CHAPTER 17

29.6K 346 1
                                    

Naisip ni Daniella na panira talaga ng moment ang kanyang ninong. Hindi ba nito alam ang tunay na sitwasyon? Hindi na nga maipinta ang mukha ng kanyang bagong asawa. "Salamat po, Ninong. Kailan ho pala uuwi si Gerald?" Kababata niya ang nag-iisa nitong anak ngunit matagal na silang hindi nagkita ni Gerald kasi sa States ito nag-aral.

"Hindi pa sigurado kung kailan ngunit sabi niya ay uuwi naman daw," sumagot si Edwin. "Bueno, maiwan na namin kayo para sa inyong honeymoon. Nabanggit ni Paloma sa akin kanina na gusto ninyong mag-solo muna dito sa bahay kaya inimbita ko siya pati ang inyong mga kasambahay na doon muna sa resort namin. Paloma, ready na ba silang umalis?" Ibinaling ni Edwin ang kanyang pansin kay Paloma.

Ano raw? Nagbibiro ba ang ninong niya? At si Paloma? Hindi ito makatingin sa kanya ng diretso. Kung kailan sila nagkamabutihan, saka pa ito gumawa ng kalokohan. Kaya ba minahal ito ng kanyang Papa dahil sa pagiging feisty nito?

"Yes, Ed. Actually, kanina pa sila naghihintay sa labas. Kukunin ko lang ang bag ko sa itaas at aalis na tayo," sumagot si Paloma.

"Sandali!" pinigilan si Paloma ni Marcus. "Ang antidote, nasaan?"

"Wala!" giit ni Paloma at natawa siya sa hitsura ni Marcus. Namutla kasi ito.

"What do you mean na wala?" nakaramdam ng takot si Marcus, hindi lang para sa kanyang sarili, kundi pati na rin sa babae at sa ipinagbubuntis nito. Nakita niya kung paano namutla si Daniella nang malamang walang antidote.

"Kasi gawa-gawa ko lang naman ang kwento na may lason. Don't worry, magiging okey rin kayong dalawa in twenty minutes. Adios!"

Tiningnan ng masama ni Marcus si Daniella, sa pag-akalang nagsabwatan lang ang dalawa upang pikutin siya. Pinaglaruan lang siya ng mag-ina. "Pakana mo 'to, no?" Pinagbintangan niya si Daniella.

"Ano, bakit ang sama ng tingin mo sa akin? At bakit ako ang may pakana eh kasasabi lang ni Paloma na siya ang may pakana!" Nainis siya sa pagbibintang ni Marcus sa kanya dahil wala siyang alam sa sinabi nito.

"Tigilan mo na ang pag-arte. Tayong dalawa na lang ang narito, so be honest." Pinilit ni Marcus ang babae na umamin.

"Whatever, basta ang alam ko, dati siyang nurse bago naging sila ng Papa ko." Sabi ni Daniella.

Pagkalipas ng ilang minuto, nanumbalik ang kani-kanilang mga lakas. Ibig sabihin ay pinaglaruan lang talaga sila ni Paloma. Hindi pa rin matanggap ni Marcus na kasal na siya sa babaeng nanghalay sa kanya. At mas lalong hindi niya matanggap sa kanyang sarili na nabiktima siya ng shotgun wedding!

Kinapa niya ang kanyang cellphone ngunit wala pala siyang dalang cellphone at baka naiwan niya sa Hacienda.Tumayo siya at nagtungo sa telepono. Ngunit wala itong dial tone. "Fuck!" napamura si Marcus. Is he going to be prisoner in her mansion? Hindi siya makakapayag na gagawin ulit ni Daniella ang ginawa nito sa Hong Kong.

Over his dead body! Pinuntahan niya ang maindoor. And as expected, naka-locked din ito. Pati mga bintana. Para siyang tanga na naghahanap ng labasan ngunit bigo siya.

"Will you please sit down? Ako ang nahihilo sa ginawa mo, eh." Hindi na nakatiis si Daniella.

"Easy for you to say dahil hindi ikaw ang bilanggo!"

"Anyway, mamili ka na lang sa mga guestrooms namin kung saan mo gustong matulog. Matatauhan rin si Paloma at pakawalan ka, kaya lang, baka sa susunod pang mga araw." Sabi ni Daniella.

"Salamat sa pagiging hospitable mo, Mrs. Madrigal. But no, I will not sleep in any guestrooms. Kung saan ka matutulog, doon din ako." Ang totoo ay wala siyang tiwala sa babae. For the meantime, ayaw niyang mawala ito sa kanyang paningin dahil likas na itong tuso.

"Ah, how sweet. But no, you can't sleep in my room!" Tumanggi siya sa kagustuhan nitong makitulog raw sa kanyang silid. Ano siya, sinuswerte?

"The hell I can't! Now that we're married, I will claim what is due to me!" dumadagundong sa buong mansion ang malakas na boses ni Marcus.

"Like what?" She asked.

" A wedding night. That's the least you can do for ruining my life!" Giit ni Marcus.

Tumaas ang kilay ni Daniella sa kanyang narinig mula kay Marcus Madrigal. "You are crazy!"

"I must be and it's because of you, wench!" Marcus replied.

GENTLE DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon