Chapter 40

16.8K 586 19
                                    

Inabot na kami ng madaling araw dahil sa lahat ng nangyari. Pagod na pagod ako at puyat na puyat kaya nakatulog agad ako pagkahiga sa kama ko. Tanghali na ng nagising ako, ginising ako sa katok ni Rod sa pinto.

"Baby! Gising na! Emergency!"

Napabalikwas ako ng bangon pagkarinig sa salitang emergency. Ano na naman ba ang problema? Tinungo ko ang pinto at pinagbuksan si Rod. "Why baby? Ano'ng problema?"

"Nawawala si Milet!" Bungad agad nito sa akin.

Ano daw? Nawawala ... hindi nagsisink-in sa utak ko. "Saan siya nagpunta?"

"She went to the school this morning, monitoring the investigation when we lost our contact with her." Sinubukan ulit i-dial ni Rod ang number ni Milet pero out of reach na 'to.

Nag-ring ang phone ko na nasa side table, "teka saglit." Kinuha ko ang phone at sinagot. Si Kuya Drei.

"Arlene! Sinusundan namin ni Gio ang van ni Sir Segundo! Ipa-track mo kina Rod ang phone ko! Nakuha nila si Milet!" Nag-aalala at rush talaga ang tono ni Kuya.

"Ano?" Tumingin ako kay Rod, "natangay daw ni Segundo Trinidad si Milet at sinusundan sila nina kuya at Gio. Pa-track mo ang phone ni Kuya, please! Sundan natin sila!"

"What? Kami na lang, delikado do'n!" Tanggi ni Rod.

"Kapatid ko 'yon! Sasama ako, please!" Pagmamakaawa ko kay Rod.

"Ang tigas ng ulo." Bumaba kami ng sala at pina-track kina Mike at Peter ang number ni Kuya. Naroon rin sa sala sina Mama, Papa, Emman at Emma. "Aalis na kami, tawagan mo ako para sa location."

Tumakbo na kami palabas ng bahay, sumakay ng kotse ni Rod kasunod ang ilang tauhan ni Papa na pinatawag niya kagabi para tumulong sa investigation, sumakay din sila sa tatlong sasakyan. 'Di na ako nakapagpalit ng damit. Blouse at shorts na pinantulog ko saka sneakers lang ang suot ko.

Pinaharurot na ni Rod ang sasakyan niya patungo sa direksyon ng school. Maya-maya pa ay itinawag na ni Mike ang kasalukuyang lokasyon ng sasakyan ni Gio. Nasa malapit lang daw namin sila. Napalingon ako sa kaliwa ko sa kabilang lane. May pulang van na dumaan, saka maya-maya ay may itim na kotseng kasunod."Ang kotse ni Gio! U-turn, dali!"

Biglang U-turn si Rod para sundan ang mga 'to. "Akala ko ba binabantayan nila si Milet? Nasaan na sila?"

Tinawagan ko si Kuya. "Kuya, nasa likod nyo kami. Ano ang nangyari? Nasaan ang mga bantay ni Milet?"

"Hindi ko alam. Basta patungo kami ni Gio sa school tapos nakita namin si Segundo na palinga-linga at palabas ng campus, may kasunod na malaking lalake at pasan sa balikat si Milet na nagpupumilit kumawala tapos isinakay sa van, kaya sinundan namin."

Napakawalanghiya talaga! Nag-alala ako kay Milet, baka kung ano ang gawin sa kanya ng mga 'yon. Napansin naming palabas kami ng Doña Trinidad at patungong katabing bayan ng San Andres na sa sakop na ng kabilang probinsya. "Rod, mukhang alam ko na kung saan sila patungo."

"Tingin ko nga. Tawagan mo ang Papa mo at i-loud speaker mo."

Tinawagan ko si Papa and placed the call in loud speaker. Si Rod ang kumausap sa kanya. "Sir Rick, patungo kami ng San Andres. Mukhang sa San Andres High dadalhin si Milet. Pwede ba nating pakilusin ngayon ang contact natin do'n for rescue and search operation? Malamang na same scenario ng school na 'yon ang CDTU."

"Sige, ako na ang bahala. Bago kayo makarating, may nakaabang na do'n para dakpin sila. Siya nga pala, tito na lang ang itawag mo sa akin." In-end call na ni Papa ang tawag ko. Ang luwang ng ngiti ni Rod sa narinig.

"Mukhang boto sa akin ang Papa mo. Si tito Rick."

"Heh! Magfocus ka d'yan sa pagsunod natin sa kanila!" Singhal ko dito na natatawa. May oras pa talagang kiligin sa sitwasyon namin?

NECROPOLIS (Published - Viva Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon