na lang sinabi sa kanila na wala na tayo? Na hindi talaga naging tayo?" sunod-sunod ang tanong na ibinato ni Marcus sa lumuluhang babae.

She closed her eyes before giving an answer to one of his questions. "Because it hurts!" pag-amin niya sa lalaki. "It hurts like hell when you leave me!"

Natigilan si Marcus sa sagot ni Daniella. Bakit naman ito masasaktan? Unless..... "Did you love me?"

"Yes, I did. At umasa ako na mamahalin mo rin ako kahit mahirap akong mahalin,"tuluyan nang ibinuhos ni Daniella ang lahat ng sakit. Once and for all, she wanted to let go of the pain from the past.

"Sino'ng maysabi sayo na mahirap kang mahalin?" Noong nandito siya, lubos siyang nahirapan na kontrolin ang kanyang nadarama sa babae dahil ayaw niyang magtaksil kay Veronica. Pero ngayon, handa na siyang bigyan ng isa pang pagkakataon ang kanyang puso na umibig muli. Kaya, pinagtiisan niya si Alicia dahil batid niyang mahal siya ng babae. And that time, he was mad at Daniella when he received the DNA result of Mugsy.

"What do you mean?"

"Dahil..napamahal ka sa akin. Para kang parasite na dahan-dahang sumakop sa aking buong pagkatao. Minahal kita, Daniella, maniwala ka man o sa hindi. At hanggang ngayon ay mahal pa rin kita. Siguro, ikaw na talaga ang babaeng pinakahihintay ng pihikan kong puso." Gumaan ang kanyang pakiramdam nang masabi sa babae ang lahat na nasa kanyang puso.

Daniella closed her hand and turn it into a deadly fist, looked him in the eye, daring him to repeat the words that had torn her heart into small pieces and shattered all her hopes of 'happy every after'. She couldn't listen to him anymore. Ano'ng akala nito sa kanya? She didn't wait for the chance that he would sweet talk his way again. Pinalaya niya ang kanyang malakas na uppercut patungo sa ulo ng Marcus. At dahil hindi nito inaasahan ang kanyang ginawa, bumagsak ito sa sahig na parang isang sako ng patatas. Good for him!

"What was that for?" bumangon si Marcus at pinagpag ang duming dumikit sa kanyang damit nang bumagsak siya sa lupa.

Her face turned red as she became more enraged and furious at him. "Oh, that? That's for lying, bastard! Inakala mo ba na basta na lang akong maniniwala sa mga matatamis mong salita?"

Hindi niya inaasahan na mabigat pala ang kamao ng babae. And who was lying? Him? "I'm not a liar."

"Talaga lang ha. Tumigil ka, o gusto mong masuntok ulit?" Ngayon lang siya nagalit ng husto sa lalaki. Gusto niya itong pahigain at itali, pagkatapos ay isa-isahing bunutin ang mga pubic hair nito. O di kaya ay balatan ito ng buhay at ibabad sa suka.

"Pero, Dani, totoo naman ang sinabi ko, eh. And I missed you so much." He insisted.

"Naku Marcus, kapag hindi ka pa tumigil, makakatikim ka na talaga sa akin. Makikita mo!"pagbabanta niya sa lalaking panay pa rin ang panggu-gudtym sa kanya.

Napangiti si Marcus sa sinabi ni Daniella na parang may double meaning. "Hmmm, sounds good to me. Matagal din akong nagtiis bago ka matikman ulit."

She had enough of his antics already. Using all her strength, she kicked him in the groin. "I'm a busy woman, so don't mess with me! Sana hindi na ito maulit dahil ayaw kong mawalan ka ng kakayahang magkaanak sa ibang babae."

It was horrendously painful. Marcus writhed in pain and called for Daniella's help. But the damned woman just left without feeling sorry. Magiging battered husband ba siya kung sila ni Daniella ang magkatuluyan?

Nang maramdaman niyang medyo naging okay na ang kanyang katawan, tumayo si Marcus at lumabas mula sa greenhouse. Naisipan niyang puntahan ang inookupang guestroom upang makita sa actual ang sinasabi ni Ortega.

Pagdating niya sa loob ng silid, agad niyang hinahanap ang sinabi nitong vase. Ah, there it is. Inabot niyang urn at hinawakan. Tama si Ortega. Nakasulat nga ang kanyang pangalan sa label. At sa baba ng kanyang pangalan ay nakasulat ang 'Loving Husband and Father'. Ngunit hindi ba nagtaka ang mga tao kung bakit hindi nakalagay ang kanyang kapanganakan at petsa ng pagkamatay?

Ngayon, ay nagtatalo ang kanyang isipan kung lalantad ba siya o hindi. May magbabago ba? Hindi na sila mag-asawa ni Daniella. Pero, paano kung siya ang tunay na ama ni Mugsy? Yes, he would find proof that he's the father of Mugsy. For now, he's going to play Daniella's game.

Hinubad niya ang kanyang costume at nagpalit ng board short na kulay asul. Magiging ninja pa din naman siya kung isusuot niya ang maskara. Alam niyang magagalit si Daniella sa kanyang gagawin. And he wouldn't give a damn. Hindi niya sasayangin ang pagkakataon na magtampisaw sa tubig dagat. Matagal-tagal na rin ang panahon noong huli siyang naligo sa dagat.

Napansin niya si Daniella sa di kalayuan na tinuturuan ang anak nito na mag-enjoy sa tubig. She so looked so beautiful and radiant in her yellow bathing suit. The little girl also wore a yellow bathing suit, just like her mother. Was her name really Ariana? Kung totoo man ang narinig niya, ano ang ibig sabihin nito?

Lumangoy siya patungo sa mag-ina. "Hello," sabi niya sa babae ngunit inirapan lang siya nito bago kinarga ang bata na para bang isa siyang masamang tao.

"Ano ang ginagawa mo rito?"

"Swimming, of course." Patay-mali na sumagot si Marcus sa itinanong ni Daniella. "What's her name again?"

"Ariana Jade," Daniella replied.

GENTLE DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon