CHAPTER 31

26.5K 327 3
                                    

"Actually, bearable naman po ang pain. Basta limitahan mo lang ang pag-inum ng mga softdrinks o malamig na tubig para hindi masyadong lumaki yong bata sa loob ng tiyan mo. Mahirap manganak kapag sobrang laki iyong bata," paliwanag ni Thalia kay Daniella.

"Kung magpa-cs na lang kaya ako?" May mga napanood kasi siyang videos ng isang babae habang nanganganak. At para sa kanya, hindi biro ang sakit na nararanasan ng mga bagong ina. Natakot siya na baka hindi niya kakayanin.

"Pwede. Kaya lang para sa akin, mas okey pa din iyong normal delivery kasi mas mabilis kang maka-recover compared sa magpa-cs. Ako nga, one week lang akong nagpahinga. Kausapin mo na lang si Doktora tungkol sa mga plano mo. Pero nasisiguro kong kaya mong mag-normal. Malakas ka naman, eh." Pinapalakas ni Thalia ang loob ni Daniella dahil ramdam niya ang takot nito. Ganun din kasi siya dati...

"Sabagay. Salamat, Thalia. Medyo gumaan ang aking pakiramdam. Ilang buwan na lang kasi ang hihintayin ko bago lumabas si Mugsy." Excited siya na may halong takot. Hindi niya kayang ipaliwanag ang kanyang naramdaman. Ganun talaga siguro kapag buntis.

"Huwag kang mag-alala ng husto kasi makakasama iyan sa bata. Dapat, happy ka lang para happy din siya." Paalala ni Thalia.

Dapat happy lang siya? Natawa si Daniella sa suhestiyon ni Thalia kasi sa kanyang sitwasyon, ang hirap maging masaya lang. Kahit ilang beses niyang sinabi sa kanyang sarili na si Mugsy lang ang dapat niyang iisipin at wala ng iba pa, hindi pa rin niya maiwasang isipin si Marcus Madrigal.

Paano ba maging masaya ng lubusan kung hindi pa rin siya naka-move on? Patuloy pa rin niyang iniisip ang dating asawa na ama ni Mugsy. Siguro masaya na ang lalaki sa buhay nito ngayon lalo na at malaki ang nakuha nitong kayamanan mula sa kanya. Madalian kasi ang kanilang naging kasal kaya hindi naihanda ang prenuptial agreement. Ang resulta, nabawasan ng kalahati ang kanyang yaman. When she signed the annulment papers, she told Marcus to liaise with her attorney regarding the proceedings.

"Sky!" Nagulat si Daniella dahil bigla na lang sumalubong ang kanyang dambuhalang aso at yumakap sa kanya. Hindi ba nito alam kung gaano siya kabigat?

"Okay lang po ba kayo?" nabahala si Thalia nang makita niyang muntik nang mawalan ng balanse ni Daniella. "Siguro, kailangan na nating ibalik sa kanyang kulungan ang aso na iyan. Baka madisgrasya ka pa," suhestiyon ni Thalia ngunit parang naintindihan siya ng aso kasi panay ang kahol nito at mukhang galit sa kanya.

"Mauna ka na, Talia. Ako na ang bahala kay Sky. Medyo nagalit yata siya sa sinabi mo, eh." Si Sky ang katabi niya sa kanyang pagtulog gabi-gabi. Ito na rin ang naging sumbungan niya sa kanyang mga saloobin. Overprotective din ang aso kay Mugsy, na para bang anak din nito ang nasa kanyang tiyan. "Let's go Sky," sabi niya sa aso at magkatabi silang naglakad pabalik sa bahay. Mabuti pa si Sky at hindi siya iniwan...

GENTLE DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon