Chapter 35

15K 555 9
                                    

"Paano ako makakampante sa school kung everywhere ay masusundan na nila ako?" Napakamot ako sa ulo ko, biglang nangati dahil sa kunsumisyon.

"As long as may suot kang protection, hindi ka nila magugulo." Pagpapakalma ni Rod sa akin.

"Pero... sabi ng isang multo sa akin noon, may nakakaakit na liwanag daw sa paligid ko. So kahit magpaggap akong hindi ko sila nakikita ay alam nilang nakikita ko sila?"

Tumango si Rod. "Yes. Nakakapaglakbay ang isang clairvoyant sa ibang planes dito sa mundo, kabilang na ang underworld. May dala kang kakaibang liwanag bilang clairvoyant, at dahil doon ay nakakatawag ka ng atensyon ng mga kaluluwang hindi matahimik. They are seeking for that light for a long time kaya they see you as their gate to heaven."

Kaya pala pilit akong kinakausap ni Natalie kahit hindi ko siya pinapansin. "Oo nga pala, bakit nga pala hindi pa ninyo i-raid ang school? May information na kayo, may videos na tayong na-tape, may lead na kung saan nakabaon ang mga buto ng mga biktima, may testigo pa, sina Gio. Para matapos na lahat 'to."

"As much as we want to, we can't. Ang video na ni-record natin was done illegally. Nag-tresspassing tayo, they can use that against us. Kaya nilang baliktarin ang sitwasyon. Saka remember the girl that we saved? She's studying in San Andres High na nasa kabilang province, kung saan doon din nagmula ang mga alay nila for the past four years. Hindi sa CDTU nanggaling ang mga alay nila mula ng magpalit ng management, so we need to find out the connection between these 2 schools, and we need to catch them all at the same time para walang makatakas." Mahinanong paliwanag ni Rod. Malinaw ang paliwanag niya, pero hindi tama na patagalin pa ang paghihirap ng mga biktima hanggang sa kabilang buhay nila. I think that's too much.

"Hindi ba tayo pwedeng gumawa ng ibang way para makapag-serve ng search warrant sa school? Kahit planted lang. I mean, I know that you want to catch everyone involved in this shitty crimes but try to put yourselves in the shoes of those spirits. They were raped and killed, burried in there and their spirits are still trapped in the campus. You would really want to rest in peace, won't you?" Hinawakan ko ang kamay niya, "we can catch the big fish later on, but let's try to be considerate of those victims and their families."

Napaisip si Rod sa sinabi ko. May punto ako. "Sige, I'll talk to your dad about this, don't worry." Tumunog ang phone ni Rod. "Hello?" Nakinig siya saglit sa kabilang linya. "W-what?!" Ibinaba nito ang phone at napatingin sa akin ng nag-aalala. "Don't go to school."

"W-why?" Kabadong tanong ko.

Napabuga ng hangin si Rod. "Some of those spirits are hurting students, even tried to possess some."

"Ha? But why? They were harmless when they were stuck in Annex Building!"

"Ang mga multong napakawalan natin ay mga nagwawala ngayon, most likely because nakalaya sila after a long time, and something must've fired up their grudge. Maaari rin na 'yong gamit nilang protection sa paligid ng school ang pumipigil sa kanila noon para sumanib sa tao." Napahampas sa manibela si Rod.

"Let's get inside and check what's really happening. May mga protection naman kayo, hindi ba?" Paniniguro ko sa kanila.

Pinakita sa akin ni Rod ang Tiger Eye pendant niya, ang Red Jasper ni Mike at ang Black Tourmaline na suot ni Peter. "Great, let's go." Aya ko sa kanila.

Pumasok kami sa school, nauna ako at nakasunod silang tatlo. Sa bungad pa lang ng campus sa tapat ng main building, there I saw a ghost of a student trying to enter a girl's body na pababa ng kotse, I think she's a Junior High student, ang kaso hindi siya makapasok sa katawan ng babae. Nagtaas ng kamay ang estudyante para itali ang buhok nito. Nalislis ang long sleeves niya and there I saw her bracelet with diamonds and blue sapphire. "Oh, that's why."

Nakita ako ng ghost kaya umiwas ako ng tingin. Lalapit sana siya sa akin para saniban pero hindi niya nagawa dahil sa kwintas na bigay sa akin ni Rod. Walang nagawa ang multong student kundi maghanap ng ibang biktima. Napaisip ako saka ko nilingon si Rod. "Baby, kapag ba nakasanib sila sa katawan ng student, makakalabas na sila ng school?" Bulong ko sa kanya.

"I think yes, but that would be a very bad idea. Kakainin sila ng kasamaan kapag na-enjoy nila ang pagsanib sa tao and they will not leave the human's body anymore."

"Maybe that's the reason why they were trying to possess students. Baka may nakagawa na at nakalabas na dito." Lumingon ako pabalik sa entrance. Nakatayo roon si Emma habang nakatingin sa akin ng masama. "Emma?" Napalingon din si Rod sa tinitingnan ko.

Lalapitan ko sana siya pero pinigilan ako ni Rod. "No. She's being possessed."

"Pero Rod ..." nagpupumilit akong kumawala sa pagkakahawak ni Rod pero mahigpit ang kapit ng kamay niya sa braso ko.

"Mike, Peter, help her. Go." Utos ni Rod sa dalawang kasama.

Lumakad palabas sina Mike at Peter pero biglang tumakbo si Emma palayo. Humabol naman sina Mike at Peter dito.

"Oh no! Huwag sanang mapahamak si Emma." Napalingon ako kay Rod. "Bakit no'ng nasa Annex sila, hindi sila sumasanib sa mga students?"

"Most likely they also made that Red Tourmaline as solid protection against possession ng spirits, kaya walang makaka-possess ng human body noon. Itong protection nila sa buong campus ay hindi para i-contain ang evil deeds ng spirits kundi para lang walang makatawid ditong multo. Kaya these ghosts can possess students now and they can go out of the campus anytime they want." Napakamot si Rod sa ulo. "Hindi pala natin dapat pinakialaman ang Red Tourmaline. If we only knew that."

"Sigurado ako sasakit din ang ulo ng mga Trinidad." Nilingon ko ang campus. It is now a haunted school. Nasaan na ang mga ghosts? Do we need to perform exorcism? Napabuga ako ng hangin. Ang dami no'n.

NECROPOLIS (Published - Viva Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon