Special Chapter Unfold

16.7K 549 51
                                    

After 1 year...

Pumasok ako sa silid ni Kuya Drei. "Kuya, saan ka pupunta?" Tinitingnan ang pag-eempake ng kuya ko. Bumalik kasi si Kuya sa Criminology kaya nakumpleto niya ito sa loob ng isang taon. 'Yon kasi talaga ang hilig niya at course niya mula noon pa bago nag-shift ng course sa Doña Trinidad. Buti na lang tinanggap kami sa school na nilipatan namin kahit mid of school year na at halos na-credit naman ang lahat ng subjects sa dating school niya.

"Sa San Joaquin. Binigyan ako ng assignment ni Papa, kailangan daw ng additional manpower do'n para mag-imbestiga sa isang ospital." Nakangiting tingin sa akin si Kuya.

"Ano'ng pangalan ng iimbestigahan mong ospital?" Curious kong tanong. Nangalumbaba pa ako sa kama niya habang nakadapa. "Bibisitahin kita minsan do'n."

Huminto saglit si Kuya sa pag-eempake saka tumingin sa akin. "Polymed San Joaquin Capitol Hospital." Saka itinuloy ang pag-eempake ng damit sa maleta niya. "Kailangan nila ng tulong ng may ability para maresolba ang pagkawala ng babies do'n at hindi maipaliwanag na number of deaths ng patients."

"Woah! Of all people, ikaw pa talaga ang mas ine-embrace ang Paranormal stuff?" Bumalikwas ako ng bangon saka sinalat ang noo ni Kuya Drei. Tinabig naman ni Kuya ang kamay ko.

"Ano ba? Nagugulo ang buhok ko." Hinawi-hawi nito ang bangs niya. Nahihilig sa K-pop, may bangs pang nalalaman.

Naghalukipkip ako saka naningkit ang mga mata kong nakatingin sa kanya. "Dahil kay Milet, ano?"

"Hindi...." tanggi ni Kuya pero kita ko sa mga mata niyang nagsisinungaling siya.

"Dahil kay Milet! Woooh! Napapasunod ka niya! Wow! Bilib ako sa kanya, swear! Si Mama nga hirap na hirap pasunurin ka, eh!"

"Heh! 'Di ako sumusunod sa kanya. Gusto ko ring pumasok do'n kung saan siya in-assign ni Papa. Magiging secretary siya ng Senior Inspector sa UCIPG branch do'n."

"Aha! Kaya ka pumasok do'n para magkasama kayo at ayaw mong malayo sa kanya? Umamin ka na kasi!" Kiniliti ko pa sa tagiliran si Kuya.

"Stop it, kiddo!" Saway ni Kuya pero 'di ko siya tinigilan. "Ano ba? Ayaw mong tumigil, ha?" Kiniliti ako ng kiniliti ni Kuya hanggang sa pareho kaming mapagod. Napahiga si Kuya at tumitig sa kisame, gano'n din ang ginawa ko. "Mamimiss ko ang kakulitan mo, Little Sis."

"Mamimiss din kita, Big Bro."

"Pwede ka namang pumunta do'n at magbakasyon. Isama mo si Rod." Lumingon sa akin si Kuya. "Hoy ha, aral muna."

"Opo, Tatay." Napangisi ako saka ko siya kiniliti ulit sa tagiliran kung saan napakalakas ng kiliti niya.

Hinawakan ni Kuya ang mga kamay ko. "Pagbutihin mo pa ang pag-aaral mo ng ability mo, para mas marami ka pang matulungan."

"Ikaw Kuya, ang taas talaga ng IQ mo. Paano mo na-master ang ability mo?"

"Hindi ko rin alam. Pero may sinabi si Papa, eh. May isang may psychometric ability daw sa PCU sa San Jose. Our ability can be a tandem."

"Gusto kong ma-meet iyang may cool na power na 'yan. Sobrang useful ang Psychometry." Napahawak ako sa baba ko.

"Totoo. Marami na raw naresolve na kaso 'yon even though kasisimula pa lang niya sa trabaho." Bumangon na si Kuya at nagpatuloy sa pageempake. "Sana magawa ko rin ang mga nagagawa niya."

Bumangon na rin ako. "Gaano kalayo ang Doña Trinidad patungong San Joaquin?"

"Hmm... mga 4 hours drive?" Saglit na tumingin si Kuya sa akin. Tumunog ang phone niya, dinukot sa bulsa saka tiningnan ang nag-send ng message.

"Malapit lang pala. Papasyal kami minsan ni Rod do'n."

"Naghihintay na si Milet. Dadaanan ko na siya sa kanila sa kabilang bayan." Isinara na ni Kuya ang maleta niya, saka ako niyakap at hinalikan sa noo.

Naluha ako. Sobrang mamimiss ko ang kulitan namin ni Kuya. Ganito pala talaga kapag adult na. May sarili nang mundo at kailangan na ring magtrabaho para sa future. Magbubuo ng sariling pamilya. Kinawayan ko si Kuya. "Goodluck sa mission mo, Kuya."

🌟🌟🌟🌟🌟🌟

A/N:

Sequel (Book 3) is coming up soon after completing Paranormal Crime Unit (UPG Trilogy Book 2), with Drei as our lead character.😉

NECROPOLIS (Published - Viva Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon