Chapter 9

19K 695 63
                                    

"Arlene..." tawag sa akin ni Emma. Nakaupo ako sa sala habang nanonood ng DVD.

"O, bakit? Saka bakit ka nagkukulong sa kwarto mo kanina pa?" Nasa kwarto lang pala niya 'tong babaitang 'to, akala ko kung saan nagpunta. "Si Daisy, nasaan?"

"U-umuwi na muna sa kanila. May naiwan daw siya." Mukhang tuliro.

"May problema ba?"

"Ano kasi ... hindi ko alam kung maniniwala ka sa akin."

"Ano nga 'yon? Sabihin mo na."

"Kasi pag nasa Annex Building tayo, kakaiba ang pakiramdam ko. Malamig, mabigat ... basta. Ganun kasi nararamdaman ko pag feeling ko may multo sa paligid. Nangangapal ang batok ko na parang may pasan ako. Ewan. 'Di ko ma-explain." Napasandal si Emma sa sofa. "Oy ha, hindi ako napa-praning."

"Naiintindihan kita. I know someone na nakakakita ng multo. Old friend ko."

Napaunat si Emma ng upo. "Talaga? Sino siya? Nasaan siya? Papuntahin mo nga dito. Tanong natin kung may multo ba talaga."

"A-ay naku wala na siya dito. Nasa US na." Palusot ko.

Napabuntong-hininga si Emma. "Troubled ako. Paano ako magco-concetrate sa pag-aaral kung alam kong may pagala-galang multo sa paligid?"

Pinayuhan ko na lang para makampante naman. Kawawa 'to. Mahirap pag hindi nasanay sa ability to feel ghosts. "Isipin mo na lang na non-existing sila. Huwag mong ientertain kung hindi mo kaya."

"Sige. Ganun na lang ang gagawin ko ... pero masaya ako, kasi wala akong kaagaw sa CR bukas. Bwahahaha!" Napapalakpak pa 'to sa tuwa.

May bigla akong naalala. "Eh teka, naligo ka na ba?"

"Hindi pa rin. Tinatamad na ako eh. Bukas na lang. Huwag kang maingay, ha."

Lukaret din 'to. Napailing na lang ako.

Nanood na lang kami hanggang 10pm bago ako pumasok sa kwarto ko. Hinawi ko ang kurtina saka sumilip sa bintana. Naroon ulit si Monique. Nakatingin sa akin at kumaway. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko, pero gumanti na lang ako ng kaway bago nahiga. Malungkot din siguro ang mag-isa doon. I wonder kung nakakalabas siya ng Old Building. Pati yung mga multo do'n sa Annex, nakakalabas kaya sila? Ayoko ng mag-isip. Tatanungin ko na lang bukas si Inspector Rodrigo.

KINABUKASAN

Pumasok ang isang may edad ng lalaki. Siguro nasa mid 50's na siya. "Good morning class. I'm your Professor in Basic Math. I'm Antonio Trinidad III. Kindly introduce yourselves so I will know more about you."

Napabulong ako kay Diego. Katabi ko ulit siya sa upuan. "Trinidad III?"

Bumalik ng bulong si Diego. "Siya ang dating may-ari nitong school. Father ni Sir Tony. Naisipan sigurong magturo na lang kaysa magpalakad ng school."

Mukha siyang strikto na matapobre na ewan. Hindi maganda ang vibes ko sa kanya.

Nakikinig ako sa lessons niya ng makita ko ang isang babaeng multo na nakatayo sa gilid ni Sir Antonio. Naka-school uniform din 'to. Hindi ko alam kung galit siya o ano. Basta nakatingin lang siya sa Prof namin. Paano ba naman ako makakapag-concentrate nito kung habang nagdidiscuss ang Prof namin na naglalakad sa palibot ng room ay may nakasunod na multo? Nangalumbaba na lang ako at tumingin sa bawat sulok ng room. Napakunot noo ako? CCTV? May CCTV pala ang 4 corners ng room. Gano'n din ba sa ibang room? 'Di ko napansin. I'll check that out later.

Panay tingin ko sa oras. Ang tagal mag-3pm. May isang subject pa ako mamaya after lunch.

Tumunog na ang bell, hudyat na tapos na ang klase. Tumutunog siya kada 30 minutes. May ibang klase kasi sa college na 1.5 hours ang isang session. May 2 hours ako to spend dahil mamaya pa next class ko.

NECROPOLIS (Published - Viva Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon