Sinundan ko ng tingin ang mga papalayong nakaitim na kapote na may maskara. "Saan sila patungo?" Bulong ko. Ewan kung narinig ni Rod, hindi siya sumagot eh. Tiningala ko siya, busy din sa pagsunod ng tingin sa mga papalayong weirdo.
Lumayo ako sa pinto at sinipat ang kabuuan ng stock room. May isang mesa at upuan para do'n siguro sa babaeng staff nila dito, pinsan daw 'yon ni sir Tony. Nasa paligid ang estante na kinalalagyan ng school supply stuff. Sa sulok ay may ilang set ng computer, at sa ilalim nito ay may malaking box na medyo nakabukas.
Kunot-noong nilapitan ko ang box saka sinilip ang laman. Kapote?
Hinalughog ko ang laman nito at nakakita pa ako ng ilang piraso ng itim na kapoteng may hood at maskarang kalahati lang ng mukha, pero buo sa noo.
"Rod. Babe."
Lumingon siya sa akin. Ang luwang ng ngiti sa pagtawag ko ng babe sa kanya. "Yes, baby?" Isinara ang pinto.
"Kung 'di pa kita tinawag na babe, 'di ka lilingon." Pabulong kong sermon sa kanya. Iwinagayway ko ang dalawang kapote at maskara na kinuha ko sa box.
Nagningning ang mga mata ni Rod. Kinuha ang isang kapote at maskara. Isinuot ang kapote. Inalis ang face mask saka isinuot ang maskarang bungo. Ipinatong na lang sa bonet. "Ang galing talaga ng baby ko." Akmang hahalikan ako.
Itinukod ko ang mga kamay ko sa dibdib niya. "Mamaya na ang landian, misyon muna. Kapag nakalabas tayo ng buhay dito, may premyo ka."
Lalong lumaki ang pagkakaluwang ng mga ngiti nito. "Sinabi mo 'yan ha, wala nang bawian." Iniangat ni Rod ang kapote. May sinilip na dalawang itim na bagay si Rod sa bulsa niya pero hindi ko napansin kung ano 'yon.
"Ano 'yan?"
"For emergency."
"Okay." Inalis ko na rin ang face mask ko saka isinuot ko na rin ang kapote at bungong maskara. Ibinulsa ko na lang ang face mask ko. Isinuot ko rin ang hood ng kapote, saka ko isinuot ang salamin na may hidden camera. May kakapitan naman dahil may butas sa tainga ang maskarang bungo.
Nagtanguan kami ni Rod bago lumabas ng stock room. At least alam ko na mamaya kung paano bumalik dito.
Tinungo namin ang gawi kung saan patungo ang mga naka-kapote kanina. Umabot kami sa kabilang pinakadulo ng Annex Building pero dead end na. "Nasaan na sila?" Bulong ko kay Rod.
"Oh, bakit nariyan pa kayo? Malapit nang magsimula, halika na." Tawag ng boses lalaki na nasa likuran namin.
Nanigas ako sa kinakatayuan ko. "Patay yata kami." Bulong ko sa sarili.
"Halika na. Kayo talagang mga bago hindi alam kung saan pupunta." Nagpatiuna na ang nagsalita, kasunod ang tatlong kasama nito sa likod na mga nakayuko. Hindi ko makita ang mga mukha nila. Yumuko na rin ako para gayahin sila.
Sinundan namin sila. Inilahad ng lalake ang palad sa gilid ng dingding na parang may maliit na box, may nagliwanag na parang scanner, saka bumukas ng pa-slide ang corner wall. Pumasok na sa loob ang lalake at ang mga kasunod nito kaya sinundan namin sila. Inihawak ulit niya ang kamay sa isa pang kamukha nung scanner sa loob na bahagi ng silid na pinasok namin, at nagsara na ulit ang sliding wall. Wow, hi-tech sila ha!
Nilinga ko ang paligid. Hindi lang yata tatlumpu ang nasa loob na nakaupo sa monoblock chairs. Dumagdag pa kami. Ibig sabihin, ganito karami ang kasangkot sa misteryo ng eskwelahan na 'to? Naupo ang tatlong kasama nung lalake sa likod, at sa harap naman ang lalakeng may access sa scanner. Napakaluwang ng silid na 'to. Kaya rin pala hindi ito kita sa umaga ay dahil kailangan pa ng kamay ng taong may access dito para lang makapasok sa loob ng lihim na silid na 'to.
BINABASA MO ANG
NECROPOLIS (Published - Viva Books)
Mystery / Thriller#1 in Mystery 08/05/2018 #1 in Thriller 12/12/2018 Published (Necropolis - Viva Books) ⭐UPG Trilogy Book 1⭐ Kinailangang mag-transfer si Arlene sa City of Doña Trinidad University, isang private school sa probinsya ng mama niya. Unang tapak...