Chapter 34

15.1K 606 14
                                    

Lunch time na, may break ako ng 2 hours bago ang next class ko. Nag-ikot-ikot ako sa buong building para pasimpleng hanapin ang Red Tourmaline na maaaring ginamit sa pagcocontain ng ghosts sa building. Hindi maaaring narito lang sila at nagdurusa matapos makatikim ng kalupitan sa kamay ng mga Trinidad at ng buong kulto. I can't imagine being abused in front of other people. Kumukulo ang dugo ko sa tuwing naiisip ko na 30 years nang ginagawa ng mga Trinidad ang bagay na 'yon.

I walked on the 5th floor, and decided to go to the library. Nasa far end kasi 'yon ng 5th floor at halos apat na malalaking silid na combined ang katumbas. Posible na may Red Tourmaline dito. Inisa-isa ko ang hilera ng book shelf habang kunwaring naghahanap ng librong mababasa, at pasimple kong nilingon ang bawat dulo. Hinawakan ko ang kwintas na bigay sa akin ni Rod. Mabuti na lang naisuot ko 'to ngayon, kaya walang lalapit sa aking ghosts para mang-abala.

Nagpatuloy ako sa paghahanap hanggang sa makarating ako sa pinakadulong bahagi ng mga shelf, pero wala pa rin akong nakikitang kahit ano. Laglag ang balikat kong pabalik na sana sa bungad nang mamataan ko ang kapirasong kumikinang sa ilalim na dulo ng shelf. Nakalitaw ng kaunti ang Red Tourmaline, at nakabaon ito sa simentong parang sadyang hinukay para lagyan ng Tourmaline. Hindi masyadong naiusod ang shelf para takpan ng buo ang bato, siguro dahil sisikip na masyado kapag iniusod pa ng kaunti ang shelf. Nagpalinga-linga ako sa paligid, maging sa kisame ng library. May CCTV na nakatapat sa gawi ko, malamang para bantayan ang Red Tourmaline. Kinuha ko ang librong 'The Master's Servant' na nakalagay sa 2nd layer ng book shelf. Yumuko ako ng konti para pasimpleng tingnan ang bato. Nangangati ang kamay kong itulak ang shelf at kunin ang bato pero alam kong manganganib ako kapag ginawa ko 'yon. I'm sure, may mga matang nakamasid sa akin ngayon sa CCTV.

Kumuha pa ako ng isang libro, na hindi ko alam kung ano yun, basta dinampot ko na lang saka bumalik sa bungad ng library. Naupo ako sa isang bakanteng mesa malapit sa bintana. Binuklat ko ang libro at nagpanggap na nagbabasa, pero nag-iisip kung paano ko makukuha ang Red Tourmaline. I took out my phone and texted Rod to meet up. Nagreply agad siya na nasa area lang siya and will meet me up outside the school. Isinoli ko na ang dalawang books sa pinagkuhanan ko saka ako lumabas ng library.

Lumabas ako ng school at hinanap ang kotse niya. Nasa dating puwesto siya ilang block ang layo from the school. Lakad-takbo ang ginawa ko para makarating sa kanya. Kasama niya sina Mike at Peter.

Nagtataka akong nagpapabalik-balik ng tingin sa kanila. "Anong ginagawa n'yo dito?"

"Ibinalita sa amin ni Anton- yung isa sa bantay ni Milet- na pinuntahan niya ang storage house, hindi daw niya mabuksan ang pinto ng tunnel. Mukhang naalarma talaga sila ng husto mula nung pinasok natin ang Annex. Sinarahan ang entry and exit point sa building. Kaya kami narito, dahil binabantayan daw ang kilos ng mga pinaghihinalaan nilang 'magnanakaw' noon." Paliwanag ni Rod.

"Kung gano'n, pati ako kasama sa minamatyagan nila?"

"Gano'n na nga." Tipid na segunda ni Mike.

Napabuga ako ng hangin. Buti na lang hindi ko kinalikot ang Red Tourmaline kanina. Sigurado akong nakamatyag sila sa bawat kilos ko sa CCTV. "Baby, nakita ko kung nasaan ang isa sa mga Red Tourmaline. Nasa library, nasa pinakadulong shelf sa kanan, nakabaon sa simento. Hindi masyadong natakpan ng shelf."

"Great! Uutusuan ko sina Anton na gawan ng paraan ang Tourmaline. Pwedeng tanggalan ng bisa iyon kahit hindi na alisin doon."

"Pero yung CCTV..." pag-aalala ko.

"Ako na ang bahala do'n." Kumpyansang sagot ni Mike, saka kinuha ang laptop niya at kinalikot ito.

"Will they still fall for it?"

"Ibang strategy ngayon. Spam email with virus ang ginawa ni Rod noon, direct hacking naman ang gagawin ko ngayon. I will take control of their security system." Ilang pindot pa ang ginawa ni Mike. "Call Anton. Okay na." Instruction ni Mike.

Dinukot ni Rod ang phone at binigay ang info kung nasaan ang isa sa mga Red Tourmaline. "May muriatic acid ka na? Sige, ikaw na ang bahala." Saka ibinaba ni Rod ang phone.

"Gusto mong makita kung ano ang nakikita ng security team nila sa school?" Nagtaas-baba pa ang kilay ni Mike habang tinatanong ako.

"Patingin!" Curious akong pilit nililingon ang laptop na kandong niya. Iniikot nito ang laptop niya at pinasilip sa akin ang monitor. Humagalpak ako sa tawa ng makita ko ang ilang frame na nagpapakita ng videoke videos, may mga kanta pa. Malamang galit na galit na naman ang security ng school. "Loko ka talaga!"

Napatawa rin si Rod. "Siguradong umuusok ang ilong ng naka-assign sa security team nila."

"Gaano katagal ang control mo dyan?"

"Kaya kong i-block sila forever, basta walang makaka-match sa knowledge ko. Pero pagbibigyan ko sila, I will let it slide pag na-regain na nila ang control sa system. Hanggang 1 hour siguro bago nila maresolve ang hacking ko kung may expert silang staff." Natatawang sabi ni Mike.

Ilang saglit pa ay tumawag na si Anton kay Rod. Ilang saglit na nakinig si Rod sa kabilang linya bago ibinaba ang phone. "Good news or bad news?"

"Hmm... Good news?" Sabi ko.

"Nabuhusan na niya ng muriatic acid ang Red Tourmaline, at nakalaya na ang ghosts mula sa Annex since wala na ang balanse ng protection." Alanganin ang ngiti ni Rod.

"Yes! Success!" Napapalakpak pa kami nina Mike at Peter. "Wait... ano yung bad news?"

Napakamot sa batok si Rod. "Since may protection pa silang nakatago sa paligid ng school, meaning... they can't leave the school, pagala-gala na ang lahat ng ghosts sa buong campus."

Namutla ako. Uh oh. Lalo pa yatang lumala ang nangyari. Ghosts everywhere? This is not happening.

To Be Continued...

☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆

Thank you all for reading Tormented University! 😊❤

NECROPOLIS (Published - Viva Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon