Chapter 25

16.2K 571 32
                                    

Bumaba kami ng kotse saka inalalayan namin ang nailigtas naming estudyante. May tatlong naka-scrub suit na may dalang stretcher at oxygen ang sumalubong sa amin na nakahanda para sa kanya. Naitawag na ni Peter kanina kung ano ang nangyari sa school. Tinungo namin ang malaking elevator sa basement, pinindot ni Rod ang L5 saka bumaba ito. Teka, may pinaka-basement pa 'tong building? Huminto sa L5 ang elevator. Patakbong dinala ang estudyante sa bandang kaliwa ng floor, patungo sa isang room sa dulo na may nakasulat na UPG-ICU.

"Halika, hayaan na natin sila sa pag-asikaso sa kanya. Kaya na nila 'yon." Hinawakan ni Rod ang kanang kamay ko habang inaakay ako patungo sa kanang bahagi ng L5. Maganda ang loob, maliwanag. Puro puti ang nakikita ko. May mga kwarto na gawa sa glass wall na malabo. Hindi ko kita kung ano ang mga nasa loob. Nagpatianod lang ako sa pag-akay sa akin ni Rod, kasunod pa rin namin sina Mike at Peter, at ang dalawang multo. Lumiko kami sa kaliwa, at nilakad ang mahabang malapad na pasilyo patungo sa pinakadulo. May isang pinto doon na nakasulat ang pangalan ng Papa ko. RICARDO VALDEZ - UPG Head Director. Ito pala ang office ni Papa. Ang alam ko lang na bukod sa businesses nina Papa at Mama ay connected siya sa government intelligence group.

Kumatok si Rod ng tatlong beses bago binuksan ang pinto. "Sir Rick..." tawag nito sa Papa ko na busy sa paper works sa mesa niya. Nag-angat ito ng paningin saka napatingin sa aming dalawa, saka tumingin sa mga kamay naming magkahawak.

"Ehem ... ano 'yan?" Ma-awtoridad na tinig ng Papa ko. Tinangka kong bumitaw kay Rod pero hindi niya binitawan ang kamay ko, lalo pa ngang humigpit.

"Pasensya na po, sir Rick. Nagmamahalan po kami ng anak n'yo. Huwag po kayong mag-alala, malinis po ang intensyon ko sa kanya, at hindi ko po siya mamadaliin." May tonong paniniyak ni Rod sa Papa ko. Wow, what a guy I have. Napaka-brave. I'm so lucky.

Tinitigan ni Papa si Rod, saka ako tinignan. Wala naman akong maisagot kundi alanganing ngiti habang sinasabi ko sa isip ko na, 'Sorry, Papa, na-in love ang unica hija mo agad eh.'

"Mukha namang 'di mo pinilit ang anak ko. Basta huwag muna kayo magiging mapusok, magtapos muna ng pag-aaral, Arlene." Matigas pero may pagmamahal na paalala ng Papa ko sa akin. Tumango na lang ako ng may kasamang ngiti. "Bueno, let's go back to business first. Peter already gave me a little details of what happened but I need to see it. You've recorded everything, Mike?"

"Yes, sir Rick." Umupo kami sa receiving area sa office ni Papa. Katabi ko si Rod sa 3-seater sofa, sa katapat na 3-seater sofa sina Peter at Mike, at sa single sofa sa kanan ko si Papa. Nakaupo naman sa lapag ang dalawang multo na prente dahil sa wakas ay nakalaya din sila. "Kamusta, Wilfred? Angelo?"

"Thankful kami sa kanila, pinalaya nila kami kaya tutulong kami sa misyon na 'to hanggang sa ma-resolve." Pahayag ni Wilfred.

Tumango at ngumiti si Papa bago nilingon si Mike. "Patingin ng nakuhanan ninyo." Inilabas ni Mike ang laptop na dala namin mula kanina sa site, may ilang pinindot saka ito iniharap kay Papa. Ipinanood kay Papa ang footage ng na-capture namin ni Rod. Split screen ang ginawa para sabay mag-play ang nakunan naming dalawa, mula sa pagkakakita namin sa dalawang multo na na-capture ng hidden camera dahil Infrared ito at may night vision, hanggang sa tagong silid at ang mga naganap sa loob nito. Napasuntok sa hita si Papa dahil sa galit.

"Walanghiya. Ito ang gawain ng kulto nila? Gagamitin ng pinuno ang estudyanteng walang malay bago patayin?" Napahilamos si Papa sa mukha niya. Kahit ako, nanginginig sa galit nang makita ko ang ginawa ng Dominus na 'yon sa estudyante. Hindi ko ma-imagine kung ano pa ang ginawa niya sa mga iba pang biktima niya, sa harap ng mga myembro niya. Nakakasuka! Ipinagpatuloy ni Papa ang panonood. Nireplay ang video. Binagalan para tingnan kung may mukhang mahahagip ang hidden camera.

"Rod, kailan nagsimula ang pagkawala ng estudyante sa CDTU, este do'n pa sa Señor Antonio Provincial High?"

Inilabas ni Rod ang iPad niya. "According to our reports, nagsimula ito mula pa nung itinayo ang eskwelahan, 30 years ago. Taon-taon ay may isang nawawalang estudyante. May ilang beses na dalawa hanggang tatlo ang nawala sa isang taon. Last year, dalawa ang nawawala."

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Paano nakakalusot sa batas ang mga baliw na 'yon? "What? Eh kaya pala ang daming multo do'n eh. Lahat 'yon, ni-rape? Eh teka, karamihan ng naroon ay may laslas sa leeg, pero ang ilan sa kanila ay may sunog sa katawan. Tulad ni Natalie."

"Nung time ni Natalie, tatlo silang nawawala." Pinakita sa akin ni Rod ang iPad niya. Naka-arrange sa folder per year ang mga nawawalang estudyante. I tapped on 2000. 3 missing students were reported and relatives are still hoping to find them. May pictures sila. Si Natalie at iyong isa ang nakita kong nakasunod kay Diego. "Nakita ko silang lahat. Si Natalie ay may sunog sa kalahati ng mukha, itong isa sa braso, at itong huli ay may laslas sa leeg."

"Si Natalie ang unang nawala, si Denise ang pangawala, at ang huli na may laslas sa leeg ay si Louise." Saad ni Rod habang itinuturo ang mga nasa larawan. Tiningnan ko rin ang iba pang taon. Sumunod na may dalawang nawawala ay nung year 2012-- ang ate ni Daisy ang pangalawang nawala na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikita sa Annex, at si Almira, ang anak ni Mrs. Syjuco ay naunang nawala ng ilang buwan bago nawala si Daisy.

"Look, Rod. May pattern sila. Iyong mga unang nawala ay may sunog sa katawan, habang ang mga huling nawala ay may laslas lang sa leeg. Tapos wala na ulit mawawalang student, magpapalipas ulit ng 1 year bago may mawala ulit."

Kinuha sa akin ni Rod ang iPad niya saka inaral isa-isa ang sinabi ko. "Oo nga ano? Pati ba 'tong dalawa na nawala last year?" Ipinakita ulit sa akin ni Rod ang screen ng iPad.

"Yup, itong unang nawala ay nakita ko na may sunog rin sa mukha, then itong pangalawa ay nakita ko one time na nakasunod kay Gio at may laslas sa leeg." Sigurado ako duon, madali akong kumilala ng mukha at boses ng tao.

"Ano ang meron sa mga may sunog at ano ang meron sa mga may laslas?" Wala sa loob na tanong ko sa hangin.

"Baka naman mas magaganda ang may laslas tapos ordinary looking lang ang mga sinunog? Kaya naghanap ulit ng bagong alay na mas maganda? 'Di kaya?" Naisip na idea ni Mike.

Umiling ako. "Pero mas maganda si Almira kaysa sa ate ni Daisy, at mas maganda si Natalie kaysa sa dalawang sunod na nawala sa kanya." Kung ako nag titingin sa kanila based sa picture, iyon ang tingin ko. Ang ganda ni Almira. Pang beauty queen ang dating. Si Natalie naman ay mukhang class and sophisticated kahit High School pa lang.

"Hmm ... eh 'di kapag sobrang ganda, sinusunog nila tapos hahanap ulit ng alay." Sagot naman ni Peter.

Umiling ulit ako. "Parang malabo din eh. Manyak 'yon, kaya mas maganda ay mas gusto niya." Inilabas ko ang phone ko saka nagsearch tungkol sa mga kulto at pag-aalay ng babae. Requirements para maging alay etc. Napakaraming naglabasang articles, pero wala akong mahanap na tugma sa hinahanap ko. Ano nga ba ang hinahanap ko?

Sumasakit na ang ulo ko dahil sa halo-halong pagod, puyat, nerbyos sa nangyari kanina, at desperation. Si Papa naman ay busy pa rin sa slow motion na panonood ng video. Nakitulong na rin ang dalawang multo sa panonood, nakatayo sila sa likod ni Papa.

Malapit na akong sumuko. Kaka-next ko ay halos nakarating na ako sa dulong page ng search. Bigla akong napa-unat ng makita ko ang isang artilce na may headline.

"Rod! Look!" Ipinakita ko sa kanya ang phone ko at ang screen. Pinabasa ko ang nahanap ko sa web. "It's the same skull and sword with snake na naroon sa headboard ng kama!"


To Be Continued....

NECROPOLIS (Published - Viva Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon