Chapter 15

17.4K 718 143
                                    

Nakarating na kami sa farm na tinatambayan ni Rod. Nakaupo kami ngayon ng magkatabi sa ilalim ng malaking puno ng mangga na paborito niyang tambayan. Nakatulala pa rin ako sa hangin, pilit na inaalis sa isip ko ang itsura ng nakakatakot na nilalang na 'yon.

"Paano ako papasok sa school kung naroon 'yon? Baka magpakita sa akin 'yon habang maraming tao sa paligid, o kaya nasa gitna kami ng klase. Makikita ng lahat na paranoid ako over something na hindi nila nakikita, at malalaman ng nilalang na 'yon na may ability ako to see, hear and feel them." Nakatulala lang ako habang naglalabas ng mga alalahanin ko kay Rod.

"Sa tingin ko ay may magagawa ako para d'yan." Dumukot ito sa bulsa ng pantalon niya. Inilabas nito ang kwintas na may palawit na may green stone at may bahid ng pula. Hugis patak ng luha ito. "Wear this. Never remove this. This is a powerful Bloodstone, blessed by the monks from there." Itinuro ang tuktok ng bundok na tanaw namin. "It will protect you against harmful spirits and other psychic power."

"T-thank you."

Tinanggal niya ang lock ng kwintas saka isinuot sa akin. Nakapaikot ang mga braso niya sa leeg ko. Napatingin ako sa mukha niya, at nagulat ako dahil nakatitig siya sa akin. Ang ganda ng mga mata niya. Malamlam, makakapal ang pilik-mata, kulay light brown ang kanyang mga mata. Ang sarap titigan, nakaka-magnet.

Unti-unting lumalapit ang mga mukha niya sa akin ng tumunog na naman ang phone ko. Tumugtog na naman ang I Got A Boy ng SNSD. Naglayo kami ni Rod saka ko sinagot ang phone. Kanina ipinagpapasalamat ko na tumunog 'to, ngayon naman ay gusto kong bulyawan ang tumatawag. "Hello." Malamig kong sagot sa tao sa kabilang linya. 'Di ko na tiningnan kung sino siya.

"Nasaan ka? Bakit ka absent? Sabi mo mauuna kang pumasok eh." Si Daisy pala.

"Sumakit kasi ang katawan ko bigla. Uuwi muna ako sa amin. Babalik ako mamayang hapon sa Dorm." Palusot ko.

"Ah, ganun ba? Si Emma din bumalik sa Dorm eh. Ang sama daw ng pakiramdam niya. Para daw may humawak sa batok niya kanina pero wala namang tao. Tapos ayon magpapahinga daw muna siya."

"Ah, gano'n ba. Sige dadalhan ko kayo mamaya ng pasalubong. Bye." Malamang dahil sa multo kaya sumama ang pakiramdam no'n. Nilingon ko si Inspector. "Rod, mayro'n ka bang extra protection d'yan para sa kaibigan ko? Hindi siya nakakakita pero ang lakas ng pakiramdam niya. Ayon masama na naman ang pakiramdam, siguro dahil sa ghosts sa paligid."

"Wala na eh. Isa lang ang nadala ko. Bukas, magdadala ako ulit. Gagana ang Amethyst sa kanya as protection."

Nagkatinginan ulit kami pero nag-iwas na ako ng tingin. "Ah ... teka, ililista ko ang mga nalaman ko na." Dumukot ako ng ballpen at papel sa bag ko. Isinulat ko isa-isa para hindi ako malito.

Si Monique ay pinatay dahil may third eye. Nakabukod sa ibang multo.
Si Diana ay nawawala. 'Di ko makita ang spirit niya sa school.
Ang Missing student sa article ay isa sa ghosts sa Annex. Beware daw sabi ni Monique.
Iyong pangit na multo kanina ay sobrang scary; talagang beware ako sa kanya.
May protective barrier ang school from spirits pero may confinement barrier ang Annex at Old Building para ma-trap ang mga kaluluwa nila.

Ibinigay ko kay Rod ang nilista ko. Inisa isa niyang in-analyze ang mga nalaman ko. "Itong nasa article, nalaman ko na ang pangalan niya. Natalie Gomez, 15 siya ng nawala siya. Huling nakita na kasama ng teacher niya, pero hindi napatunayang siya ang cause ng pagkawala ng student na 'yon."

"Sino yung teacher niya na 'yon?"

"Segundo Trinidad."

"Trinidad? Sino 'yon? Kamag-anak nina Sir Tony?"

"Siya ang bagong may-ari ng school. Teacher siya sa Academy that time."

"Tatay ni Jeremy?" Napatingin ako sa kawalan. Ano ba 'yan, sala-salabat na. "Ang dean ng school, siya pa rin daw ang dean noon pa man. Trinidad din ang pangalan no'n, eh."

Inilabas ni Rod ang iPad niya mula sa bag. Pinindot-pindot saka ipinakita sa akin ang mga larawan at mukha ng angkan ng Trinidad. "Heto. Ang kanilang ama ay si Antonio Trinidad II, napangasawa si Mariana Syjuco. Patay na sila pareho. Nagkaroon sila ng apat na anak, sina Antonio III, Segundo, Herminia, at Alejandra. Si Herminia ang dean, mula noon hanggang ngayon. Si Alejandra na panganay ay wala sa Pilipinas mula pa noon."

"Ah... pero teka, sandali. Mariana Syjuco? Kaano-ano 'yan ng dating may-ari ng Villa?"

"Pinsan ng asawa ni Mrs. Syjuco si Mariana. Pero kahit ganoon na blood related sila ay hindi pa rin makakuha ng impormasyon si Mrs. Syjuco kung nasaan at ano ang nangyari sa anak niya."

Nag-isip ako. Nawawala nga rin pala ang anak nung Mrs. Syjuco. "May picture ka ng anak ni Mrs. Syjuco?"

"Meron. Heto." Ilang beses ang pag-swipe ni Rod sa iPad bago niya nahanap ang picture ng babaeng student at may pangalang Almira Syjuco.

Napanganga ako. "Siya! Nasa tabi siya ng librarian kanina! May sunog sa braso saka laslas ang leeg!"

"What? Sigurado ka ba dyan?"

"Oo, sigurado ako! Matagal ko siyang tinitigan kanina!"

"This is it. Sandali." Dinukot ni Rod ang phone at may tinawagan. "Sir Rick, confirmed. Patay na ang anak ni Mrs. Syjuco. Nakita ng anak n'yo ang multo niya sa school kanina." Naghintay ng sagot mula sa kabilang linya. "Kausapin ka daw ng Papa mo."

Kinuha ko ang phone. "Hello, 'Pa."

"Anak, totoo ba 'yon?"

"Yes, Papa, 'di ako nagkakamali. May suot pa nga siyang jade bracelet, at may malaking brooch na bulaklak ng Cattleya ang design."

Nawala saglit sa linya ang Papa ko. Naka-mute siguro. "Confirmed hija, si Almira nga 'yon. Si Mrs. Syjuco ang nagregalo sa kanya ng brooch ng Cattleya." Nakarinig ako ng hagulgol ng isang babae. Si Mrs. Syjuco siguro. Nawala ulit saglit si Papa bago nagsalita ulit. "Hija. Mrs. Syjuco wants to proceed with the investigation at pagbayarin ang gumawa no'n sa anak niya. Gusto rin niyang makita kahit man lang mga buto ng anak niya."

"Okay, Papa. Pakisabi na gagawin ko ang lahat para pagbayarin ang gumawa ng karumal-dumal na krimen na 'to. Bye 'Pa." Nilingon ko si Inspector. "Confirmed. Si Almira nga ang nakita ko kanina." Idinagdag ko sa listahan si Almira. Iniabot ko kay Inspector ang papel. "Baka kailanganin mo. Don't show it to anyone."

"Thank you." Ibinulsa ni Rod ang papel.

"Ano ba ang hiwaga ng school na 'yon? Bakit may patayan? Bakit may nawawalang students? Bakit kailangang i-trap ang mga multo?" Nilingon ko ulit si Rod. Nakatitig lang siya sa akin. "B-Bakit ka nakatitig sa akin?"

"Mamaya na ang bakit. Ituloy muna natin iyong naudlot kanina."

"A-ang alin?"

"Ito." Saka siya mabilis na lumapit sa akin at hinuli ng mga labi niya ang mga labi ko. Banayad lang pero matagal. Hindi ako nakakilos dahil sa pagkabigla. Napapikit na lang ako. Parang tumigil ang paligid dahil sa halik na 'yon.

To Be Continued...

☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆

NECROPOLIS (Published - Viva Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon