Hinatid kami ng driver ni Papa Mula Manila hanggang Doña Trinidad. I and Kuya arrived in school around 6am, bitbit ang mga pasalubong kina Daisy at Emma. Sakto lang kami sa pagbukas ng gate. Inaantok pa 'ko. Imagine, we woke up 1am para mag-prepare, then 4 hours drive. Mas gusto kong matulog sa Dorm kaysa pumasok. Ang kaso, may mission pa ako.
Pumasok kami ng campus, saktong binubuksan na rin ang gate ng Annex Building na mukhang rehas sa kulungan. Wala man lang design para magmukhang disente at kaaya-aya para sa private school.
Tumingin sa amin ang male guard na parang nanunuri. "Saan kayo galing?"
"Sa Manila po." Tipid na sagot ni Kuya, saka hinawakan ako sa kamay at inakay papasok ng Annex. Wala pang ibang tao.
Lumabas kami sa likod ng Annex at dumiretso sa dorm. Tiningnan din kami ng kakaiba ng isa sa mga guards sa baba ng mga hagdan paakyat ng Dorm, iyong lalaking guard nila Kuya. "O, maraming nangyari sa school, saan kayo nanggaling?"
Pa-inosente akong nagtanong pabalik. "Ang weird naman po, kasi 'yan din ang tanong sa amin ng guard sa Annex. Ano po ba ang meron kung saan kami nanggaling? Parang lahat may pakialam kung saan kami nanggaling."
"Simple lang naman ang tanong ko, bakit hindi mo masagot?" Maangas na tanong ng lalaking guard.
"Sa Manila po, sa Papa namin. Ano naman po ang pakialam n'yo kung saan kami nagpunta? Simple lang din po ang tanong ko, bakit hindi n'yo po masagot?" Nakakabanas eh. Wala na ngang pakialam 'tong guard na 'to sa buhay namin, maangas pa.
"Bastos ka ah!" Akmang susuntukin ako ng guard.
Humarang si Kuya at pinigilan ang kamao ng guard. Mas matangkad si Kuya at mas malaki ang kaha kaya natakot ang guard sa kanya. "Ikaw 'yong bastos eh! Ano ba ang trabaho mo dito at sino ka ba para makialam sa personal life ng students dito? Subukan mo lang kantiin kahit ang buhok ng kapatid ko, manghihiram ka ng mukha sa aso."
Umawat ang lady guard namin. "Baldo, tigilan mo nga 'yang dalawang bata. 'Di ka naman inaano eh. Ikaw 'tong maangas d'yan. Ano nga ba ang pakialam mo? Saka babae 'yan, pinapatulan mo? Mananakit ka? Nakakahiya ka. Ako ang subukan mo." Nakaakmang dudukot ng batuta si Ate Guard.
Tiningnan lang kami ng maangas ng lalaking guard saka bumalik sa table niya. "Salamat po Ate. Pasensya na po, pagod lang kami. Namiss kasi kami ni Papa eh. Aalis din kasi siya ulit kaya pinuntahan namin para makasama muna."
Mukhang sincere namang ngumiti si Ate Guard. "Sige na, umakyat ka na sa room mo. Malapit nang magsimula ang klase." Tumango na lang ako at tipid na ngumiti.
"Hihintayin na lang kita rito sa baba, Arlene. Mahirap na." Saka tiningnan ni Kuya ng makahulugan ang guard.
Umakyat ako at pumasok sa dorm. Gising na ang dalawa, himala ang aga. "Ladies, pasalubong ko."
"Arlene! Good morning!" Hyper na salubong ni Daisy sa akin. Tumayo naman si Emma para abutin ang pasalubong ko.
"Wow! Kakanin, puto, kutsinta!" Natatakam na sabi ni Emma.
"Kainin n'yo na habang malambot pa. Kahapon namin binili 'yan eh. Nilagay naman yan sa ref kaya 'di 'yan sira. Saka matagal ang life span ng kakanin." Tumungo ako sa room at kinuha ang gamit sa school.
Sumalampak ng upo si Daisy sa sofa, bitbit ang pinggan na may malaking hiwa ng kakanin. "Arlene, kahapon, ginisa nila ako sa Dean's office para alamin kung saan ako galing."
Kumunot ang noo ko. Patay-malisya. "Bakit naman? Ano naman ang big deal kung saan tayo galing?"
Sumubo muna 'to ng sapin-sapin bago nagsalita. "Ewan ko sa kanila. Kaya pinatawagan ko kay Mama para i-confirm na galing ako sa bahay."
BINABASA MO ANG
NECROPOLIS (Published - Viva Books)
Mystery / Thriller#1 in Mystery 08/05/2018 #1 in Thriller 12/12/2018 Published (Necropolis - Viva Books) ⭐UPG Trilogy Book 1⭐ Kinailangang mag-transfer si Arlene sa City of Doña Trinidad University, isang private school sa probinsya ng mama niya. Unang tapak...