Chapter 37

14.4K 601 14
                                    

Lumabas ng dorm building sina Rod, Mike at Peter, wala si Diego. "Wala siya, hindi namin siya makita. Inikot na namin ang lahat ng floor at units pero wala siya."

Napahawak ako sa noo. "Si Gio, narinig niya na si Diego ang pumatay kay Monique. Humabol siya sa loob. Hindi n'yo ba siya nakita?"

Umiling sina Rod. "Nope."

Napalingon kami sa sumisigaw na boses babae sa ground floor ng Dorm. "Bitiwan mo ang anak ko! Maawa ka, pakiusap!"

Nakita namin si Gio, hila si Diego habang hawak 'to sa kuwelyo ng polo shirt nito, puro sugat ang mukha. Nakasunod si Manang Huling sa dalawa at umiiyak. "Napaka-hayop mo! Paano mong nagawang pumatay ng tao?" Ibinalya nito sa simento si Diego. Bagsak ang lalake, nagkasugat sa siko na ipinantukod nito.

"H-hindi ko naman sadya eh. G-Gusto ko lang naman siyang masolo. H-hindi ko naman akalain na mamamatay siya sa itinurok ko. S-sabi ni Jeremy safe daw 'yon." Pagmamakaawa ni Diego habang sapo ang mukha na maga na sa kakasuntok siguro ni Gio kanina.

"Siraulo ka ba? Alam mo bang hindi pampatulog ang binigay niya sa'yo kundi amphetamine?" Sinipa ni Gio sa mukha si Diego. Bagsak ulit ito. "Hindi lang si Monique ang pinatay mo kundi ang magiging anak namin!"

"Tama na!" Umiiyak na awat ni Manang Huling. "Huwag mong saktan ang anak ko."

Ano daw? Anak niya si Diego? Paanong ... kanino?

"Maawa? Nakapatay ang anak n'yo ng tao, hindi lang isa kundi dalawa. Pati ang walang malay na anghel, pinatay niya!" Sinipa uli si Diego, sa tiyan nito tumama. Bagsak ulit si Diego. Lumuhod sa tabi nito si Manang Huling at niyakap ang anak.

Inawat na nina Mike at Peter si Gio, samantalang pinosasan ni Rod si Diego. "Tama na, Gio. Mas makabubuting ipaubaya na natin sa batas ang pagparusa sa kanya. Huwag kang tumulad sa taong 'to. Hindi mo dapat bahiran ng maruming dugo ang mga kamay mo."

Mukhang huminahon naman si Gio. "Sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulungan."

Hinarap ni Rod si Diego. Binigkas ang Miranda Rights habang inaalalayang tumayo ito. "You have the right to remain silent and refuse to answer questions. Anything you say may be used against you in a court of law. You have the right to consult an attorney before speaking to the police and to have an attorney present during questioning now or in the future. If you cannot afford an attorney, one will be appointed for you before any questioning if you wish. If you decide to answer questions now without an attorney present, you will still have the right to stop answering at any time until you talk to an attorney. Knowing and understanding your rights as I have explained them to you, are you willing to answer my questions without an attorney present?"

Hindi sumagot si Diego. Naghahalo ang dugo at mga luha nito sa mukha. "Sandali lang, Arlene. Itu-turn over ko lang siya sa task force." Tumango ako bilang pag-sang-ayon.

"Ang anak ko ..." napasalampak sa simento ang nanghihinang si Manang Huling, napasubsob sa mga palad nito saka pumalahaw ng iyak.

Naaawa ako sa kanya, pero kailangang pagbayaran ng anak niya ang kasalanang ginawa nito kay Monique at sa ipinagbubuntis niya.

Bumagsak at nawalan ng malay si Manang Huling sa kaiiyak. Tinakbo ko ang kawawang ina na tumatangis sa kinahinatnan ng anak na naligaw ng landas. "Peter! Mike! Emergency! Patawag ng tulong!"

Ilang sandali pa ay dumating ang medical staff na may dalang stretcher at kinuha si Manang Huling. Napaka-stressful ng araw na 'to para sa lahat.

Napaluhod si Gio, umiiyak. Nahanap na ang killer, ang kailangan na lang ay mahatulan ito ng habambuhay na pagkakulong para masabing nakamit na ang hustisya. Tiningnan ko ang Old Building, naroon si Monique at tila umiiyak din. Kahit paano ay nabigyan na siya ng katarungan, pero hindi pa rin siya nakakaalis sa kinalalagyan niya. "Gio, naroon pa rin ang kaluluwa ni Monique. Kailangan natin siyang palayain. Tulungan mo kaming hanapin ang Red Tourmaline o kung anuman ang nilagay ni Diego para makulong ang kaluluwa niya."

Tumayo ito at nagpunas ng luha. "Nakakakita ka rin ng multo?"

Tumango ako. Wala nang reason para itanggi pa. "Halika na, kailangan niya ng tulong natin. She needs rest."

Tinungo naming ni Gio ang Old Building at hinalughog ang bawat sulok nito, kasama namin sina Mike at Peter. Inisa-isa namin ang bawat palapag pero wala kaming makita. Inikot ko na ang lugar ng music room sa second floor kung saan nagpi-piano si Monique pero wala pa rin. Susuko na sana ako nang sumigaw si Mike sa attic. "Arlene! Nakita ko ang isa!"

Patakbo kaming umakyat sa attic. Itinuturo ni Mike ang likod ng shelf na ilang beses kong pinagtaguan noon. Tinungo namin ang likod, at kita namin ang green na makinang na bato na malaki ng kaunti sa manggang kalabaw.

"Anong klase ng bato 'yan?"

"It's a Maori Stone, I think." Dumukot ng panyo si Mike saka pinulot ang bato na nakasiksik sa pagitan ng dalawang libro. Kapiraso lang ang nakalawit dito at kakulay ng dalawang librong nag-iipit dito kaya hindi ko ito napansin noon. "Malamang na may orasyon din 'to. Hindi ako gaanong familiar sa kayang gawin ng stone na 'to. We need to break it. Baka may asido pa sila. Sandali." Bumaba sina Mike at Peter para asikasuhin ang pagsira sa bato.

Hinarap namin ni Gio ang kaluluwa ni Monique. "Monique ... makakalaya ka na."

Nagpahid ng luha si Monique. "Maraming salamat, Arlene. Hinding-hindi kita makakalimutan." Tumingin ito kay Gio, na nakatingin din sa kanya habang umiiyak. "Hindi niya ako naririnig. Pakisabi sa kanya na mahal na mahal ko siya."

"Mahal na mahal ka raw niya, Gio."

Nagpunas ng luha si Gio gamit ang braso nito. "Mahal na mahal din kita, Monique. Mamimiss kita ng sobra." Umalog ang mga balikat ni Gio dahil sa pag-iyak, hindi takot magpakita ng emosyon sa harap ko at ni Monique.

"Arlene, may isa pa akong pakiusap." Unti-unti nang lumalabo ang kaluluwa ni Monique, "bantayan mo si Gio ha, make sure she'll find a nice girl na magmamahal din sa kanya. Sana nga katulad mo eh. Sayang, may Inspector ka na."

Napatawa naman ako sa sinabi niya. Pumatak ang luha ko. "Mamimiss kita, Monique."

Kumaway ito sa amin hanggang sa tuluyan itong naglaho. Malamang ay nasira na nina Mike ang bato. Hinarap ko si Gio. It's time to deal with that cult. "Tulungan mo kaming mapabagsak ang kulto."

"Tutulong kami nina Diana. May ilan kaming ebidensya na magdidiin sa mga Trinidad at kay Pacifico Ignacio."

"Pacifico Ignacio? Yung pilantropo?"

Tumango si Gio. "Oo, siya si Dominus."

To Be Continued...

NECROPOLIS (Published - Viva Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon