Monday. Pasukan na. 7:00 AM ang klase ko kaya 5:00 AM pa lang ay gumising na ko. Baka mag-agawan pa kami ng dorm mates ko sa CR. Tsk. Parang hindi rin ako nag-dorm. Ganito rin ang gising ko malamang kahit nasa bahay ako kaso lang ayaw ko namang mag-drive.
Nakatapos na akong maligo at mag-ayos, nakapag-sangag na rin at prito ng itlog pero tulog pa rin ang dalawa. 6:30 na. Kaklase ko 'tong mga 'to pero tulog pa rin. Kinatok ko pareho.
"Hoy, mga babaeng mantika, gumising na kayo!" Nilakasan ko pa ang katok. "Gising! Daisy!" Lumipat ako sa kabilang pinto. "Emma!" Dumukot ako ng piso sa bulsa ko saka ko ginamit pang-katok nang malakas. "6:30 na, bahala kayo d'yan."
Nakarinig ako ng yabag ng patakbong paa sa loob ng mga kwarto nila. Sabay pang nagbukas ng pinto ang mga ito.
"6:30 na! Waaaah!" tili ni Daisy, nakasukbit ang tuwalya sa balikat, bitbit naman ni Emma ang towel niya at sabay na patakbong nagtungo sa CR. Paunahan. Nanalo ang magaslaw na si Daisy. Sinara agad ang pinto.
"Waaaah! Hoy! Bilisan mong maligo! 5 minutes lang! Huhuhu!" tili ni Emma.
Sumagot nang malakas si Daisy mula sa CR. "Ano'ng tingin mo sa 'kin, manok? Kumain ka na d'yan, nasa trono ako!"
"Pigilan mo muna 'yan! Mamaya ka na magpupu!"
"Heh!" tili ni Daisy. "Uuuggghhh!"
Laglag ang balikat ni Emma.
Ang lakas ng tawa ko sa dalawa. Parehong tulog-mantika tapos magkukumahog mag-ayos. Tsk. "Nakapagluto na ko. Kumain ka na rito para pagkatapos mo tapos na rin si Daisy sa business niya sa CR. Mauuna na ko sa inyo."
Walang nagawa si Emma kundi kumain. Lumabas na ako ng dorm. Bahala silang mahuli sa klase.
May hagdan paakyat sa magkabilang dalawang dulo ng Annex Building at walang elevator. Napakahaba naman kasi nito. Wala ring gaanong window. Fully air-conditioned ang building. Naglakad ako sa hallway ng ground floor ng Annex Building papuntang left wing. Mas malapit ang hagdan dito paaakyat sa Room 3L. Buti may vicinity map na kasama 'pag nag-enroll dito.
Konti pa lang ang students sa ground floor. Umakyat ako ng 2nd floor pero mas lalong wala pang students. Sa third floor kaya may tao na? Tinungo ko ang 3rd floor pero walang tao. Tahimik pa ang paligid. "Heto, room 3L. Buti kalapit lang ng hagdan." Pumasok na ako sa classroom namin pero wala ring tao. Naupo na ko sa bandang gilid malapit sa window. Tanaw ko mula dito ang dorm pati ang Old Building pero medyo malayo.
I heard footsteps outside the room pero 'di ko pinansin at baka estudyante lang. Nagdadatingan na siguro sila. I was still busy looking at the view when someone passed by behind me. Ramdam ko ang presence ng kung sinong bagong dating. Baka may kaklase na akong dumating at ramdam kong naupo siya sa likuran ko. Hindi ko na lang ulit pinansin dahil hindi naman ako interesado sa kanya. Huminga nang malalim ang student na nasa likod ko na halos umabot na ang hangin sa batok ko. Nakataas pa naman ang buhok ko. Malamig ang dumamping hangin sa akin and it gave me goosebumps. Palingon pa lang ako sa kanya para sitahin when other students came in. Sila muna unang tiningnan ko bago ang nasa likod ko. Tatlong babae at isang lalake ang bagong pasok at dumiretso sa bandang likuran kaya sumunod ang tingin ko.
There, at the corner of my eyes, I saw a ghost behind me, looking directly at me. Babaeng estudyante, pale-faced na may laslas sa leeg. Naka-school uniform na pang-Senior High ng school namin. Dinedma ko. Sanay na ako sa gawain ng mga katulad nito para mapansin. Kunwari ay lumagos ang tingin ko sa kanya. Binati ko ang apat na estudyanteng bagong dating na sa pinaka-dulo naupo. "Hi there classmates!" Kinawayan ko pa sila and they waved back naman. Good thing because sign 'yon na pwede akong lumapit. Makakalayo ako sa multong 'to. Binitbit ko ang bag ko at lumipat sa likod. Tumabi ako sa babaeng tsinita. "Akala ko hanggang mamaya pa ko mag-iisa rito. Malapit na kong ma-bore at bumalik ng dorm."
"Oo nga e. Male-late daw 'yong first prof natin sa Management. Ako nga pala si Loida. Siya si Ana, saka si Karen. Tapos si Diego." Naglahad ng palad si Loida, iyong tsinita.
