Chapter 11

17.3K 674 20
                                    

Maagang natapos ang klase namin dahil may meeting daw ang faculty. 2:30 pm pa lang, 3 pm pa naman ang usapan namin ni kuya Drey. Naisipan kong pasyalan muna si Monique kaya dumiretso ako ng Old Building, naroon siya sa same spot sa bintana.

"Monique."

Lumingon siya sa akin saka ngumiti. "Hello Arlene. Salamat at dinalaw mo ako ulit."

"Alam ko kasing nalulungkot ka dito. Kung may magagawa lang sana ako para sa'yo, para palayain ang kaluluwa mo." Malungkot kong sabi.

"Kapag nahuli na ang pumatay sa akin, siguro saka ako matatahimik. Saka 'pag naalis ang mga nakalagay na proteksyon sa paligid nitong Old Building pati ng buong school."

Napakunot ang noo ko. "Buong school?"

Tumango si Monique. "Kung hindi mo napapansin, maliban sa Annex at dito, wala nang ibang lugar sa campus ang may multo. Maganda naman 'yon, may proteksyon ang mga nag-aaral dito, pero ano ang purpose nila para i-trap nila kami dito?"

Napaisip ako. Oo nga ano? Kahit sa Dorm, walang multo. Lalong nagiging puzzle sa akin 'tong sikretong nakatago sa school na 'to. "Oo nga pala, bakit lagi kang nakamasid sa Annex Building?"

"Dahil iyon ang grudge ko. Hindi ko nalaman ang kasagutan sa tinutuklas ko bago ako namatay. Gusto kong malaman ang mga nangyari. Tapos mukhang may kinalaman pa 'yon sa pagkamatay ko. I want to know the truth." May ilang butil ng luha akong nakitang tumulo sa mga mata niya. May bagay pa ba siyang hindi sinasabi sa akin? Nagkibit-balikat na lang ako.

Nahahabag ako sa kanya. "Huwag kang mag-alala. Nakalublob na ko sa kumunoy. Itutuloy ko na 'to. Nagsisimula na akong mag-imbestiga." Huminto ako at dumungaw sa bintana.

"Lumayo ka sa bintana! Baka makita ka nila dito." Saway nito.

Napaatras naman ako. Oo nga, 'di ako nag-iingat. "Sorry." Naupo ako sa isang lumang armchair. "May idea ka ba kung paano ko malalapitan si Gio?"

Mukhang nag-iisip siya, tumingin ulit sa labas at tumanaw sa Annex. "Lapitan mo siya at magtanong ka ng tungkol sa akin. Ask him kung totoong magkamukha tayo. Then bahala ka na."

"S-sige. Susubukan ko ... uuwi nga pala kami mamaya. Sa Monday morning na ang balik namin."

"Sige. Mag-iingat ka." Malungkot siyang ngumiti sa akin.

Nahabag na naman ako, binago ko ang usapan to lighten the mood. "Is there a chance na magkamag-anak tayo? Magkamukha kasi talaga tayo eh."

"Hindi ko rin alam. Ask my Mom, isulat mo ang number namin sa bahay." Ibinigay niya sa akin ang number nila. "Pwedeng humingi ng favor? Pwede mo ba siyang kitain this weekend tapos picturan mo siya para sa akin? Matagal ko na siyang hindi nakikita. Namimiss ko na siya." Malungkot na sabi nito. Naaninag ko ang tila butil ng luha sa sulok ng mga mata niya.

"Sige. Gagawin ko. Magpapasama ako kay Inspector." Tumayo na ko para maghandang umalis. "May ipagbibilin ka pa ba?"

"Wala na, iyon lang, sapat na sa akin. Salamat ng marami, Arlene." Ngumiti ito saka tumalikod ulit paharap sa Annex.

Napabuntong-hininga ako habang nakatingin din sa kanya. 'Di ko maiwasang maluha. Nasa gano'ng moment ako nang may marinig akong yabag ng mga paa paakyat ng hagdan. Napatingin si Monique sa akin. Itinuro nito ang bookshelf, telling me to hide.

Tumakbo ako patungo sa likod ng bookshelf at naupo. Baka mapansin pa rin ako ng dumating mula sa siwang ng mga librong nakasalansan sa shelf. Mahirap na.

Sumilip ako sa siwang ng ilang shelf. Paa at pantalong maong lang ang kita ko mula sa pwesto ko. "Monique. Kay sarap mong pagmasdan." Boses ng lalaki. Hindi ko kilala ang tinig niya.

"Ayaw naman kitang nakikita." Sagot ni Monique.

"Hindi ko man naririnig ang boses mo, ayos lang. Ang mahalaga nakikita kita lagi kahit multo ka na." Lumakad papalapit kay Monique ang mga paa na nakikita ko.

Napakunot ang noo ko. Sino ang kausap ni Monique? May iba pang may third eye dito bukod sa akin? Bakit ayaw ni Monique sa kanya?

Tumingin ako sa wrist watch ko. 2:50 na. Grabe, kung sino ka man, umalis ka na dito. Lihim na dasal ko.

"Alam mo, minahal kita ng sobra, pero iba ang pinili mo, hindi ako. Masakit yon, pero at least ngayon ay solo na kita."

"Hindi mo ako masosolo dahil makakatakas din ako dito. Ayoko sa'yo, mula noon hanggang ngayon ayoko sa'yo dahil masama ang ugali mo!" Hiyaw ni Monique.

"Ang ganda mong tingnan habang nagaglit ka. At ayos lang talaga kahit di kita marinig. Walang nagbubunganga sa akin. Walang maingay. Tama ngang ganyan ka na lang. Multo. O paano, nadalaw na kita. Nabawasan na ang lungkot mo dito. Papasok na muna ako." Tumalikod na ang lalake at nagsimulang bumaba mula sa attic.

Narinig ko ang mahinang pagsara ng pinto. Lumabas na ako ng pinagtaguan ako. Namimintig ang mga paa ko sa pagkaka-squat ko.

"S-sino 'yon Monique?"

"Si Jeremy." Nilingon nito mula sa bintana ang lalakeng papalayo ng Old Building.

Nakatalikod ito sa gawi niya kaya hindi ko makita ang mukha. "May third eye siya? Dinadalaw ka niya dito palagi?"

"Dinadalaw niya lagi para bwisitin. Nang-iinis na hindi ako makaalis dito. Karma daw dahil binasted ko siya. Nakakainis. Ang dami namang pwedeng magka-third eye pero bakit siya pa?" Nagpapadyak si Monique, 'di ko naman marinig ang padyak niya.

"Nakakakita lang siya, pero hindi siya nakakarinig. Parang si Inspector."

"Oo. Buti na lang. Wala siyang karapatang magkaroon ng perpektong ability to see, hear and feel us. Teka..." napaisip si Monique, "ipatanong mo kay Inspector kung pwede ka niyang tulungang makita ang nangyari sa nakaraan ng isang multo, bago siya namatay? Reenactment ba. I think you have a perfect ability."

"P-prang nakakatakot naman 'yan, pero sige itatanong ko ... isasama ko ba si Jeremy sa listahan ng nagtraydor sa'yo at dapat na manmanan ko?"

"Yes. Posible na may kinalaman din siya kung personal na galit ang dahilan kaya ako pinatay."

Tumango ako. Nagsimula na akong magtungo sa hagdan. "Mauuna na 'ko Monique. Huwag ka na lang magpakita kay Jeremy kapag dumadalaw siya dito."

"Sige, iyon na lang ang gagawin ko."

"Saan ka nga pala nagtutungo kapag naglalaho ka?"

"Sa baba. 2nd floor. May piano do'n. Naglilibang ako."

"Nakakahawak ka ng bagay? Nakakatugtog ka?"

"Oo, kapag nagcoconcentrate ako. Tinatakot ko nga ang mga investigator na nagpupunta rito na walang third eye eh. Naghahagis ako ng mga libro." Pilyang napatawa ito.

Napatawa rin ako sa kapilyahan niya. "Kaya pala papalit-palit ng investigator sa kaso mo. Sige, una na ko." Kumaway muna ako bago bumaba.

Dumating ako ng Annex Building ng late ng 10 minutes. Nakaupo si Kuya sa hagdan sa third floor. "Saan ka na naman ba galing? Maagang natapos ang klase natin, sana pinuntahan mo ako sa room namin. Tsk."

"Sorry naman, bumalik ako sa Dorm. May kinuha lang ako."

"Halika na." Hinawakan ako sa braso ni Kuya saka inakay palabas ng Annex. Geez. Para akong bata na akay-akay ng Tatay ko. 6 footer si Kuya samantalang 5'5 lang ako. Ang layo ng height difference namin.

Nagtitinginan ang mga babae kay Kuya habang naglalakad kami sa hallway ng Annex, tapos titingin sa akin. Di naman maipagkakailang magkapatid kami dahil pareho kami ng shape ng face, bumbayin at may dimples.

"Tingnan mo oh, kamukha ni Monique."

"Oo nga pareng Jeremy, si Monique ba 'yon?"

Narinig kong bulungan ng mga nakatambay sa gate ng Annex. Jeremy?

Nilingon ko ang apat na lalakeng nakatambay doon. Yung isang lalakeng nakaupo ang pinakagwapo sa kanila, nakatulala ng makita ako at nakanganga ang bibig saka dahan-dahang napatayo. Iyon siguro si Jeremy. Nakalagpas na kami sa kanya ni Kuya. Hindi ko na siya tiningnan ulit at baka kung ano pa ang isipin niya. Mukhang maangas siya na ewan. Di ko feel ang vibes niya. Kaya siguro ayaw din ni Monique sa kanya.

To Be Continued...

NECROPOLIS (Published - Viva Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon