Mabilisang kumain ng agahan si Diego. Sobrang gutom, parang nanggaling sa laban ng boksing.
"Hoy, dahan-dahan at baka 'di ka matunawan."
"Gunom na gunom ago eh." Pagsasalita nito habang punung-puno ang bibig.
"Do not talk when your mouth is full. Kadiri ka."
Lumunok muna ng ilang ulit saka uminom ng tubig bago nagsalita. "Sorry, sabi ko gutom na gutom ako eh." Sumubo ulit ng sinangag at itlog saka kumagat ng pandesal.
Nakatitig lang ako habang umiinom ako ng juice. Gwapo siya, matangos ang ilong, manipis na lips, makapal ang kilay saka medyo bumbayin ang mga mata, at ang haba ng pilik. Ang mga weakness ko sa lalaki.
Napatingin siya sa akin. "B-bakit? May problema ba sa mukha ko?"
"Wala. Natutuwa lang akong makakita ng gutom na gutom. Ang tambok ng pisngi mo tuloy." Saka ako tumawa. Palusot ng konti. Sana hindi ako traydurin ng mga pisngi ko.
"Ah. Sorry." Ngumiti ito ulit bago sumubo ng panghuling kutsara ng sinangag. "Tara na."
"Magpatunaw ka naman muna kahit 5 minutes. May time pa tayo." Tumingin ako sa relo ko. "6:50 pa lang. Ang bilis mong kumain eh."
"Di na kailangang patagalin sa plato ang pagkain, gutom na ang mga alaga ko." Humalakhak ito. "Salamat at sinamahan mo ako dito." Ngumiti siya sa akin ng pagkatamis-tamis. Ang ganda ng mga ngipin niya kahit may sabit-sabit pang kanin.
Natawa ako. "Uminom ka muna, may kanin pa sa ngipin mo."
"Ay, sorry." Uminom ng tubig at iyon na ang pasimpleng minumog saka nilunok. "Alam mo pilit kong inaalala kung sino ang kamukha mo. Naalala ko na. Si Monique. Para kayong kambal. Mas maputi lang siya. Saka may dimples ka. Saka ..." tumingin ito sa gawing dibdib ko, saka umiwas ng tingin, "hindi ka suplada."
Alam ko na ang ibig niyang tukuyin. "Kilala mo si Monique?"
"Wala namang hindi nakakakilala kay Monique na dito nag-aral ng High School. Maraming nagkakagusto sa kanya."
"Isa ka na roon?"
"Well, konti. Sino ba naman ang hindi mamemesmerize sa ganda niya. Kaso yun nga, suplada. Si Gio lang ang nakalusot sa kanya. Hindi naman ako nag-attempt ligawan siya kasi hindi lang naman puro ganda ang importante. Ang ugali ang tinitingnan ko." Ngumiti ulit siya ng matamis sa akin. Nailang naman ako.
"Halika na, tunaw na 'yan malamang." Tumayo na ako at naunang naglakad. Sumunod naman siya.
Wala ang prof namin pero maraming students na ang naghihintay sa classroom. Naroon na rin sina Emma at Daisy. Tumabi ako kay Daisy, pinapagitnaan naming siya ni Emma.
Nagtatanong ang mga tingin ni Daisy, saka lumingon kay Diego na tumabi sa kanan ko. "Saan ka nanggaling?"
"Sinamahan ko lang siya sa canteen sa 2nd floor. Gutom na gutom."
"Ah. Akala ko kung ano na eh."
"Teka, ambilis nyo naman. Late na kayo gumising ah." Nagtatakang tanong ko.
Bumulong si Daisy sa akin. "'Di na naligo si Emma. Mamaya na lang daw." Siniko siya ni Emma.
Impit ang tawa ko. Grabe, ayan kasi tanghali na kung gumising.
"Good morning class." Bati ni sir Tony. "I'm professor Anthony Trinidad, 25, still single," kinilig ang mga estudyanteng babae, gwapo ba naman ng prof tapos single pa, "and I will be your professor in English 202. You can call me sir Tony, I prefer that."
"Wow, gaganahan ako lalo mag-aral nito."
"Oo, nga ang gwapo, sisipagin akong magpakitang-gilas."
BINABASA MO ANG
NECROPOLIS (Published - Viva Books)
Mystery / Thriller#1 in Mystery 08/05/2018 #1 in Thriller 12/12/2018 Published (Necropolis - Viva Books) ⭐UPG Trilogy Book 1⭐ Kinailangang mag-transfer si Arlene sa City of Doña Trinidad University, isang private school sa probinsya ng mama niya. Unang tapak...