Chapter 26

16.8K 518 45
                                    

Tiningnan ni Rod ang blog na nakita ko sa web. Kamukhang-kamukha talaga ng naroon sa altar ng mga kulto na 'yon sa school!

Nilingon ni Rod si Mike. "Mike, can you check the IP address of this blogger, Anonymous Cult Unveiler." Bumalik ng tingin sa akin si Rod. "Same level kami ni Mike pagdating sa IT knowledge. Kaya niya 'yan."

Kinalikot ni Mike ang laptop niya. "May sarili akong OS na personal design ko, may sarili akong program na gamit, may sarili akong galamay sa web. I can crawl anywhere even under the nose of the best IT security in the world. I just don't do it for my own advantage. Kailangang may silbi ang kaalaman ko para sa makabubuti ng mas nakararami." Inosenteng ngumiti si Mike ng saglit sa akin bago bumalik ang tingin sa laptop niya. Nakakatuwa siya. He has all the knowledge para sa advantage niya but he is not doing it because of his principle of doing what he thinks is right and beneficial to other people.

Ilang saglit pa ay na-trace na niya ang IP Address. "Sorry, medyo natagalan. Ilang proxy servers ang ginamit niya, pero ang main root Proxy server used was from the US, at ang IP ng gumamit ay nasa Pilipinas and I got her IP server. A certain Diana Madrid, at may recent articles pa siya na kaka-post lang. Proof of Cult Really Exists. Tapos may logo ng black rose na may saksak ng karet ang main website niya. Here."

Para akong mahihimatay sa pangalang narinig ko at sa sinabi ni Mike na may recent articles pa ang nagsulat. "S-si Diana? B-buhay siya?" Napaawang ang bibig ko. Kung buhay siya, bakit hindi siya nagpapakita sa pamilya niya? Nasaan siya?

Nagulat din si Rod sa sinabi ko. "Si Diana Madrid, yung kapatid ni Daisy na ka-roommate mo?"

Tumango ako. Ano'ng revelation na naman ito? Buhay siya, at gumagawa siya ng blog para i-expose ang kulto sa school pero hindi siya nagpapakita kahit kina Daisy? Why?

"Alam kong marami kang tanong, Arlene, gano'n din kami dito. Malalaman din natin 'yan." Lumingon si Rod sa Papa ko, tiningnan ang reaction nito. Nakikinig ito sa amin pero nakatutok ang mga mata sa monitor ng laptop. My dad has 225 IQ level, I have 195. Nilingon ko si Rod, pati si Mike. 'Di lang yata 250 ang IQ ng mga 'to.

May pinindot-pindot si Papa sa laptop, in-adjust siguro ang lighting ng video, saka tinawag ang attention ko. "Kilala n'yo 'to?" Habang tinuturo ang nasa monitor.

Kumunot ang noo ko, saka sinilip ang monitor. Kung kanina ay para akong mahihimatay sa nalaman kong buhay si Diana, mas lalong gusto ko nang literal na himatayin ngayon. Hindi ako maaaring magkamali. Si Gio ang nasa monitor. Isa siya sa mga luma nang myembro siguro ng kulto dahil sa bandang gitna siya nakaupo, at nakalingon sa sliding wall habang ipinapasok ang babaeng walang malay. Kitang-kita ang kalahati ng mukha niyang hindi natatakpan ng maskara. "I-I can't believe it. S-Si Gio."

"Gio? Ang nobyo ni Monique?" Kahit si Rod ay hindi makapaniwala, halata sa tono niya. Tumango ako pero hindi ako nagsalita.

Napa-tsk si Papa. "Never trust anyone from that school, hija. Mukhang maraming myembro na doon mismo nag-aaral."

Dapat pala akong mag-doble ingat. Tiningnan ko ang relo. "4am na. Kaya pala inaantok na ako."

"Sige hija, matulog ka na. Huwag ka na rin muna pumasok mamaya, at papupuntahin ko rin ang Kuya mo dito. Ipasusundo ko siya. Kailangang malaman mo na rin ang lahat tungkol sa UPG. Rod, pakihatid ang anak ko sa guest room sa dulo." Humalik muna sa akin si Papa bago bumalik ulit sa panonood sa laptop.

Sinamahan ako ni Rod papuntang guest room sa dulo ng hallway. Maganda dito pero puro puti ang nakikita ko. Ospital ang naiisip ko habang tinitingnan ang paligid ng silid, pero okay lang. Inaantok na ko eh. "Salamat, Rod ha. Nakalabas tayo ng buhay doon."

NECROPOLIS (Published - Viva Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon