Nag-ubuhan ang lahat nang mapuno ng usok ang buong lihim na silid. Pati ako! Ito namang si Rod, wala man lang warning!
Ipinakita ni Rod sa akin na isuot ang black mask na bigay niya sa akin. Dinukot ko 'yon sa bulsa ko saka ko isinuot. In fairness ha, wala akong naamoy na usok. Medyo mahapdi sa mata pero kailangan kong magtiis. Nakalapat naman ang eye glasses sa mukha kaya hindi gaanong napepenetrate ng usok.
Nakadapa na ang mga tao sa loob, hindi makahinga. May nakita akong gumagapang patungong sliding wall. Bubuksan yata para lumabas ang usok. Nilapitan ko siya saka ko tinadyakan sa likod ang loko. Langhapin mo muna ang lahat ng usok dito bilang parusa.
Nawala si Rod. Nilingon ko ang paligid. Nakita ko siyang hiniklas sa isang lalaking nakatumba ang kapote nito, saka lumapit sa kama. Pen knife yata ang nilabas niya. Pinutol ang mga nakatali sa kamay at paa ng babae, sinakluban ng kapote saka kinarga. Lumapit sa akin.
"Hanap ka ng may access, buksan mo ang wall!" Sigaw nito habang karga ang kawawang babae.
Kahit mabigat ay itinayo ko ang sinipa ko kanina at hinawakan ang kamay, saka ko itinapat sa scanner ang palad nito. Bumukas ang pinto. Bago kami lumabas ay sinipat ko muna ang kalahating mukha ng taong hawak ko na walang malay. Nandilat ang mga mata ko. Si Diego! May access ang gagong 'to sa sliding wall, ibig sabihin may posisyon 'to dito!
Bigla ko siyang binitiwan. Keber ko kung nasaktan siya! Tumakbo na ako at sinundan si Rod. Lakad-takbo ang ginawa namin hanggang sa makarating kami sa kabilang dulo. Medyo madilim kaya hindi nila makikita mula sa malayo kung saan kami nagtungo. May mga nakasalubong kaming mga multo na tila nasisiyahan sa nakikita nila. Nakamasid lang sa amin pero nakangiti.
Pumasok kami sa stock room at saka isinara ang pinto. Ibinaba saglit ang babae bago iniangat ni Rod ang lihim na lagusan saka pinasan sa balikat ang babaeng nailigtas namin. "Tara na!" Saka ito nagsimulang bumaba ng hagdan.
Sinilip ko muna ulit ang labas. Naroon sila sa dulo, aninag ko mula sa liwanag ng buwan. Mga gumagapang. May epekto pa rin ang usok sa kanila. Napangisi muna ako bago ko isinara ulit ang pinto ng stock room. Bumaba na ako ng tunnel, saka ko isinara ang pinto nito. Iniayos ko rin pabalik sa dating pwesto ang foldable stairs na gawa sa kahoy saka ako naglakad ng mabilis para humabol kina Rod. Inilawan ko ang daan. My superhero babe. Alam kong mahirap magbuhat lalo na at tumatakas kami pero he's doing it to save the girl.
Nakarating kami sa kabilang dulo. Umakyat kami sa storage house saka isinara ang pinto. "Ilatag n'yo na ang carpet, bilis! We have to leave now!" Utos ni Rod.
Inilatag nila ng maayos ang carpet saka kami lumabas ng storage house. Kinuha ni Mike ang babaeng buhat ni Rod. Napansin sigurong bigat na bigat na 'to.
Naroon din sina Wilfred at Angelo. "Tara, sundan nyo kami." Lumutang ang dalawang multo pabalik sa pinanggalingan namin kanina. Ngayon ko lang na-realize na ganun pala kalayo ang nilakad namin. Lakad-takbo ang ginawa namin. We reached our car after an hour of walking and running. Ipinasok namin sa backseat ang babae at inalalayan 'to ni Mike, saka ako sumakay sa passenger seat. Tumingin ako sa labas para tingnan ang dalawang multo. "Sumama na kayo sa amin. Baka mabihag na naman kayo dito."
"Sige susunod kami." Saka naglaho ang dalawa. Mukhang nasa bubong sila ng kotse.
Pinaharurot na ni Rod ang kotse para makalayo na kami sa inpyernong lugar na 'to. Nakahinga na ako ng maluwag nang napansin kong malayo na kami. Mukhang paluwas kami ng Manila. Inalis ko na ang mask ko, ang kapote, ang bonnet pati ang black gloves. Pabagsak kong isinandal ang likod ko.
Tahimik kaming lahat. Hindi makapaniwala sa mga nakita. Siguradong nakita rin nina Mike kung ano ang nangyari sa loob. Naka-video at recorded ang mga nangyari. Ang sasama nila, lalo na yung Dominus. Nagagawa niyang manghalay ng may audience gamit ang pera at impluwensya? At may mga naniniwala sa kanya? Sinasamba pa? At si Diego, member nila. I wonder kung sino-sino pa ang members nila. Mahigit tatlumpu sila doon. Nababaliw na ang mga tao sa school na 'yon!
Nilingon ko ang babae. Mabuti na lang nailigtas namin siya. Witness siya. Malalaman namin mamaya kung paano siya nakuha ng mga 'yon. Naalala ko yung perang binigay sa amin. Binilot ko pala sa loob ng kapote. Inilabas ko. Eto ang katumbas ng buhay ng mga ni-rape at pinatay niya? I can't believe this!
"Ebidensya ang pera, pati ang videos. Sayang lang at madilim sa loob ng kwartong 'yon. Hindi natin maaninag ang mga mukha nila. Sana may na-capture ang hidden camera na hindi natin nakita. We will review it later." May panghihinayang sa tono ni Rod. Pagkakataon na kasi namin yung kanina para may makilalang suspect.
Umiling ako. "Nakita ko ang mukha nung isa..."
Mukhang nabuhayan ng loob si Rod. "Talaga? Sino?"
"Si Diego, kaklase ko. Siya yung tinadyakan ko saka pinagbukas ko ng scanner. May access siya so meaning may position siya sa samahang 'yon."
Napabuga ng hangin si Rod. "Ano'ng klaseng grupo 'yon? Bakit may ganun sila? Rereypin tapos papatayin yung babe para gawing alay? Ganun ba 'yon?"
"Mukhang ganun nga. May mga laslas sa leeg yung mga multo sa Annex. Pero may ilan na may sunog sa katawan. Katulad ni Natalie. Hindi ko alam kung bakit." Sagot ko.
"Malalaman natin yan. Tumawag ka muna sa inyo, tell your mom na doon ka sa papa mo matutulog ngayong gabi. Para kung sakaling maghanap ang mga tao sa school sa mga estudyanteng wala sa dorm ay may excuse ka. Sabihin mo na nasa Manila ka na. Tell a lie to your mom para hindi rin siya mahirapang magsinungaling kung sakaling may magtanong sa kanya." Suggestion ni Rod.
Inilabas ko ang bag ko na nakalagay sa gilid ng kotse, dinukot ko ang phone ko saka tumawag kay mommy. "Mama, nasa Manila ako ngayon ha. Na-miss ko si daddy eh. Dito ako matutulog." Hinintay ko ang sagot ni mama.
"No 'ma, wala pa si papa nasa office pa. Gugulatin ko siya. Narito na ko sa condo niya. Bye 'ma. Tatawagan ko si kuya." Tinawagan ko rin si kuya. "Hello, kuya. Nandito ako sa Manila ngayon, kay papa."
"Ang daya mo naman di mo ako sinama! Nagsolo ka." May pagtatampong sabi ni kuya Drei.
"B-biglaan lang kasi kuya. Nag-date kami ng boyfriend ko tapos dumiretso kami sa Manila, kaya dito na ko kay papa magpapalipas ng gabi. Uuwi naman ako bukas papasalubungan kita."
"Bahala ka. Ikamusta mo na lang ako kay papa." Saka pinutol ang tawag ko. Nagtatampo talaga. Bukas ko na lang ipapaliwanag.
Nag-iisip ako kung tatawagan ko si Emma... sige na nga. Iche-check ko kung kamusta na sila, o may nangyari sa school. "Hello, Emma."
"Arlene? Nasaan ka? Bakit 'di ka umuwi? Nagkakagulo dito!"
"Ha? N-Narito ako sa Manila, kay papa. Dinalaw ko siya. Na-miss ko na eh. Bakit, ano ang nangyari?"
"May nakapasok daw na magnanakaw sa Annex. May mga nasaktan daw kaya ayun may ambulance, maraming dinala sa ospital. Chinecheck ngayon ang bawat room ng dorm kung may student na wala. Mukha daw estudyante ang magnanakaw. Wala din si Daisy dito, umuwi sa mama niya. Mag-isa lang tuloy ako dito."
Magnanakaw daw. Mga maniac at killer na, mga sinungaling pa. "Ah ganun ba. 'Pag may naghanap sa akin pakisabi na lang naroon ako sa papa ko sa Manila."
"Okay, sige. Ingat ka."
Ibinaba ko na ang phone. "Rod, pinalabas nila na magnanakaw ang pumasok kanina sa school.""Kailangan nila ng excuse para madala sa ospital at hindi makwestyon kung bakit sila na-tear gas. May evidence naman tayo. Kailangan maaksyunan agad bago pa nila matakpan ang mga kalokohan nila. It's been happening for years." Iniliko ni Rod ang kotse sa madilim at makipot na eskinita, saka lumusot sa malawak na kalsada. Hindi ako pamilyar sa lugar na 'to.
"Saan tayo pupunta?"
"Sa Underground Paranormal Group. UPG Building." Ipinasok ni Rod ang kotse sa basement ng isang malaking building. "Dapat noon pa lang, myembro ka na dito. Your ability is exceptional."
To Be Continued...
BINABASA MO ANG
NECROPOLIS (Published - Viva Books)
Mystery / Thriller#1 in Mystery 08/05/2018 #1 in Thriller 12/12/2018 Published (Necropolis - Viva Books) ⭐UPG Trilogy Book 1⭐ Kinailangang mag-transfer si Arlene sa City of Doña Trinidad University, isang private school sa probinsya ng mama niya. Unang tapak...