Chapter 10

18.6K 682 26
                                    

Gumawa ako ng listahan ng mamanmanan ko, isinulat ko isa-isa ang suspect kona kinuwentuhan ni Monique:

Si Gio, paano ko kaya siya lalapitan?
Si Sir Tony, medyo naiilang ako sa kanya.
Si Sir Antonio III, May iba pa bang Antonio?
Si Hanz, medyo madali-dali ito.

g imbestigahan dahil madaldal.
Si Rose, 'di ko pa siya nakikilala. Nasaan kaya ito?
Si Diego, close pala sila ni Monique? Akala ko ba tingin niya suplada si Monique gaya ng sabi ni Diego?
Si Manang Huling ... seriously, pati staff ng canteen pinagkwentuhan niya?

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan, ano ang aalamin ko at paano ko sila iaapproach ng hindi magdududa sa intensyon ko.

Bahala na. Bukas ng umaga ay sisimulan ko sa pinaka-madali. Si Hanz.

Nahiga na lang ko para magnakaw ng kaunting matulog, kahit paano ay makapagpahinga ang utak ko kahit saglit.

KINABUKASAN

Hinanap ko agad si Hanz ng lunch time. Pinagtanong ko sa mga nakasalubong ko at kilalang kilala ang hitad sa buong campus. Nasa Main Building daw, ang Junior and Senior High department ng school. Nakakarating ang Beki hanggang doon para sa tsismisan.

Pumasok ako ng Main Building, nilingon ang buong ground floor pero wala siya.

Nilapitan ko ang isang babaeng Senior High student na nagtetext sa lobby. "Excuse me, kilala mo si Hanz? Yung Beki?"

Tumingin siya sa akin, "ah, oo naroon sa canteen ng building na 'to. Do'n ko siya huling nakita, do'n lang sa kaliwa 'yon," saka bumalik sa pagtetext.

"Salamat." Kumaliwa ako at nakita ko ang Beki na may kachikahang apat na High Schoolers. Nilapitan ko sila.

"Hanz." Tinapik ko siya sa balikat.

"O ganda! Ano'ng ginagawa mo dito?"

"Ikaw, nakakaloka ka hanggang dito tumatambay ka."

"Hahaha! Nagre-reminisce ako ng High School days ko, syempre. Mga Junior ko sila that time." Itinuro ang mga kausap nito. Kumaway naman sila sa akin. Ginantihan ko rin sila ng kaway. "Ano'ng kailangan mo at hinanap mo pa talaga ang beauty ko?"

"Ah, wala kasi akong kachikahan eh kaya hinanap kita."

"Halika, dito ka na maglunch. Sabayan mo kami." Humila si Hanz ng upuan.

Umupo naman ako at nakisali sa kanila. Tinawag ni Hanz ang waitress. "Hayan umorder ka na. Mas sosyal dito dahil may tagakuha ng orders kesa sa kabila." Kumuha naman ako ng order ko sa serbidora.

"Hanz, kamukhang kamukha siya ni Monique, ano? Ngayon ko lang naalala kung sino ang kamukha niya. Pwede silang magkapatid." Sabi ng student maraming pink Rio na maliliit sa buhok, nakapila sa mahabang bangs na nasa magkabilang gilid ng mukha. Cute, bagay sa kanya. Same style ko no'ng Junior High ako.

"Pinakita nga sa akin ni Hanz ang picture niya, kamukha ko nga. Mabait ba siya?"

"Si Monique? Mabait 'yon, suplada lang sa lalake. Ayaw ng binobola." Sagot ni Hanz.

Napatango-tango ako. "Ah. Kawawa naman kung gano'n. Maganda na, mabait pa tapos nawala lang siya ng gano'n lang ... may nakaaway ba siya sa school?"

Uminom muna ng orange juice si Hanz. "Hmm ... may mga inggit siguro. Kasi bukod sa pinakamaganda siya dito, Dean's lister pa. Tapos maraming nanliligaw. Pero away? Hindi ko pa siya nakitang nakipag-away. Mahinhin yun saka tahimik lang. 'Pag kakwentuhan ko lang saka dumadaldal."

Nangalumbaba ako. "Madami siyang friends parang ikaw? Halos lahat yata dito kilala ka eh. Kahit sino ang tanungin ko kanina, kilala ang pangalang Hanz."

NECROPOLIS (Published - Viva Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon