"Buntis?" nagulat si Paloma sa sinasabi ng lalaki na kaya nawalan ng malay si Daniella ay dahil buntis ito.
"Yes, at ako ang ama." dagdag pa ni Marcus sa naguguluhang ginang. Gusto niyang itama ang isang pagkakamali.
"Hindi ako maniniwala sayo. Magkano ba ang gusto mo upang lubayan mo na kami?" Ang lakas naman ng loob nitong magpunta sa kanilang bahay at sabihin na buntis si Daniella at ito ang ama.
"Tsk, tsk, like mother, like daughter." Napailing si Marcus sa tinuran ng ginang.
"At ano ang ibig mong sabihin?" Hinamon ni Paloma ng tingin ang lalaki ngunit hindi ito natakot sa kanyang hitsura at ngumiti lang. Napaka-antipatiko talaga!
"Mahabang kwento at hahayaan na nating si Dani ang magkwento sayo," sabi ni Marcus habang ang kanyang mga mata ay nakatitig sa dalawa at binalaan itong bawal magsinungaling.
"Arrogante!" hindi mapigilan ni Paloma ang kanyang sarili na magalit sa lalaki. Kung kailan sila naging okey ni Daniella ay saka pa ito dumating .
"Ella, dear. Ano itong sinasabi niya na buntis ka raw at siya ang ama? Tell me, it's not true." bakas sa mukha ni Paloma ang pagkabahala para sa kanyang anak-anakan.
"I'm sorry. Pero totoo ang lahat ng sinabi niya. Buntis ako at siya ang ama," umamin si Daniella dahil hindi rin naman niya kayang itago ang kanyang pagbubuntis.
"Ano? It can't be. Masisira ang dangal at pangalan mo, iha. Pag-uusapan ka ng buong bansa. We must do something about your pregnancy!" If she's really pregnant, the least she could do was to prevent a scandal!
"Tama ang ina mo, Daniella. Kailangang may gawin tayo diyan sa ipinagbubuntis mo," dagdag pa ni Marcus.
Kung kanina ay nainis siya sa pagka-arogante ng lalaki, natuwa siya na handa naman pala nitong pangutan ang kalagayan ni Daniella. "Mabuti naman at gumana iyang utak mo. Bueno, kailan tayo magsimulang maghanda para sa kasal?"
"Kasal?" sabay na nagtanong sina Marcus at Daniella.
"Yes, iyon ang pinakamagandang solusyon sa kinakaharap na problema ni Daniella. Bakit, ano ba ang naisip mong solusyon kung hindi ang kasal?"
"Ipalaglag ang bata," walang pag-alinlangan na sinagot ni Marcus ng diretsahan ang ginang.
Kung ikinagulat ni Daniella ang tungkol sa kasal, mas nagulat siya sa suhestiyon ng lalaki. Tiningnan niya ito ng masama at ganun din ang ginawa ni Paloma. Kung nakakamatay lang ang tingin, siguradong kanina pa ito bumulagta sa sahig!
"How dare you!" nagagalit na sabi ni Daniella.
"Hindi ko kayang maging ama sa batang iyan at alam mo iyon!" Nagalit rin si Marcus at napatiimbagang siya habang nag-uusap ang kanilang mga mata ni Daniella.
"Pwes, hindi niya kailangan ng ama at alam mo din iyon!" nagpalitan ng sigaw sina Marcus at Daniella na siya namang ikinagulat ng husto ni Paloma.
"Ma, leave us alone, please." pakiusap ni Daniella sa kanyang stepmom at agad naman itong tumalima.
"Common, be reasonable! I did my research before coming here. Kaya alam ko na hindi mo na kailangan ang bata upang makuha ang iyong mana," sabi ni Marcus nang maiwan silang dalawa ni Daniella sa living room.
"I'm not as heartless as you are, Mister. Now, please leave or ipapapulis kita!"pagbabanta ni Daniella sa kaharap ng lalaki. How could he be so disrespectful towards their unborn child? Oo nga at ipinilit niya ang kanyang sarili dito. Sapat na dahilan ba iyon upang ipalaglag ang kanyang ipinagbubuntis?
"Hindi ako aalis rito hangga't di ka susunod sa gusto ko! May karapatan din ako sa batang iyan kaya pwede kong gawin kung anuman ang gusto ko! Now, I'm saying ipalaglag mo yan!"
"And I'm saying, I will not! Now, get out or go to HELL!" Sumigaw si Daniella.
"Daniella, please." Nakiusap si Marcus kay Daniella na pakinggan siya nito ngunit nagmatigas si Daniella.
"Just leave," she was emotionally drained fighting for her unborn child to live.
BINABASA MO ANG
GENTLE DESIRE
RomanceDaniella was desperate to have a child and the bodyguard assigned to her was perfect to become her child's father. She believed that desperate times called for desperate measures but Marcus wasn't a fan of her irresponsible behavior. He wanted her a...