Nakahiga ako ngayon sa kama ko at hindi makatulog. Iniisip ko pa rin ang nakita kong article sa net. She went missing, and most likely until now hindi pa rin siya mahanap ng pamilya niya. Nakakaawa naman. Kahit ako 'yon, magmumulto talaga ako para lang masabi ng kahit sino sa pamilya ko na patay na ako at nakalibing na somewhere.
Now I understand them why they keep on pestering me. They are looking for someone to help them out, someone na nakikita sila, na maririnig ang tinig nila.
Bumangon ako at umupo sa kama. Hinawi ko ang kurtina ng bintana na katabi ng kama ko. Sumilip ako. Naroon si Monique sa same spot kung saan ko siya unang nakita. Nakatingin sa Annex Building. Mas kita ko ang mukha niya ngayon dahil mas tiningnan ko na siya this time at dahil sa ilaw ng posteng nasa tapat ng kinaroroonan niya. Kamukha ko nga siya. Para kaming kambal, na alam kong imposible naman. Malungkot ang mga mata niya.
Tumingin siya sa akin. Hindi ko alam ang magiging reaction ko pero nakipagtinginan ako sa kanya. Hindi ako umiwas. Saan ko ba nakuha 'tong tapang ko ngayon?
Ang nakakapagtaka? Ngumiti siya sa akin, saka siya naglaho. Weird pero hindi ako natakot sa kanya.
Nahiga na ulit ako at nag-isip ulit. May kinalaman ba ang multo na 'yon sa pagkamatay ni Monique o may ibang taong pumapatay sa mga babae dito? Iisa kaya iyong pumatay sa mga babaeng multong 'yon at kay Monique o magkaiba? Kasi si Monique lang ang nag-iisang nasa Old Building. Lahat ng female ghosts ay nasa Annex Building. Ang sabi ni papa noon, kung saan pinatay o namatay ang biktima, doon sila madalas magpaparamdam. Lalo na kung may grudge pa sila o hindi pa natatagpuan ang bangkay nila.
Napabangon ulit ako sa isiping 'yon. Does it mean, lahat ng ghosts na naroon sa Annex Building ay hindi pa alam ng pamilya nilang patay na sila? 'Di pa nalilibing ang mga bangkay nila? Nasaan ang mga katawan nila? Si Monique, nakita nila ang body, so malamang hindi siya matahimik dahil posibleng may gusto siyang sabihin or someone killed her. She was killed?
"Tsk! Ayoko na nga'ng maging usisera! Nakakahawa si Beki!" Humiga ulit ako. Pipilitin kong matulog nagtalukbong ako ng kumot.
-------
Krrrrriiiiiinnnnnggggggg!
Napabangon ako bigla. Pinatay ang alarm clock sa side table saka nahiga ulit.
"Ang sakit ng ulo ko...." reklamo ko. 2am na 'ko nakatulog kakaisip. 5am na, halos 3 hours lang ang tulog ko. Goodluck mamaya, tutulugan ko ang prof ko.
Bumangon na ko at baka makipag-agawan pa sa akin ang dalawang tulog-mantika. Super late nga sila kahapon eh.
Done taking shower and fixing myself. Nakapag-breakfast na rin ako at uminom ng pain killer. Ang dami ko ng nagawa pero tulog pa rin ang dalawa. 6:30 na naman kaya dating gawi. Kinatok ko sila ng kinatok saka lang lumabas. Nag-unahan na naman sila sa banyo. Nagwagi ulit si Daisy at bagsak ulit ang balikat ni Emma. Hay ... daily routine namin 'to malamang.
"Mauna na ko sa inyo. Kumain na kayo d'yan, nagluto ako ng bacon at tocino." Magugutom 'tong dalawang 'to kung wala ako dito. Tsk.
Lumabas na ko ng Dorm. Nasa gitna ng Building ang entrance/exit katapat ng hagdan ng ladies' Dorm. Luminga ako sa kaliwa, sa gawi ng Old Building. Naroon siya, at tingin ko ay nakatingin siya sa akin. Hindi ako mapakali at gusto ko siyang kausapin. Maaga pa naman at wala pang tao sa paligid, baka makapasok ako do'n. Papunta na sana ako sa Old Building ng may tumapik sa balikat ko.
"Hoy!"
Muntik na ako'ng mapatalon dahil sa pagkagulat. "Ano ba? Huwag ka ngang nanggugulat, Kuya!" Hinampas ko nga sa braso. Kainis eh!
"Saan ka pupunta? Doon ang building, oh." Itinuro nito ang Annex.
"W-wala. Mamimitas lang ng bulaklak." Palusot kong itinuro ang mga bulaklak na dekorasyon ng Dorm sa palibot ng labas ng building.
"No picking of flowers ang nakalagay, oh, pasaway ka talaga! Halika na nga!" Hinila ako ni Kuya papuntang Annex. Nilingon ko si Monique, naroon pa rin siya. Ang lungkot sigurong mag-isa sa ganyang lugar sa mahabang panahon. Naaawa ako sa kanya.
Umakyat na ako sa 4th floor. English 202 ang subject ko pero wala pang estudyante sa loob. Naupo ulit ako sa malapit sa bintana. Hindi ko na makita ang Old Building dito dahil masyado ng mataas 'to. Ang tanaw ko ay ang kakahuyan sa di kalayuan, pati ang bundok sa background.
Busy ako sa magandang view nang may humawak sa balikat ko. Sisitahin ko sana pero malamig ang kamay ng nakahawak sa akin. Tagos sa uniform ko ang lamig eh. Alam ko na kung anong nilalang 'tong nakahawak na 'to. Hindi ko siya nilingon, hindi ko pinansin at hindi ako nagreact. Manigas ka d'yan.
"Nakikita mo ba ako? Nakakaakit ang liwanag sa paligid mo." Mahinang sabi nito sa tapat ng tainga ko. Tinig ng babae, husky na malamig ang boses niya. Parang nanggaling sa ilalim ng hukay. Ramdam ko ang hanging malamig na dumampi sa pisngi ko. Nakaramdam ako ng takot pero hindi ko pinahalata. Hindi siya katulad ng ibang multo na narito. Dinedma ko rin siya. Pinaglabanan ko ang takot ko, pero iniisip ko ang sinabi niya. Ano ang liwanag sa paligid ko?
"Arlene!" Kaway sa akin ni Diego.
"Hello Diego." Wala pang professor natin. Mag-isa lang ako dito kanina pa." In-emphasize ko talaga iyong salitang 'mag-isa'. Binitiwan ako ng multo pero hindi siya umalis sa likod ko. Nakahinga na rin ako ng maluwag sa wakas.
"Ang aga mo naman kasing pumasok. Nagbreakfast ka na ba?"
"Yes, I'm done. Nagluto ako sa Dorm."
"Ako hindi eh. Walang marunong magluto sa amin. Mahirap talaga 'pag puro barako ang magkakasama tapos mga spoiled pa. Tag-gutom tuloy kami dito." Natatawang biro nito, saka tumunog ang tiyan.
"Hahahaha! Gutom ka nga!" Napakamot siya sa batok. "Kumain na muna tayo sa baba, gusto mo? Mahirap mag-aral ng ganyan." Ako na ang nag-aya para makalayo dito sa talking ghost na 'to. Nanghahawak pa at nananakot. First time na may kumausap sa aking multo. Tumayo na kami saka lumabas ng classroom.
Hindi ko nakita ang mukha ng multo na 'yon, pero mukhang dapat akong mag-ingat sa kanya.
To Be Continued...
☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆
BINABASA MO ANG
NECROPOLIS (Published - Viva Books)
Mystery / Thriller#1 in Mystery 08/05/2018 #1 in Thriller 12/12/2018 Published (Necropolis - Viva Books) ⭐UPG Trilogy Book 1⭐ Kinailangang mag-transfer si Arlene sa City of Doña Trinidad University, isang private school sa probinsya ng mama niya. Unang tapak...