Narito ako sa favorite place ko--ang garden, paharap sa Old Building. Kahit malayo ay alam kong nakatingin si Monique sa akin kaya pasimple kong kinawayan siya. Gumanti rin siya ng kaway. Hindi na ako makapasok sa Building dahil naka-kadena at padlock na ang main door. Sarado rin ang exit door sa gilid.
Nagta-type ako ngayon sa phone ko ng list ng suspect ko sa kaso ni Monique. Sina Rose, Sir Tony, Jeremy, Sir Antonio, Sir Segundo, ManangHuling, Gio at Diego. I put 'X' marks beside Gio's and Dieog's names, Malabo na sila ang pumatay kay Monique at sa mga estudyanteng multo sa Annex. Kailangan ko ring alamin kung konektado sila sa killings at missing students case sa Annex.
Tumugtog na naman ang I Got A Boy ng phone ko. Si Papa ang tumatawag.
"Hello, 'Pa."
"Hija. Kaya mo bang magpalipas ng gabi sa Annex? Alamin mo kung bakit bawal pumasok doon sa gabi. May itinatagong sikreto ang eskwelahang 'yan kaya bawal d'yan sa gabi."
Pabulong akong nagsalita. "Papa, mahirap. May CCTV camera sa buong Annex. Pati yata sa CR mayro'n kaya hindi ako naglalagi doon. Besides, may 2 unfriendly ghosts do'n." Weird pero yes, pati CR may CCTV, pwera sa cubicles.
"Papupuntahin ko si Rod mamaya. Magusap kayo. May gagawin siya para magkaroon ng interference ang mga CCTV na nariyan. About sa unfriendly ghosts, magagawan din ni Rod ng paraan 'yon."
Napaawang ang bibig ko. "He can do that, 'Pa?"
"He's an expert in IT system, virus and hacking. Pupunta siya d'yan para makapag-plano kayo."
"Ok, 'Pa." Ibinaba ko na ang phone. Kinakabahan ako sa pinaplano ni Papa pero may konting excitement ako. Tumingin ako sa gawi ng Old Building. Wala ring CCTV doon. I wonder why, saka ko naalala na mayroon pang isang lugar na bawal pumunta. Nilingon ko ang matalahib at mapunong lugar patungong kakahuyan 'di kalayuan sa kanang dulong bahagi ng campus. Ang storage house. Bakit kaya bawal din do'n? May CCTV kaya do'n?
Nilinga ko ang paligid. Walang nakamasid sa akin. Wala rin gaanong students, nasa klase pa siguro. Tumayo ako patungong mapuno at matalahib na lugar na 'yon. There must be something in there kaya bawal pumunta.
Nilinga ko ulit ang kabuuan ng school sa likuran ko bago ako tuluyang pumasok sa matalahib na bahagi ng campus. Hinawi ko ang mga talahib para makagawa ng daan patungo sa storage. Mukhang matagal ng walang pumupunta sa gawing ito dahil walang bakas na may dumadaan dito.
Nakarating ako sa tapat ng storage house. May kalumaan na at kupas ang pintura. Nilapitan ko ang pinto at sinubukang pihitin ang doorknob. Bukas. Kumakabog-kabog ang dibdib ko habang binubuksan ang pintuan. Medyo madilim sa loob, tanging liwanag lang mula sa dalawang bintana ang nagsisilbing liwanag. Nilinga ko ang paligid. Maluwag ang storage. Puro lumang upuan, bookshelf, libro, black board, cleaning materials at kung ano-ano pa ang narito. Tiningnan ko ang bawat sulok kung may CCTV. Wala. Carpeted ang sahig, pero sobrang maalikabok na.
Nilibot ko ang kabuuan ng storage. Inisa-isang tingnan ang mga librong nakasalansan sa shelf, baka sakaling may makita akong clue pero wala akong nahalungkat. Hindi ko rin alam kung ano ang hinahanap ko.
Sumuko na ako sa pagbubuklat ng kung ano-kano kaya naisipan ko ng lumabas. Papadyak akong lumakad patungong pinto para ipagpag ang alikabok na kumapit sa sapatos ko pero may narinig akong "creeeekk" sound pag-apak ko sa gitna ng storage. Napayuko ako. Inuga-uga ko ang sarili ko. "Creeek, creeeek" ang narinig ko. Weird dahil gawa sa simento ang floor ng storage house.
Lumakad ako sa pinakacorner ng carpet at iniangat ko ito para makita ang nasa ilalim.
"Ughuh! Ugh!" Ang alikabok, grabe. Iwinasiwas ko ang kamay ko para mahawi ang alikabok. Wala akong makita eh.
BINABASA MO ANG
NECROPOLIS (Published - Viva Books)
Mystery / Thriller#1 in Mystery 08/05/2018 #1 in Thriller 12/12/2018 Published (Necropolis - Viva Books) ⭐UPG Trilogy Book 1⭐ Kinailangang mag-transfer si Arlene sa City of Doña Trinidad University, isang private school sa probinsya ng mama niya. Unang tapak...