His normally relaxed and pleasant attitude slowly changed and his face contorted in an all-consuming anger. Lumalagablab ang mga butas ng kanyang ilong , kumislap ang kanyang mata at nanginig ang kanyang bibig sa galit na nararamdaman sa ginawa ni Daniella. Para siyang bulkan na sasabog kahit anumang oras.
Yes, he was more than infuriated with what she did. Kasing-bilis ng ipo-ipo ang ang kanyang ginawang paglalakad patungko sa kinauupuan ng babae. Gusto niya itong sapakin upang matauhan sa paglalaro nito sa kanyang damdamin, at sa pagkatao ng anak nito. Paano nitong nagawa na patayin siya? Kung hindi pa niya nalaman mula kay Ortega ang tungkol sa cremation urn na nasa guestroom, mabubuhay ang kanilang anak sa kasinungaling si Daniella mismo ang may pakana.
Nang dumating siya sa mesang kinuupuan ng mag-ina, hindi niya pala kayang sumbatan ang babae sa harap ng maraming tao. Lalo na nang masaksihan niya kung paano nilalambing nito ang bata habang pinapakain. She's going to be the best mother for their daughter.
Then, he looked at the child's face. Oh my God, sabi niya sa kanyang sarili nang mapansin ang kakaibang resemblance nito kay Ariana, ang kanyang yumaong anak. Kung titingnan mula sa malayo, mas kamukha ni Daniella ang bata, pero kapag malapitan, siya talaga ang kamukha ng bata. He couldn't be mistaken, because, the child looked exactly like him when he was her age!
Samantalang si Daniella ay hindi mapakali sa kanyang kinauupuan. Nang umupo kasi sa kanyang tabi ang lalaki, panay na ang titig nito sa kanyang anak. Then, she knew why. Ang kanyang utak ay pansamantalang tumigil. Nanlamig ang kanyang mga kamay at pinagpawisan siya ng husto. Paanong nalaman ni Marcus ang lahat?
"Now, I see." Sinadyang ibitin ni Marcus ang huling kataga upang ipaalam sa babae na alam na niya ang lahat.
"Marcus..." hindi alam ni Daniella kung ano ang sasabihin sa lalaki. She was scared at the way he looked at her and she expected him to deliver a fatal blow.
If only he was not hungry for food, he would want a confrontation, right here, right now. But he was already dying of hunger. "Later," he made sure that his word would deliver the exact message he wanted her to know.
Kahit natakot ay tumango si Daniella. Fine, kung magkaalaman man sila, eh di ngayon na, pero hindi sa harap ng maraming tao. "You can find me at the greenhouse. Common, Ariana, let's go." Inalalayan ni Daniella ang nag-aaral pang maglakad na bata, patungo sa kinaroroonan ni Paloma. Hindi niya pwedeng dalhin ang bata sa greenhouse, dahil, hindi magandang panooring ng isang bata ang pag-aaway nila ng lalaki.
Natigil sa pagsubo ng pagkain si Marcus nang marinig ang pangalan na tinawag ni Daniella sa bata. O sadyang namimiss niya lang ng husto ang kanyang panganay na anak.Ibinalik niya sa pagkain ang kanyang attention. Pagkatapos niyang kumain, nagpalinga-linga sa paligid upang hanapin si Ortega pero ni anino nito ay hindi niya nakita. Nasaan na kaya ang kumag na iyon?
Gaya ng sabi ni Daniella, nagtungo siya sa greenhouse na puno ng mga namumukadkad na bulaklak. Nang pumasok siya, nakita niya ang babae na nakaupo sa isang bench malapit sa lagayan ng mga flower vase. Lumapit siya at naupo na rin. They were both adults and matured enough to settle things out.
"So, you lied about my death. Why?" puno ng hinanakit ang boses ng lalaki nang tanung si Daniella. Nang hindi kaagad sumagot ang babae, tuluyan ng humulagpos ang galit na naipon sa dibdib ni Marcus. Hinawakan niya ang magkabilang balikat nito at niyugyog ng malakas. "Answer me!" dumadagundong ang kanyang malakas na boses sa buong greenhouse.
BINABASA MO ANG
GENTLE DESIRE
RomanceDaniella was desperate to have a child and the bodyguard assigned to her was perfect to become her child's father. She believed that desperate times called for desperate measures but Marcus wasn't a fan of her irresponsible behavior. He wanted her a...