"Hello, I'm Arlene. Nice meeting you guys!" Iniabot ko ang kamay ko sa kanila. Gosh, lumapit pa sa kanila 'yong multo at tumayo sa gilid no'ng Diego pero nakatingin pa rin siya sa akin. Dinedma ko pa rin siya. Wala akong pakialam. Siguro kung nakikita siya ng mga 'to, kanina pa sila nanginginig sa takot at nagtakbuhan.
"Arlene!" Nilingon ko ang tumawag sa akin. Si Emma kasunod si Daisy, pero may kasunod pa si Daisy. Babaeng multo na naman? Naka-school uniform din ito ng Junior High. Dinedma ko rin siya saka ko nginitian sina Daisy.
"Oh, swerte kayo male-late daw ang prof natin." Nakamasid pa rin sa akin ang babaeng multo. "Hmp. Manigas ka diyan."
"Hay! Sa wakas. Buti naman at hindi kami tagged as late today." Pagod na napa-upo sina Emma at Daisy sa upuan sa tabi ko. Tumakbo ba naman sila para hindi ma-late.
Ipinakilala ko sila sa mga bagong kilala ko. Nagkakwentuhan kaya nalibang na rin ako. 'Di ko na pinansin iyong dalawang saling-pusa sa room. Nagsidatingan na rin ang iba pang students saka pumasok ang babaeng prof namin. Bata pa at maganda. Parang nasa mid-twenties pa lang."Good morning class. I'm Ms. Samantha Mariano. I will be your instructor for Management 202." Tiningnan niya kaming lahat. "Kindly do a little introduction in front. State your name, age, hobbies and show a sample of talent, either singing or dancing."
Nagpakilala isa-isa. May mga pumiling sumayaw, may pumili na kumanta na lang kahit sintunado kaysa sumayaw nang walang music.Tumayo ako sa unahan nang oras ko na para magpakilala at humarap sa klase. Naroon pa rin sa likuran ang dalawang multo kanina. Dedma ulit. Magsasalita na sana ako nang may pumasok. Si Gio! Aminin ko man o hindi, gwapo talaga 'tong mokong na 'to sa malapitan, pero mas nagulat ako nang makita kong may kasunod 'tong babaeng student. Multo, again, at may bahid ng dugo ang uniform nito. Umupo si Gio sa kabilang gilid ng room sa pinakadulo. Tumayo naman sa tabi niya ang multo at namalagi lang do'n. Inialis ko ang tingin ko sa kanila at nagsimulang magpakilala.
"H-Hi, I am Arlene Grace Valdez, 17 years old, my hobbies are reading books, playing instruments, singing, sleeping and eating." Nagtawanan ang mga kaklase ko. Nakatingin sa akin si Gio pero dinedma ko na lang din siya. Pilit kong inaalis ang tensyon na nararamdaman ko. Sinimulan ko na ang kantang may hugot yata kaya madamdamin ang pagkanta ko.
Loving you, is easy cause you're beautiful,
Makin' love with you is all I wanna do
Lovin' you is more than just a dream come true
And everything that I do is out of lovin' you
La la la la la, la la la la la
La la la la la, la la la la la
Do do do do do, oohNagpalakpakan ang mga kaklase ko at napatawa ako. Ano ang nakakatawa? Pumalakpak din iyong tatlong multo. Akala naman nila papansinin ko sila sa ginawa nila pero dinedma ko pa rin sila. Oras na pansinin ko kahit isa lang sa kanila ay hindi nila ako tatatantanan sa paghingi ng favor. Lalong magugulo ang magulo na naming buhay. Pero may nagpakunot ng noo ko habang pabalik ako sa upuan ko. Ano'ng nangyari sa school na 'to? Bakit ang daming multong students? Sino sila? Bakit hindi pa sila matahimik? Saka bakit nakasunod kay Gio iyong isang multo pati do'n sa Diego at kay Daisy? Ito ba ang dahilan kaya bawal sa Annex Building kapag alas-sais na? Eh, mukha namang harmless ang mga multong 'to. Sigurado akong hindi isa sa mga 'to si Monique kaya I'm sure siya nga ang nasa Old Building. Magkamukha kami eh. Wala akong kamukha sa mga multo na narito.
Mukhang hindi ako matatahimik hangga't hindi nasasagot ang mga tanong sa isip ko. 'Yan ang problema sa akin. Kapag may tanong ako, hindi ko titigilan hangga't may nakuha akong sagot doon. Napabuga ako ng hangin. Mapapahamak ako sa curiosity ko.To Be Continued...
BINABASA MO ANG
NECROPOLIS (Published - Viva Books)
Mystery / Thriller#1 in Mystery 08/05/2018 #1 in Thriller 12/12/2018 Published (Necropolis - Viva Books) ⭐UPG Trilogy Book 1⭐ Kinailangang mag-transfer si Arlene sa City of Doña Trinidad University, isang private school sa probinsya ng mama niya. Unang tapak...