Naalala ko na may usapan kami ni Kuya Drei na may imi-meet kami sa labas. "Sandali lang ha." Paalam ko kay Gio. Tumango lang ito saka bumalik ng tingin sa puntod ni Monique. Lumabas ako mg musuleo.
Tinawagan ko si Kuya to tell him kung nasaan ako. Magkasama daw sila ni Rod na nakasunod sa amin. Susunduin daw niya ako maya-maya pero maiiwan daw si Rod sa kotse.
Bumalik ako sa musuleo para magpaalam kay Gio. "Gio, I'm sorry may usapan pala kami ni Kuya Drei. He'll pick me up here."
Ngumiti ito. "Okay lang, naiintindihan ko. Salamat at sumama ka sa akin dito."
Tinapik ko ang braso ni Gio. "Wala 'yon. We're friends na, hindi ba?"
"Arlene." Tawag ni Kuya Drei.
"Kuya? Bakit ang bilis mo namang makarating?" Nagpanggap akong nagulat kunwari.
"I was on my way to the Villa when you called. Along the way lang pala 'to. Sa Villa ako magoovernight. Mom's suddenly not feeling well after she found out that dad's out with his mistress." Ang galing umakting ni kuya, convincing. Poker face na parang bored na ewan, his normal face. Gusto kong matawa pero pinigilan ko, baka masapak ako ni Kuya ng wala sa oras.
"Sama ako, Kuya. Worried ako kay Mama." Konting drama. Lumingon ako kay Gio. "I have to go."
Tumango ito sa akin. "Sige, ingat kayo." Kumaway pa 'to.
"Salamat." Saka ako sumunod sa nauunang maglakad sa Kuya ko. Kailan pa sila naging close ni Rod para magsama ngayon sa pagsunod sa akin?
Nasa di kalayuan ang kotse ni Papa. "Nasaan ang kotse ni Rod?"
"Naroon sa likod, dala nila Mike at Peter. Kasama ang dalawang ghost detectives." Nasa back seat sila ng kotse ni Papa. "Mahirap na, Inspector si Rod. Kapag may naghinala sa'yo at nakitang may kasama kang detective, yari ka." Sumakay kaming dalawa sa kotse. Sa harap ako, sa likod si Kuya.
"Halika na. We are meeting my friend." Aya ni Kuya, saka pinaharurot ni Rod ang kotse.
Tiningnan ko si Kuya at si Rod na parang nag-iinspect ako ng specimen sa microscope. "Bakit kayo magkasama? Kailan pa kayo naging close?"
"Tinawagan ako ni Rod, susundan daw kayo. Sumama ka daw sa myembro ng kulto." Sagot ni Kuya.
"Kailan pa kayo nagpalitan ng number? Kailan ka pa naging friendly, Kuya?" Lalong kumunot ang noo ko.
"Nag-shift kasi ako from Political Science to Criminology. We're classmates for 1 year, dun sa mga major subjects namin sa Manila." Sagot ni Rod.
Now I get it. Kaya pala no question si Kuya about Rod nung makita niya 'to sa Villa nung una pa lang.
"Stop doing things by yourself, Arlene. Ipapahamak mo ang sarili mo eh. Sabihan mo naman ako kapag may plano ka." Galit ang tono ni Kuya.
"Opo, Tatay." Sarkastiko kong sagot.
"Tsk. Ang tigas ng ulo." Ito lang ang narinig ko kay Kuya. Napangiti ako. Overprotective talaga.
"Sino nga pala ang imi-meet natin?" Curious kong tanong kay Kuya. Napalingon ako sa side mirror at napakunot ng noo. May sumusunod sa amin, kotse ni Gio. "Rod. Sinusundan tayo ni Gio."
Napatingin sa side mirror si Rod, napalingon din siKkuya sa likod. "Nakasunod nga siya. Nagdududa siya sa'yo, Arlene. Kailangan mong mas maging maingat."
Tinawagan ni Rod ang nasa unahang sasakyan. "Kailangan nating maghiwalay. Didiretso kami sa Villa. Padiretsohin n'yo na rin doon ang imi-meet namin. Sa likod ng Villa kayo dumaan."
BINABASA MO ANG
NECROPOLIS (Published - Viva Books)
Mystery / Thriller#1 in Mystery 08/05/2018 #1 in Thriller 12/12/2018 Published (Necropolis - Viva Books) ⭐UPG Trilogy Book 1⭐ Kinailangang mag-transfer si Arlene sa City of Doña Trinidad University, isang private school sa probinsya ng mama niya. Unang tapak...