Kisha's Point of View
"Uy girl, paano ba yan ikaw ang unang ikakasal sa ating apat". Sabi sa'kin ni Eureka.
"Kaya nga. Kailan ba kasi kami magkakalove life ni Kristle?". Madramang sabi naman ni Esha kaya natawa na lang kami sa kanya. Si Eureka kasi ay may boyfriend na.
"Hoy Esha, huwag mo nga akong madamay-damay dyan at wala akong oras sa love life thingy na yan". Apila ni Kristle.
"Ay ewan ko sayo Kristle. Ang mabuti pa ay magsayaw na lang tayo baka sakaling mahanap ko pa ang forever ko sa dance floor". Hyper na sabi ni Esha.
"Sus maryosep maghahanap ka na nga lang ng forever, sa Bar pa". Masungit na sabi ni Kristle.
"Che! Sayaw na kasi tayo". Sabi ni Esha.
"Ikaw nalang mag-isa tutal ikaw naman ang may gusto". Sagot sa kanya ni Kristle. Lagi na lang talaga silang nagbabangayan.
"Sige na kasi please". Pagpupumilit ni Esha at nagpuppy eyes pa kaya no choice na kaming tatlo kung hindi ay samahan siya dahil hindi naman siya tigigil hangga't hindi nakukuha ang gusto nito. Magpagka spoiled brat e.
Naghanap na kami ng magandang spot kaya agad na namang sumayaw si Esha kaya naman natawa na namang kaming tatlo dahil sa kahyper-an ni Esha. Sumayaw na lang din kami para naman may kadamay siya. Marunong naman din akong sumayaw kaya hindi ako nahihiya.
"Girls, may nakita akong gwapo na sumasayaw lapitan ko lang ah, bye-bye!". Sabi ni Esha sabay layas kahit wala pa naman kaming nasasagot sa kanya. Tsk! Mahina pa naman katawan nun sa alak.
Nagpatuloy nalang kaming tatlo na sumayaw at ayaw naman naming makisayaw sa iba. Mga ilang sandali lamang ay may lumapit saming mga lalaki. Shoot! This is really bad.
"Hi ladies, baka naman pwede kaming maki-join sa pagsasayaw niyo?". Tanong samin ng lalaking mukha ng may tama.
"Nah, ibang babae na lang ang ayain niyo". Kalma pero seryosong sabi ni Eureka.
Sasagot na sana yung lalaki pero inunahan na agad siya ni Eureka na magsalita.
"Let's go. We should go back to our table". Ani Eureka sabay hila saming dalawa. Akala ko ay makakahinga na ako ng maluwag pero hindi dahil may humawak sa kamay ko kaya napahinto kaming tatlo sa paglalakad.
"Bakit ba ayaw niyo? Magsasayawan lang naman tayo dito a". Maangas na sabi nung lalaki.
"You choose. Tatadyakan kita o bibitawan mo ang kamay ng kaibigan ko?". Napipikon ng tanong ni Eureka. Saming apat kasi ay siya talaga ang palaban at siya ang pumoprotekta samin kaya swerte ako na kaibigan ko siya.
"Ay pre, palaban pala 'tong mga 'to eh". Sabi ng kasama niya.
"Kaya nga, ganyan pa naman ang mga type ko sa babae". Dagdag pa ng isa.
Hinihila ko ang kamay sa pagkakakapit niya pero sadyang napakalakas niya at lalong humihigpit ang hawak niya sa'kin kaya hindi ko maiwasang masaktan.
"Mga kuya please sa iba na lang kayo. Marami pa namang babae dito hindi lang kami. At kuya please pakibitawan na yung kamay ko ang sakit na kasi". Pakiusap ko sa kanila pero tila'y wala siyang pakialam at gusto niyang gawin ang gusto niya.
Hindi na nakapagpigil pa si Eureka at aamba na sana siyang tadyakan yung lalaki pero naunahan na siya ng isang babae kaya napahinto na lang si Eureka. Tinulak ng babae yung lalaki palayo samin.
"Back off jerk. Iba na lang yung guluhin niyo". Sabi nung babae sa lalaki.
Hindi ko naman inaasahang hahatakin ako bigla nung lalaking may tama na. Tsk! Ang sakit na ng kamay ko, walang hiya talaga 'tong lalaking 'to. Tinignan ko yung babae at hindi na maipinta yung mukha niya. Maya-maya ay sinuntok na niya yung lalaki at nakisali na rin yung isa niya pang kasamang babae kaya nagkagulo na dito sa dance floor. Nakakuha pa tuloy kami ng atensyon. Nakatunganga na lang kaming tatlo sa kanila at hindi ko naman inaasahang babae pa talaga ang tutulong sa amin.
BINABASA MO ANG
You're Mine
RomanceGagawin ko ang lahat maging akin ka lang. Hindi ako papayag na mapunta ka lang basta-basta sa iba. Mahal na mahal kita. Sana matutunan mo din akong mahalin. Date Started: Year 2017 Date Ended: Year 2021