Kung tama ang resulta na ibinigay ng isang app sa kanyang smartphone, sa Valentines Day manganganak si Daniella at bukas na iyon! Nagpalakad-lakad si Marcus sa kanyang apartment dahil hindi siya mapakali. Kanina pa niya gustong tawagan ang babae ngunit nagdalawang-isip siya na gawin 'yon.
"Tito Marcus!" nilakasan ni Matthew ang pagtawag sa pangalan ng kanyang uncle dahil kanina pa siya nakatayo sa may pintuan, hindi man lang siya pinapasok.
"Matt, ikaw pala. Kanina ka pa diyan?" parang nasira yata ang kanyang eardrum sa tinis ng tinig ng batang lalaki.
"Yup. Gusto ko kasing sumakay sa kabayo tulad ni Kuya Carter pero ayaw ni Papa. Uncle, please, kausapin mo naman si Papa na payagan ako," mangiyak-iyak si Matthew habang nagsumbong kay Marcus.
Naawa siya sa bata pero hindi niya ugaling panghimasukan ang pagpapalaki ni Samuel sa mga anak nito. Siguro may dahilan ang kanyang kaibigan kung bakit hindi pinayagan si Matthew na gawin ang mga bagay na ginagawa ni Carter. "Baka may dahilan ang ama mo, Matt. Maliit ka pa kasi," sabi ni Marcus habang ginulo niya ang makapal nitong buhok, ngunit hindi pa rin nagbago ang expresson sa mukha nito at nakasimangot pa rin.
"Mas mahal nila si Carter kaysa sa akin," ayon ni Matthew.
"Shhh, mahal kayo pareho ng mga magulang mo. Halika, sasamahan na kita pauwi sa bahay ninyo." Sabi ni Marcus at hinawakan ang maliit nitong kamay.
"Ayoko pang umuwi, dito muna ako please?"
Matatanggihan ba niya ang cute na si Matthew? Syempre, hindi! Nag text na lang siya kay Samuel na nasa apartment si Matthew at nagtampo. Ayaw niyang mag-alala ang mag-asawa sa paghahanap sa kanilang bunso. Niyaya niya si Matt na maglaro ng video games at chess. Nag-eenjoy silang dalawa sa paglalaro nang dumating sina Samuel at Jessica kasama si Carter.
"Nagtatampo daw ang bunso namin. At bakit?" malambing na niyakap ni Jessica si Matthew.
"Kasi..Mama, bakit si Kuya lang pwedeng sumakay ng kabayo? Big boy na naman ako," nagmamaktol na nagsumbong si Matthew sa ina.
"Yes, but how old are you now?" Malambing na tinanong ni Jessica ang kanyang anak.
"Five," sumagot si Matthew.
"Two years to go na lang at pwede ka nang sumakay sa kabayo. Bakit nagmamadali kang maging big boy? Ayaw mo na ba kay Mama?" Gusto ni Jessica na masulit ang childhood days ng kanyang bunso. Ang bilis kasing lumaki ng mga bata, katulad na lang ni Carter, na ayaw nang magpa-baby sa kanya.
"I'm sorry, Mama. Hindi na po ako magtatampo. I'm sorry din, Papa."
Sabay na niyakap nila Samuel at Jessica si Matthew. Nainggit si Marcus sa kanyang nasaksihan. At hindi nakaligtas mula sa mapanuring titig ni Samuel ang emosyong pilit niyang itinagao.
"You should get laid and have kids, Marcus. Alam ko kung gaano mo kamahal si Veronica at Arianna pero wala na sila. At heto ka, buhay at bata pa. Panahon na siguro upang tumigil ka na sa pagiging recluse. Damn you Marcus, you deserve a loving woman in your bed!"
"Samuel! Baka nakalimutan mong narito pa kami ni Matthew, dahan-dahan naman sa pananalita mo. Aba'y, masasapak kita diyan, eh!" Galit na sumabad sa usapang panglalaki si Jessica.
"Sorry, sweetheart. Ito kasing si Marcus, masyadong lulong sa kanyang nakaraan at-"
"Oo nga naman, Marcus. Panahon na upang ayusin mo ang iyong buhay! Ayaw mo bang magkaroon ng anak na kasing cute at kasing sweet ni Matthew? Pag-isipan mong mabuti. Ilang taon na rin ang nakaraan. Sa tingin mo, magiging masaya ba si Veronica sa kabilang mundo kung heto ka at patuloy pa rin siyang ipinagluluksa. Aba, kung ako si Veronica, malulungkot ako kapag sisirain ni Sam ang buhay niya dahil wala na ako. Di ba sweetheart?"
Nagkatinginan ang dalawang lalaki pagkatapos pakinggan ang mahabang litanya ni Jessica. Mga babae, talaga. Mahirap intindihin.
"Sweet, kinikilig naman ako sa sinabi mo. Pero pangako, hindi ko sisirain ang buhay ko kapag mauna kang pumanaw sa akin. Mas maigi siguro na sisimulan ko na ngayon ang paghahanap ng substitute mo para mas masaya at-"
Hindi na natapos ni Samuel ang kanyang gustong sasabihin dahil binatukan ito ni Jessica. Ah, the perk of having a wife! Marcus shook his head to refresh his mind. Kasi habang pinapanood ang bangayan ng mag-asawang Marcus at Jessica, si Daniella ang naging laman ng kanyang isipan. He missed her so much!
