Chapter 17

16.9K 646 41
                                    


Nakalipas ang ilang araw na wala akong nakuhang juicy sa mga tao sa school. Hindi ko alam kung paano lalapitan ang mga hindi ko naman close, lalo na si sir Tony na manyak daw, according to Gio, at si Jeremy na mukhang bayolente. Although madalas kong mahuli ang panakaw na tingin ni Sir Tony 'pag nasa klase niya ako. 'Di ko pa nakakasalubong ulit si Jeremy.

Now I'm here sitting alone in the classroom, waiting for the next class when someone called me "M-Monique?"

Babaeng balingkinitan, maputi, chinita, maliit sa akin. Mukhang masungit. "I'm sorry, I'm not Monique. I'm Arlene."

"A-ah, yeah. She's dead. You look like her."

"I know. A lot of people already called me Monique. Sanay na ako." Nginitian ko siya para makita niyang makaiba kami ng cheeks at may dimples ako, ang malaking difference naming dalawa ni Monique.

"Right. Hindi ka nga si Monique." Umupo na ang babae sa harap. 'Di man lang nagpakilala. Dinedma ko na lang din siya. Sinalpak ko na lang ang headset ko sa tainga ko.

In fairness, nakatulong ang Bloodstone sa akin. Hindi ako malapitan ng evil soul na 'yon at iyong isang bayolente. Hindi pa sila nagpapakita sa akin. Iyong ibang spirits ay okay lang because they are just roaming around and not bothering me. Ibinigay ko rin kay Emma ang Amethyst bracelet at todo pasalamat din siya. 'Di na raw sumasama ang pakiramdam niya mula ng sinuot niya 'yon.

Nagdatingan na rin ang iba pa naming classmates when someone called the lady in front. "Rose! Nagbalik ka na pala. How's your US trip?" Bati ng babaeng bagong dating. Umupo ito sa tabi ni Rose.

Rose? Siya ba yung bestfriend ni Monique? Palihim akong nakinig sa kanila kahit hindi ako nakatingin. Inalis ko ang headset ko para malinaw ko silang marinig.

"Yeah. We just had 3 months vacay. Bitin nga eh. I wanted to stay more." Maarteng sabi nung Rose. "I mean, Cali is so nice, malinis, maraming pasyalan. I love the local food there, and shopping malls are so cool. I shopped like there's no tomorrow."

May isang babaeng nagparinig. "Sus. Akala mo naman mayaman kung umasta, eh caregiver naman ang nanay niya ni Mrs. Santillan kaya siya napasama sa US."

Napasugod si Rose sa babae. "What did you say?" Nakatayo siya ngayon at nakapameywang sa babaeng nagsalita na nakaupo sa gitna ng klase.

"Butt hurt? Di ba kaya ka nakarating don dahil isinama ka ng nanay mo na caregiver ni Mrs. Santillan na nagpunta do'n para magpagamot? Kumare yun ni mommy, 'no. Maka-I shopped like there's no tomorrow ka d'yan akala mo rich kid. Don't me."

"Wala kang pakialam. Magyabang ka ng sarili mong bakasyon. Palibhasa hanggang HK lang ang kaya mo." Saka pairap na bumalik sa pwesto at naupo si Rose.

"Well at least sarili naming gastos 'yon. Hindi freebie." Nagtawanan ang kagrupo ng babaeng nasa gitna ng klase.

"Nang-aasar ka ba talaga?" Tumayo ulit si Rose na nakataas na naman ang kilay.

Pumasok na si Sir Tony. "Good morning class. Please get your workbooks."

Hindi na natuloy ang catfight. Mukhang may attitude nga itong si Rose, at mukhang inis ang mga kaklase namin sa kanya. Wala ngang umawat o sumaway sa sagutan kanina.

Maya-maya ay pumasok si Jeremy sa classroom. Classmate pala namin 'to. Ngayon lang pumasok. late pa.

"Jeremy. Why are you late?" Puna ni Sir Tony. Woooh, walang kamag-anak pala sa kanya. Professional, in fairness.

"I was in the guidance office." Saka umupo ito sa likod. Tumingin ito sa gawi ko. Dinedma ko na lang siya saka ako bumalik ng tingin sa whiteboard.

NECROPOLIS (Published - Viva Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon