1 month Later...
"Naks, ang ganda naman ng anak ko. Dalagang-dalaga na talaga." Papuri ni Mama sa akin.
"Eh, nakakahiya naman sa parents ni Rod kung haharap akong mukhang pupunta sa mall." Panay sipat ko ng sarili ko sa full-length mirror sa kwarto ko. Isang puting bestida na hanggang tuhod ang haba at off shoulder ito.
"Boto talaga ako sa kanya. Mabait, magalang, mapagmahal. Higit sa lahat, natatagalan niya ang tantrums mo." Natatawang sabi ni Mama kaya nginusuan ko siya.
"Wala pa ba siya?" Kunot-noong tanong ko. 6:30 raw niya ako susunduin, 6:20 na pero until now wala pa rin siya.
"Relax lang, he'll arrive soon."
"'Ma, kailangan ba talaga nating lumipat sa San Joaquin? Bakit pa natin susundan si Kuya? Palipat-lipat tayo ng bahay mula pagkabata ko."
"Sus, huwag ka na ngang kumontra. Kasama naman si Rod sa paglipat eh. Hindi kayo maghihiwalay." Natatawang sabi ni Mama.
"Totoo? Pwera biro, 'Ma? Malilipat si Rod do'n?" Walang nababanggit si Rod sa akin. Surprise ba 'yon?
"Iyon ang sabi ng Papa mo. Makakasama raw ng Kuya mo at ni Rod sa mission nila ang apat na police officers mula sa San Jose. Kailangan na nating lumipat dahil mukhang magtatagal ang kuya mo ro'n. Ayoko siyang pabayaan do'n ng mag-isa. Baka pati pagkain ay makalimutan na niya."
"Paano si Emma at si Emman, 'Ma? Ipinagkatiwala sila ng Mama nila sa atin." Naupo ako sa tabi ni Mama.
"Sasama sila sa atin do'n. Naglagay rin ng satellite office ang UPG sa San Joaquin. They can also continue their training there para hindi na sila luluwas ng Manila." Hinagod ni Mama ang buhok ko. "Dalaga ka na. Oras na makatapos ka ng pag-aaral mo, maaring isa o dalawang taon ay ayain ka na ni Rod na magpakasal."
"'Ma, hindi pa 'yon. Masyado pang busy 'yon sa pagiging police officer. Saka magtratrabaho pa ako. Gusto kong mag-take ng exam sa pulisya pagka-graduate ko. Gusto ko ring mag-imbestiga ng mga kaso." Matapat kong pahayag kay Mama. Mas gusto kong gamitin sa may kabuluhang bagay ang kakayahan ko.
"Kung iyan talaga ang nais mo ay hindi kita tututulan. Nariyan naman ang Papa mo, ang Kuya mo at si Rod para alalayan ka." Tumayo si Mama nang marinig ang busina sa labas ng bahay. "Halika na, mukhang nariyan na ang sundo mo."
Bumaba kami ni Mama para salubungin si Rod. Pinapasok na pala ito ni Emma sa sala. "Sis, inaantay ka na ng prince charming mo." Kinikilig pang sabi nito. Nakatayo lang sa tabi nito ang kakambal na si Emman, nakamasid.
"Hi, Babe." Tumayo si Rod bilang paggalang kay Mama. "Kamusta po, Tita?"
"Sus, napaka-pormal mong bata ka. Sige na, umalis na kayo. Ihatid mo ang dalaga ko ng kumpleto ha, kung paano mo siya kinuha dito ay gano'n mo rin dapat siya iuuwi." Tila biro ni Mama pero bakas sa mukha na may bahid ng katotohanan ang instruction nito kay Rod.
"Huwag po kayong mag-alala. Ihahatid ko po si Arlene ng maayos at kumpleto." Natatawang nahihiyang sagot ni Rod.
"Sige na, lumakad na kayo." Pagtataboy sa amin ni Mama. Inilahad ni Rod ang palad nito at tinanggap ko naman.
"Ingat kayo, Arlene." Habilin ni Emman.
Tiningnan ko ito para magpasalamat. "Thank you, Emman." Matamis ang ngiti ko rito, pero bakit tila malungkot siya? Mamasa-masa ang mata nito. "May problema ka ba?"
Umiling si Emman saka iniwasiwas ang kamay. "H-Ha? W-Wala. Inaantok lang ako. Umalis na kayo."
"Sige, mauna na kami." Paalam ni Rod sa kanila. Inakay na niya ako pababa ng bahay, pinagbuksan ng pinto ng kotse sa passenger seat bago ito sumakay sa driver's seat.
BINABASA MO ANG
NECROPOLIS (Published - Viva Books)
Mystery / Thriller#1 in Mystery 08/05/2018 #1 in Thriller 12/12/2018 Published (Necropolis - Viva Books) ⭐UPG Trilogy Book 1⭐ Kinailangang mag-transfer si Arlene sa City of Doña Trinidad University, isang private school sa probinsya ng mama niya. Unang tapak...