"Problem?" napansin ni Samuel na mayroong bumagabag sa kanyang kaibigan at hindi niya ito hahayaan na hindi magsabi sa kanya. Lumapit siya kay Jessica at sinabihan itong mauna na dahil mag-uusap muna sila ni Marcus. Sa tingin niya ay naiintindihan siya ni Jessica dahil hindi na ito nagtanong kung bakit.
"A woman." Maikli ngunit may mabigat na kahulugan ang isinagot ni Marcus sa tanong ni Samuel.
"Sino? Si Alicia?"
Si Alicia ang bagong na-hire na accountant ni Samuel. May pagka-flirt ang babae at palabiro. Naiinis nga si Jessica dito ngunit magaling sa trabaho ang babae kaya hindi ito tinanggal ni Samuel. Ilang beses na din itong nakipag-flirt sa kanya na nasaksihan naman ng lahat ng trabahante sa hacienda.
"Of course not!" Matigas niyang itinanggi na si Alicia ang babaeng gumugulo sa kanyang isipan.
"Sino nga?" Kinulit ni Samuel si Marcus.
Isinalaysay ni Marcus ang buong pangyayari, nagsimula siya noong sinabi nitong may trabahong naghihintay sa kanya courtesy of Alexander Ortega, hanggang sa araw na ikinasal siya sa babae. Hindi nakapagsalita si Marcus sa kanyang isiniwalat na detalye tungkol kay Daniella Reyes. Ngunit hindi niya sinabi kay Samuel ang tungkol sa huling araw niya sa Oslob, kung kailan may nangyari sa kanila ni Daniella sa gitna na vineyard.
"Ha ha ha ha....!" Hindi niya mapigilan ang sarili na pagtawanan si Marcus. Oo nga at hindi biro ang pinagdaanan nito sa kamay ng isang babae. Mahirap paniwalaan ang inamin nito sa kanya. Totoo ba talaga iyon? Muli niyang pinag-aralan ang mukha ni Marcus ngunit seryoso pa rin kasi ito at hindi man lang tumawa.
"It's not funny, Sam. Kung sayo nangyari iyon, ano'ng gagawin mo?"naiinis siya sa kausap dahil parang hindi ito naniniwala sa kanya.
"I know, pare. Pasensya ka na. Actually, hindi naman malayo ang nangyari sayo sa nangyari sa amin noon ni Jessica. Remember? The woman was crazy about me to the point that she cornered me into marrying her." Batid ni Samuel na may pagtingin na din si Marcus para sa babae, kasi kung wala, hindi naman ito magiging balisa lalo na at manganganak na ang babae. He would bet ten million pesos that Marcus was the baby's father. "Teka, bakit hindi tayo magpustahan? Ten million ang itataya ko na ikaw ang ama ni Mugsy," hinamon ni Samuel si Marcus.
Naningkit ang mga mata ni Marcus sa sinabi ni Samuel. "Ten million? Common, Sam. Kailan ka pa naging kuripot. Let's make it fifty. What do you say?" Tinanggap ni Marcus ang hamon ni Samuel ngunit nilakihan niya ang amount na involved. In his case, he had nothing to lose.
"Game!" Natuwa si Samuel sa malaking pagbabago ni Marcus. Ngayon pa lang ay gusto na niyang makilala itong si Daniella Reyes upang mapasalamatan.
Matapos ikasa ang kanilang pustahan, nag-inuman ang dalawang lalaki. Nakaubos sila ng tig-tatlong bote ng beer bago nagpaalam si Samuel na uuwi na.
Nang umuwi si Samuel sa kanila ay muli na namang nag-isa si Marcus sa kanyang apartment. As usual, tahimik ang paligid. Dati, mas gusto niya ang ganito. Iyong tahimik lang. Hinanap niya ang walang humpay na pagbibiruan ng mga tauhan ni Daniella. Ano kaya kung pupuntahan niya ang babae? Surprise visit?
Hindi. Labag sa kanyang prinsipyo na siya mismo ang hindi tutupad sa kanyang binitawang salita. Sa ngayon, wala siyang ibang choice kundi ang maghintay sa DNA result ni Mugsy. At habang wala pa ang resulta, stay put na muna siya sa hacienda. Kaya lang hindi siya mapakali. Hindi siya sanay na maghintay lang.
Magpapahinga na sana siya nang muling may kumatok sa pintuan. Bumalik kaya si Samuel? Mabilis ang kanyang mga hakbang habang papunta sa may pintuan, ngunit hindi si Samuel ang napagbuksan niya. "Alicia! Ano'ng ginagawa mo rito?"
BINABASA MO ANG
GENTLE DESIRE
RomanceDaniella was desperate to have a child and the bodyguard assigned to her was perfect to become her child's father. She believed that desperate times called for desperate measures but Marcus wasn't a fan of her irresponsible behavior. He wanted her a...