Hinatid ako ni Rod sa school kinabukasan tulad ng pangako nito. Nag-aalalangan man ay pumasok na rin ako sa campus. Naglalakad na ako patungong Annex Building nang may tumawag sa akin.
"Arlene." Nilingon ko 'to. Si Sir Tony.
"S-Sir Tony. B-Bakit po?" Sigurado ako, hindi kay Sir Tony ang narinig kong boses kahapon, pero posibleng may alam din ang prof naming 'to sa mga nangyayari sa school nila. Sa kanila 'to dati eh.
"I'd like to talk to you about your grades right after your class later. You have a potential para maging top student ng school, but you need guidance. Meet me after our class, okay?" Tinapik ako ni sir Tony sa braso bago 'to umalis. Di man lang hinintay na umoo ako.
Kinakabahan ako sa gusto niyang meeting after class. Marami akong nababasang nega sa mga meeting after class with their Prof.
Nagtungo muna ako sa canteen para bumili ng maiinom. Bitbit ko na ang tray ko patungong bakanteng mesa when suddenly one of the students na nagbi-breakfast ay biglang hinimatay, at ang salarin ay ang missing student sa article na naaagnas ang kalahati ng mukha at bayolente. Si Natalie. Teka, bakit ko siya nakikita at malapit pa sa akin? Sinalat ko ang leeg ko. "Shit! Naiwan ko ang kwintas na bigay ni Rod sa room ko sa bahay! Hinubad ko nga pala nuong naligo ako!"
Tumingin sa akin ang bayolenteng multo. Lumutang ito papalapit sa akin. Napahigpit ang kapit ko sa tray na bitbit ko. "Utang na loob huwag kang lalapit sa akin. Huwag kang magkakamaling saktan ako!" Bulong ni Arlene sa sarili.
Nakalapit sa akin ang bayolenteng multo, inilapit ang mukha sa tainga ko. Bumulong ito. "Hindi ako masama. Nanggugulo lang ako dahil pinaikot niya ako. Niloko niya ako. Tulungan mo kami dito." Saka lumayo ito sa akin at unti-unting nawala.
Nanlalambot na nailapag ko ang tray sa bakanteng mesa sa harap ko at napaupo. Akala ko katapusan ko na. Alam niyang nakikita ko siya. Alam niyang naririnig ko siya. Binubuhat na ngayon palabas ng canteen ang estudyanteng walang malay. Hindi ako nagpahalata sa paligid ko dahil alam kong may CCTV Camera na nakatutok sa amin. Baka may makapansin sa kanila na may third eye ako. Pinilit kong umarte ng normal na parang wala lang at nagsimulang kumain, pero abot-abot ang kaba sa dibdib ko. Baka biglang magpakita ngayon ang nakakatakot na nilalang.
Control Room
--Author's Point Of View--"Look at her. Nilapitan siya ni Natalie pero mukhang hindi niya pansin." Turo sa monitor ng lalakeng nakamasid sa control room. Ang Infrared CCTV cameras ang gamit nila sa buong building.
"Safe tayo sa kanya. I thought she can see them, hindi pala. Look for other students around." Utos ng lalakeng naka-hood. "Ano kaya ang sinasabi ni Natalie sa kanya? Nakita kong parang bumuka ang bibig niya."
"It doesn't matter. Mukhang walang ability ang isang 'yan." Inilipat-lipat ng lalake ang view sa monitor. There they saw a woman sitting in the vacant room, naghihintay ng next class. May multong napagkakatuwaan siya, hinahawakan ang batok niya, ang babae naman ay panay pagpag ng batok. "She can feel them. Dangerous. We need to expel her, or eliminate her completely."
Nagsulat ang lalakeng naka-hood. Kilala niya ang babae. Bagong transfer lang 'to sa school.
Nag-checheck pa sila ng ibang area ng school nang biglang nawala ang lahat sa mga monitor nila. Parang nasirang channel sa TV.
"Ano'ng nangyari?" Pinindot-pindot ng Control person ang keyboard pero walang response ang centralized computer.
"Can you check with our IT experts? Give them a call." Lumabas na ang naka-hood para magreport sa office.
Dean's Office
--Author's Point Of View--Pumasok si Segundo sa Dean's Office. "Sira daw ang security system, alarm, CCTV, kahit internet connection ay wala tayo. Something or someone possibly accessed our internal system."
"Imposible 'yon. We have the most secured database. Baka may kung sino sa admin users ang nakapag-install ng virus unknowingly? Have it fixed! 'Di pwedeng wala tayong control over what's happening sa students and confined spirits." Giit ni Dean Herminia.
"Kailangan ba talagang ipunin ang mga kaluluwa nila dito? Why not let them go?" Saad ni Segundo.
"Segundo, muntik na tayong mapahamak noong may isang nakadiskubre ng pag-aalay sa pinuno ng dahil sa kaluluwang madaldal. Buti napatahimik namin ang matandang napagsabihan ng kaluluwang yon. Kapag nakalaya sila at may isang may ability ang napagsabihan ng mga nangyayari dito sa school, mawawala ang lahat sa atin." Sagot ni Herminia.
Sumandal si Segundo sa pintuan ng Dean's office. "Wala namang maniniwala sa mga may ability na 'yan kahit magsumbong pa sila."
"May underground paranormal group na ang kapulisan. Hindi sila legal pero they investigate unsolved crimes using people with abilities. Suportado sila ng mga unknown sponsors." Pagpapaliwanag ni Herminia sa pamangkin.
"Bahala na kayo. Hindi ako komportable na narito ang mga multong 'yan. Nananakit si Natalie ng estudyante. Hindi rin maganda sa image ng school na laging may hinihimatay ditong estudyante." Binuksan na ni Segundo ang pinto saka lumabas.
Napasandig si Herminia. Kailangan pang maghanda para sa susunod na takdang pag-aalay next month. Sisimulan na nila mamayang gabi ang pagaayos ng ceremonial bed sa hidden room para sa maagang panimulang pag-aalay at ang planong pagkuha sa alay.
--End of Author's Point Of View--
Dumating si Rod sa garden, umupo ito sa tabi ko. Sinipat muna ang paligid para matiyak na walang nakikinig sa kanila.
"May isang nag-click ng link. Sira na ang CCTV. It will take them 24 hours to fix it." Bulong ni Rod sa akin.
"Sige. Tuloy tayo mamayang gabi. May makakasama na ba tayo?"
"Meron. Magkita tayo mamayang hapon sa labas ng campus. Sa gabi tayo papasok."
"Ha? Paano tayo papasok sa campus kung magpapagabi tayo mamaya sa labas?"
Inilabas ni Rod ang iPad. Ipinakita ang blueprint ng school. "Karugtong ng talahiban sa storage ang gubat sa likod. Walang bakod doon. Walang nakakadaan dahil puro kakahuyan at talahib, pero mamaya doon tayo dadaan."
"O-okay, sige. May tiwala ako sa'yo."
Nag-uusap pa kami ng plano nang mapansin kong may isang grupo ng mga lalakeng naka-barong ang sinusundan ang isang lalakeng naka-tuxedo. May edad na ang lalake pero matikas pa rin. Bodyguards siguro ang mga nasa likod niya. Sinalubong ito ni Dean Mariana, nagkamay pagkatapos ay itinuro ang Dorm. Nagtungo silang lahat doon.
Kinalabit ko si Rod. "Sino 'yon? Parang VIP?"
Pinagmasdan ni Rod ang bisita. "Teka. Kilala ko siya!" Pinindot-pindot ni Rod ang iPad niya. "Heto siya, si Don Pacifico Ignacio, ang pilantropo na namimigay ng tulong sa mga gustong magsimula ng negosyo. Siya ang nagdonate ng lupang 'to sa mga Trinidad noon. Sponsor pa rin ng school until now. Napakayaman niyan. Madami siyang ini-sponsorang school." Ipinakita ni Rod sa akin ang ilan sa school na ini-sponsoran nito hanggang ngayon.
Napanganga ako. "Ah talaga. Sobrang bait pala niya." Pero sa loob-loob ko ay may kaduda-duda sa bagong dating na bisita. Tinitigan ko ang bisitang naglakad papasok sa Dorm Building. Not a good feeling.
Napabuntong hininga ako. Lahat na lang pinagdududahan ko. Nagkibit-balikat na lang ako, ayokong magtamang-hinala.
To Be Continued...
BINABASA MO ANG
NECROPOLIS (Published - Viva Books)
Mystery / Thriller#1 in Mystery 08/05/2018 #1 in Thriller 12/12/2018 Published (Necropolis - Viva Books) ⭐UPG Trilogy Book 1⭐ Kinailangang mag-transfer si Arlene sa City of Doña Trinidad University, isang private school sa probinsya ng mama niya. Unang tapak...