Chapter 16

16.6K 637 48
                                    

Wala pa rin akong kibo sa kotse habang nasa byahe pabalik ng school. Ninanamnam ko pa rin ang simpleng halik ni Rod. Aba'y syempre kinikilig ako pero ayokong ipakita. Kailan lang kami nagkakilala eh.

"Galit ka pa rin ba? Sorry na. Hindi ko lang talaga napigilan ang nararamdaman ko sa'yo. I like you. Sa simula pa lang kitang nakita, gusto na talaga kita." Pagsusumamo ni Rod habang nagmamaneho.

"Like? Hindi love? Tapos kiss agad? Ni hindi ka pa nga nanliligaw eh." Inirapan ko nga.

"Love? Medyo maaga pa para doon, pero I have a strong feelings for you. Give me a chance. Sige, manliligaw ako. Payag ka ba, officially dating na tayo? Please. Para makilala mo rin ako."

"Okay, fine. Manligaw ka. Bawal ang kiss, bawal ang touch. Hindi pa kita sinasagot." Nag-cross arms ako.

"Sus. Ikaw nga ang unang yumakap sa akin kanina eh." Natatawa pang pang-aasar sa akin.

Namula naman ang pisngi ko. Kita ko sa side mirror eh. "Aba eh syempre natakot ako sa multo, 'no! Walang meaning 'yon." Pero in fairness ang sarap yumakap kanina sa kanya. Feel na feel ko ang chest muscles niya.

"Oo na, nagbibiro lang. Ayan ha, exclusively dating na tayo. Bawal kang makipag-date sa iba."

Tiningnan ko si Rod ng nakataas ang isang kilay ko. "Ay, bakit may gano'n? Hindi tayo pero parang tayo, at bawal akong makipag-date o makipagligawan sa iba? Uso ba sa atin ang gano'n?"

"Oo uso na 'yon. Nasaang panahon ka ba? Basta bawal kang makipag-date sa iba."

"Wow ha. Bahala ka. Tutulugan kita." Umayos ako ng upo saka pumikit. Naramdaman ko na lang na may humahawi sa buhok ko at ginigising ako.

"Narito na tayo. Gising ka na." Mahinang bulong ni Rod. Lumingon ako sa gawi niya at halos magtama ang mga ilong namin dahil sa sobrang lapit niya. Bigla akong napatuwid ng upo dahil sa sobrang kaba.

"S-salamat. Sige, bababa na ko. Iyong Amethyst para kay Emma ha, huwag mong kalimutan bukas." Binuksan ko na ang pinto.

"Sus, gusto mo lang akong makita ulit eh."

"Heh!" Bulyaw ko dito saka ko isinara ang pinto. Nakita ko siyang tatawa-tawa bago pinaandar ang kotse. "Pilyo talaga."

Bumalik na ako sa loob ng school. Nagpunta ako sa garden, iyong part na malapit sa Old Building. Nakita ko si Gio, nakaupo na naman sa bench habang nakatingin sa Old Building. Naroon ulit si Monique sa bintana. I wonder kung nakakakita rin ng multo ito.

Walang ibang student sa paligid, kami lang dalawa ang narito. Naglakad ako palapit sa kanya saka naupo sa tabi niya, may ilang dangkal ang distansya sa pagitan namin. Tumingin siya sa akin at nagulat. Hindi siguro niya akalain na tatabi sa kanya ang hindi naman niya kakilala.

"Tinitingnan mo ang Old Building lagi. Naaalala mo si Monique?" Hindi siya sumagot. Tumingin lang siya ulit sa Building. "Kamukha ko daw siya. Marami nang nagsasabi. Pati ikaw, napagkamalan mo akong siya."

"Sorry nga pala about that. Akala ko talaga ikaw siya. Ang tanga ko. Patay na nga pala siya." Napatawa siya ng maiksi. Pinagtawanan ang sarili, napailing ito.

"Ayos lang. Alam mo bang si Sir Tony eh muntik nang ilang beses mahimatay sa tuwing nakikita ako?"

"Talaga? Iwasan mo 'yon. Manyak 'yon. Patay na patay kay Monique 'yon."

Napamulagat ako sa sinabi niya. "Si Sir Tony, may gusto din kay Monique?"

"Oo. Ilang beses ko siyang nakitang hinaharass si Monique. Sobra kung makadikit. Minsan nagsumbong siya sa akin na hinipuan daw siya ni Sir Tony sa dibdib at pilit ninanakawan ng halik."

Wala akong masabi dahil sa pagka-shock ko. Wala sa itsura ni Sir Tony na mangmamanyak para lang mapansin ng babae. Gwapo naman siya. "Seryoso ba 'yan?"

"Oo. Mag-iingat ka doon."

"Salamat sa warning. Oo nga pala. M-may nakapagsabi na nag-aaway daw kayo ni Monique bago siya namatay. Iniisip tuloy nila na ikaw ang pumatay sa kanya. Di naman ako naniniwala. S-sorry if nag-iinvade ako ng privacy mo. Wala lang kasi sa itsura mo ang makikipag-away sa kanya, worst is ang patayin siya. Mukhang mahal na mahal mo siya."

Napayuko ito, bago may ilang patak ng luha ang tumulo sa mga mata niya. OMG. Did I just hit the red button? Ano'ng meron? "She was pregnant when she died. 2 weeks old. Iyon ang pinagtatalunan naming that time. She wants to keep the baby, I want it removed pero nagkasundo rin kaming magsasabi kami sa parents namin at pananagutan ko siya. Kaso kinabukasan patay na siya. Wala na ang baby namin. Wala na ang mag-ina ko." Napasubsob si Gio sa mga palad nito.

OMG. This is getting deeper and deeper. Monique was pregnant when she died, and Gio is mourning like this not just because of Monique pero dahil sa baby nila na hindi man lang nagkaroon ng pagkakataong mabuhay.

Tumayo si Gio. "Wala sanang makakaalam ng sinabi ko sa'yo. Pero salamat, gumaan ang pakiramdam ko." Saka ito bagsak ang balikat na lumakad palayo.

Napatingin ako kay Monique na nasa bintana. Umiiyak ba siya? Pumunta ulit ako sa Building at dumiretso sa attic. "Monique..."

"Mukhang nasabi na ni Gio sa'yo. Oo, buntis ako noon. Kaya doble ang galit ko sa pumatay sa akin. Dugo pa lang siya pero kahit na. Baby ko pa rin 'yon."

"Pagbabayarin ko siya. Hahanapin ko siya para sa'yo at sa baby mo, Monique." Lumapit ako kay Monique. Gusto ko siyang i-comfort pero hindi ko naman siya mahawakan. "Ssh ... tumahan ka na. Mahahanap din natin ang may gawa nito sa'yo." Dinukot ko ang phone ko. Ipapanood ko ang video message sa kanya ng mommy niya.

"Panoorin mo, Monique." Iniharap ko sa kanya ang phone ko.

"Anak. Alam mo bang miss na miss ka na ni mommy? Sana narito ka, para nayayakap kita. Namimiss ko na ang paglalambing mo, ang pangungulit mo, ang tantrums mo." Huminto saglit at nagpahid ng luha ang mommy ni Monique. "Tatandaan mo lang lagi, mahal na mahal kita. Patuloy kong hahanapin ang hustisya para sa'yo. Kahit saan ka man naroroon anak, alam mong narito lang si mommy. Ipagdarasal kita palagi. I love you my, baby girl."

Rumaragasa ang mga luha sa magkabilang mata ni Monique. Umiiyak na tumatawa. Napatakip ng dalawang palad sa mukha. Hinayaan ko lang siya. Alam kong halo-halo ang emosyong nararamdaman niya. Nagpahid ng luha si Monique saka tumingin sa akin. "Salamat. Maraming maraming salamat, Arlene. Napakalaking bagay sa akin nito. Napakasaya ko. Nakita at narinig ko ang boses ng mommy ko. Salamat." Umiiyak pa rin siya pero tumatawa.

Nginitian ko siya habang naluluha. "Wala 'yon. Nagulat nga siya nung nakita niya ako. Akala niya ako ay ikaw. Nakiusap din na dalawin ko siya minsan."

"Okay lang ba yon, Arlene? Pwede mo siyang dalawin? Para naman hindi na siya malungkot dahil wala na ako."

"Oo naman. Sige, papasyalan ko siya paminsan-minsan."

"Salamat. Napakabuti mo. Sayang, hindi tayo nagkakilala ng personal no'ng buhay pa ako."

"Ayos lang. Magkakilala naman tayo ngayon, oh." Natatawa kong sabi. Gusto kong gumaang ang pakiramdam niya. "O siya, babalik na ako, baka may makakita pa sa akin paglabas ko dito." Kumaway muna ako bago umalis.

uYV c

To Be Continued...

☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆

NECROPOLIS (Published - Viva Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon