Nagpaalam ako kina Daisy at Emma na may hahanapin lang ako kaya mauna na sila sa Dorm. 4pm pa lang naman. May oras pa para maghanap.
Inikot ko ang posibleng tambayan ng mga tsismosa o nagpapalipas ng oras. Sa canteen, sa library na walang tao, maging sa vacant room. Wala talaga si Hanz. Ang nakita ko eh yung mga estudyanteng multo na pagala-gala sa building. Hindi ko na nga mabilang kung ilan sila basta dinedma ko na lang.
Lumabas ako ng Annex Building at dumiretso sa likod papuntang garden. Nakita ko doon ang hinahanap ko na nakaupo siya sa damuhan. May katsikahan itong dalawang babae na nakatayo at mukhang paalis na rin sila. Lumapit ako at tinawag ko ang pangalan niya.
"Hanz!"
Lumingon si Beki sa akin. Ang luwang ng ngiti pagkakita sa akin. Nakahanap na naman ng kahuntahan.
"Gandaaa! Kamusta ang first day?"
"Heto okay naman. Petics pa. Hinanap talaga kita eh."
"Really? Namiss mo agad ang beauty ko?"
"Slight." Tumawa ako ng pa-cute. "Saka naghahanap ng katsikahan." Nag-iisip ako kung ano nga ba ang itatanong ko at paano ko sisimulan. Di ko naman pwedeng sabihing nakakakita ako ng multo, malamang bukas nakakalat na yun sa buong campus. Umupo ako ng pa-indian sit sa harap ni Beki.
"Hmm... Kailan ba naitayo 'tong school? May idea ka ba?"
Nag-isip si Beki. "Ang sabi ni Mama, dito siya nag-High School. Eh kwarenta na yon. So matagal na talaga 'to. Pero iba daw pangalan ng school na 'to nung time niya. Señor Antonio Provincial High. Antonio ang pangalan ng dating may-ari bago 'to nabili ng may-ari ngayon. 5 years pa lang 'tong pinangalanang Doña Trinidad."
"Ahhh.. matagal na pala 'tong school." Kung matagal na 'to, bakit yung Annex Building ang minumulto at hindi yung Main Building? Wala akong nakita doon. "Yung mga building ba dito puro bago?"
"Ay hindi. Iyong Main Building sa harap ang bago pati 'yang dorm natin. Itong Annex ang matagal na. Sabi ni Mama, nirenovate lang daw 'yan pero same building pa rin na ginamit nila noon pa. Mas bago pa nga itong Old Building," ininguso ang building na luma na tanaw mula sa pwesto namin, "hindi lang na-renovate."
That explains it. Luma na ang building. May history na. Pero nakapagtatakang ang dami ng nakita kong multo and take note, puro babae. "Nasaan nga pala ang mama mo?"
"Nasa Dubai, resident na siya doon. Kaya nga dito ako napatapon. Halos dito na ko nakatira. Ayokong umuwi sa bahay eh. Tetano ang step mom ko!" Napatakip pa ng bibig si Hanz habang humahalakhak.
"I'm sorry. Nahalungkat ko pa." Paghingi ko ng paumnhin dahil masyadong personal na yata ang naitanong ko.
"Naku, okay lang. Alam ng lahat dito 'yan!" Humalakhak ulit ito ng sagad, kita na yata ang ngala-ngala.
Lukaret talaga 'tong Beki na 'to. "Oo nga pala. May idea ka pa ba kung may iba pang namatay dito bukod doon sa na-kwento mo sa amin?"
"Wala pa ako'ng nababalitaan. Ichichika ko sa'yo yan pag nakasagap ako hahaha!"
"Salamat Beks. Nakakatakot kasi. Paano kung may nagmumulto ditto, 'di ba?"
"Ay, tsismisan sa bawat sulok ng school 'yan. Nagmumulto daw si Monique dito. 'Di tuloy ako lumalabas sa gabi at baka mamaya makita ko pa siya."
"Nakakatakot naman!"
Tinapik ako ni Hanz sa braso. "True! Kaya don't break their rules, girl."
"Kids, kamusta ang pag-aaral?" Boses lalake ng nasa likod namin. Nilingon ko 'to. Nasa mid 20's na yata siya. Tiningnan din ako nito. Namutla nang nakita ako. "M-Monique?"
"Hahahaha! Kita mo 'tong si sir Tony, nagulat din nang nakita ka. Sir Tony, si Arlene, transferee dito. Magkamukha lang sila. Arlene, professor siya ng English subjects dito. Dati sa Senior High, ngayon sa College na."
"Ah. Nice meeting you po, sir Tony." Ngumiti ako para ipakita ang dimples ko. Para matauhan na rin. Kulay bond paper na ang mukha ng professor na 'to eh.
Mukhang natauhan naman siya sa pagngiti ko. "H-hi. Nice meeting you, too, A-Arlene. Nabigla lang talaga ako. Akala ko multo ka." Dumukot si sir Tony ng panyo saka nagpunas ng noo.
"Sabi ko nga sa kanya sir, magkamukhang magkamukha sila. Maliban dun sa dimples saka ..."
"Ay, mauuna na po kami. Kailangan na naming bumalik sa Dorm." Pinutol ko na ang sasabihin ni Beki. Alam ko na ang karugtong, nakakahiya sa professor. Nakakalokang bakla 'to. Hinila ko na siya patayo.
"Mamaya na, chikahan pa tayo," tutol nito.
"Do'n tayo mag-chikahan. Treat kita ng orange juice. Maraming juice." Hinila ko siya ulit.
"Ay bet ko 'yan! Sige, Sir Tony." Nauna pang maglakad sa akin si Bakla. Halatang sabik sa orange juice. Nauhaw siguro sa haba ng kwento nito mula umaga.
"Sige po sir."
"Tara na Arlene!" nagmamadaling tawag ni Hanz.
Tumalikod na 'ko, pero kahit nakatalikod na 'ko ay ramdam ko na nakatingin pa rin si Sir Tony sa akin. Natakot yata talaga sa mukha ko.
Nilibre ko muna si Hanz ng dalawang baso ng orange juice bago siya umakyat sa room niya. Papunta na rin ako sa hagdan paakyat sa wing ng Dorm namin ng madaanan ko ang internet cafe. Napahinto ako saka bumalik sa tapat ng cafe. Libre naman ang gamit at may free use kami basta updated sa bayad sa Dorm.
Pumwesto ako sa pinakadulo para may privacy. In-open ko ang Google saka nag-type. City of Doña Trinidad University crime report. Enter.
Naglabasan ang ilang articles tungkol sa pagkamatay ni Monique de Jesus pati ng dalawang investigator. Binasa ko ang ilan sa article, same info lang din sa sinabi ni Hanz. Mukhang dito lang din niya nasagap ang chismis sa Google. Nag-scroll down at next page pa ako pero wala ng iba tungkol dito sa school.
Magla-log out na sana ako ng maisip kong magcheck pa ulit. I typed in Señor Antonio Provincial High. Enter. Kung ano-ano ang lumabas na hindi related sa sine-search ko. Gusto ko nang sumuko after kong mag-click ng ilang next page. I was about to close the browser when one article caught my attention.
A student from Señor Antonio went missing wayback year 2000, and this girl ... this girl was the ghost I saw in the canteen beside the student who collapsed the other day! Kahit halos naagnas na ang kalahati ng mukha no'n, hindi ako maaaring magkamali! Siya 'to!
Hindi ako mapakali. Sinasabi ko na nga ba. Itong curiosity ko ang magpapahamak sa akin. Ayaw ko nang alamin pa ang kwento pero natetempt akong basahin. I clicked the article and I was about to read it when the cafe attendant told me that my time is up. Grabe, 1 hour na pala akong nakaupo dito kakahanap ng 'di ko alam ang hinahanap ko.
"Sandali lang po." Kinuha ko ang phone ko saka ko pinucturan ang article na nasa screen, at saka pinicturan ko rin ang contact info ng relative ng nasa picture. Haist! Ano ba 'tong ginagawa ko? Makaakyat na nga!
Binura ko muna ang browsing history bago ako umalis ng internet cafe.
I checked my phone pagdating sa room. Tiningnan ko ang picture ng article. Hindi ko na-picturan ang pangalan ng student! Sinubukan ko ulit hanapin ang article sa phone ko pero napakabagal ng internet. Sumuko na lang ako.
Edited article lang po ito✌
☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆
Hope you liked the update! Enjoy!😊
BINABASA MO ANG
NECROPOLIS (Published - Viva Books)
Mystery / Thriller#1 in Mystery 08/05/2018 #1 in Thriller 12/12/2018 Published (Necropolis - Viva Books) ⭐UPG Trilogy Book 1⭐ Kinailangang mag-transfer si Arlene sa City of Doña Trinidad University, isang private school sa probinsya ng mama niya. Unang tapak...