Alas-singko na nang dumating kami ni Kuya sa bahay. Nagpalit muna ako ng damit pambahay bago ko ginulo si Kuya sa kwarto niya. Kinatok ko muna ang pinto niya bago ko binuksan. Pumasok ako saka ni-lock ang pinto.
"Kuya. Alam mo bang kamukha ko iyong multo sa Old Building? Student 'yon na nakitang patay doon." Pinuntahan ko si Kuya sa kwarto niya para may pagsabihan ng mga iniisip ko. Nakakapraning solohin.
"Talaga? May picture ka niya? Patingin." Nakadapa si Kuya habang nagsa-sound trip. Inalis ni Kuya ang nakasalpak na headset sa tainga niya.
Ipinakita ko sa phone ko ang profile ni Monique sa FB
Napanganga si Kuya."Kamukha mo nga. Akala ko FB mo. Monique de Jesus. Naririnig ko sa mga kaklase kong lalake 'yan. Niligawan daw nila noon kaso busted."
"Pinuntahan ko siya sa Old Building, Kuya, at nakausap ko. Hindi daw siya nagpakamatay. May pumatay daw sa kanya."
"Ano? Kailan ka pa nagkaroon ng lakas ng loob na makipagusap sa multo? Baka mamaya saktan ka no'n!"
"Hindi naman Kuya, mabait naman siya kaya ko siya kinausap. Kuya please, huwag mong sasabihin sa iba ang sinabi ko sa'yo. Baka mapahamak tayo." Pakiusap ko kay Kuya.
"Oo naman, ano ka ba? Saka sino ang maniniwala na may taong may third eye?"
"Kuya, may ilang students sa school ang may third eye, at hinala ni Monique na kaya siya pinatay ay dahil sa may third eye siya."
Napabangon bigla si kuya Drei. Tumingin ng may pag-aalala sa akin. "Ano'ng sinabi mo? At bakit naman siya papatayin ng dahil sa may third eye siya?"
Ikinuwento ko kay Kuya ang sitwasyon sa school, ang mga nalaman ni Monique hanggang sa pagkakapatay sa kanya. "'Yon ang nangyari, Kuya."
"Si Mama talaga! Ililipat na lang tayo ng school, do'n pa sa maraming multo at may mga patayang nangyayari!" Napasuntok sa kama si kuya Drey. "Kakausapin ko si Mama."
Inawat ko si Kuya. "Kuya, hindi pwedeng malaman ni Mama 'yon. Manganganib tayo. You know how adults act. Tatawag agad siya ng pulis para ireport ang nalaman natin, at pagkatapos, ano? Baka may kasabwat na pulis iyong criminal tapos papatayin din tayo? Ayoko! Those crimes were hidden for years, Kuya. Saka si Papa, alam mong connected siya sa government intelligence group. Imagine how he will react once malaman niya 'to?"
"Ano'ng gagawin mo? Ano'ng gagawin natin? Alangan namang manahimik lang tayo? Tapos papasok tayo araw-araw ng may mga multo sa palagid? Parang di ko na yata kakayaning tumuntong ng Annex Building." Namumutla na si Kuya sa isipin pa lang na may mga multo sa Annex Building.
"Kausap ko ang kasalukuyang Inspector. Binalaan na kaming dalawa ni Monique na mag-ingat at huwag ipahalatang may third eye kami."
"Tutulong ako sa pagimbestiga. Alam mo namang 'yan ang pangarap ko noon pa. Kaya siguro walang criminology course sa school eh, para walang marunong mag-imbestiga."
"Sige Kuya, salamat. Teka sandal ..." Dinukot ko sa bulsa ng shorts ko ang papel kung saan nakasulat ang number ng Mama ni Monique. Tinawagan ko ang number niya. "Hello, Mrs. de Jesus, good morning po. Ako po si Arlene, schoolmate po ni Monique. Pwede po ba kaming makipagkita sa inyo ni Inspector Rodrigo bukas?" Kumuha ako ng ballpen at palpel sa study table ni Kuya saka isinulat ang address ng bahay nila. Sige po, salamat po."
Tinapos ko na ang paguusap namin ni Mrs De Jesus saka ko naman tinext si Inspector Rodrigo. "Rod, pwede mo ba akong samahan sa bahay nina Monique bukas? 9am."
Nagreply naman agad si Inspector.
Rod: "Sige pwede. Saan kita susunduin?"
BINABASA MO ANG
NECROPOLIS (Published - Viva Books)
Mystery / Thriller#1 in Mystery 08/05/2018 #1 in Thriller 12/12/2018 Published (Necropolis - Viva Books) ⭐UPG Trilogy Book 1⭐ Kinailangang mag-transfer si Arlene sa City of Doña Trinidad University, isang private school sa probinsya ng mama niya. Unang tapak...