"Rod..." pinukaw ko ulit ang atensyon niya. Busy siya sa kaka-scroll sa iPad niya.
"Yes?"
Bumulong ako sa kanya. "Nagtataka lang ako ... kasi kung iyong dalawang inspector ay pinatay dito, I mean iyong isa do'n sa Old Building at isa sa storage house ... bakit hindi ko nakikita ang kaluluwa nila? Wala rin sa Annex Building."Napaisip si Rod. Kumunot ang noo. "Oo nga, ano? Posible kayang sa ibang lugar ginawa yon at nilagay lang ang katawan nila dito?"
May umupong mag-boyfriend na students sa bench malapit sa pwesto namin. Napabuga ako ng hangin. Inilabas ko ang phone ko saka ko tinype ang gusto kong sabihin. "Bakit ang kumplikado naman? Nangongolekta sila ng kaluluwa dito para hindi makapagsumbong sa mga may ability tapos papatay sila ng mga inspector sa ibang lugar saka ilalagay dito ang mga katawan nila? Malabo eh."
In-open ni Rod ang iNote app. Nagtype, "hmm ... e 'di posibleng narito pa ang kaluluwa nila. Sana pala natanong natin si Monique kung doon ba pinatay yung inspector."
Nilingon ko ang Old Building. "Naka-kadena at padlock pa rin 'yon."
Nagtype ulit si Rod sa iNote app niya, "malalaman din natin 'yan. Sa ngayon, let's proceed with our plans for tonight."
"Oo nga pala. 3PM na. I need to meet sir Tony." Tumayo na ako.
Tumayo rin si Rod. "Meet? For what?"
"Sabi niya may potential daw ako to become the top student here."
"Naniwala ka naman doon?"
"Hindi."
"Then why are you meeting him?"
Bumulong ako. "To investigate. See you by 5 sa labas ng gate." Humalik ako sa pisngi niya bago tumalikod.
I was walking towards Annex Building para pumunta sa Faculty nang makasalubong ko si Andoy. "Andrei? Uy! Ngayon lang tayo nagkita dito ah."
"Ma'am, este Arlene, kakabayad lang po ni Tatay sa Dorm ko. Salamat po pala sa pagsabi kay ma'am na i-advance ang sahod ni Tatay."
"Wala yon. Sige ha."
"Saan ka pupunta?"
"Kay Sir Tony, kakausapin daw ako dahil may potential daw akong maging top student. Need ko lang daw ng guidance."
Dumilim ang anyo ni Andoy. "Sasamahan kita."
"Huwag na. Okay lang ako. Di naman siguro nangangagat si Sir Tony." Biro ko dito.
"Hindi, Arlene, sasamahan kita." Madiin nitong sabi.
Nagtataka man ako eh umoo na lang ako. Sinamahan niya ako sa Faculty. Kumatok ako sa pinto saka ko pinihit ang doorknob. Sumilip ako bgo pumasok ng tuluyan. Spacious ang loob. Ilang working table na may kanya-kanyang cubicle ang mga professor. Naroon sa dulo si sir Tony, mag-isa lang siya ngayon sa loob.
"Good afternoon sir Tony." Lumakad ako palapit sa working station niya.
"Good afternoon, Arlene. Halika, maupo ka...." itinuro ang upuan sa harap ng table niya. Napalingon siya sa kasunod ko. Kumunot ang noo niya, saka tumingin siya sa akin ulit. "Why are you with Mr. Andrei Sulivan?"
Tiningnan ko si Andrei, seryoso ang mukha nang sumagot. "Nag-volunteer akong sumama."
Parang uncomfortable si sir Tony, hindi agad nakasagot eh. Ilang segundo ang lumipas bago nagsalita ulit. "Bueno, maikli lang naman ang sasabihin ko. You can have a tutorial session with me after your class 2-3 times a week. Iyon lang."
BINABASA MO ANG
NECROPOLIS (Published - Viva Books)
Mystery / Thriller#1 in Mystery 08/05/2018 #1 in Thriller 12/12/2018 Published (Necropolis - Viva Books) ⭐UPG Trilogy Book 1⭐ Kinailangang mag-transfer si Arlene sa City of Doña Trinidad University, isang private school sa probinsya ng mama niya. Unang tapak...