Y.M CHAPTER 17

12.4K 183 15
                                    

Kisha's Point of View

I felt that someone is kissing in my eyes kaya naman naimulat ko ang aking mga mata and sleepily looked at the lady who's now staring intently at me on her beautiful face which made me also smile.

Sa loob ng nakalipas na mga araw ay wala namang pinagbago. Ganun pa din siya kasweet at kaalaga sa akin. Maging ang pagtibok ng puso ko sa tuwing nakakasama ko siya ay ganun pa rin, tulad pa rin nung dati. Walang pinagbago.

Ganun naman talaga siguro kapag nagmamahal diba? Ang sabi nga nila, love moves in mysterious way. At sabi nga nila, expect the unexpected.

Ngunit hindi pa rin maalis sa akin maguilty dahil dito sa ginagawa ko at maging sa nararamdaman ko towards Ravel at sa tuwing may nangyayari sa aming dalawa. Yes, I love Leigh at hindi ko naman pinagsisisihan ang mga nangyayari sa'min. But I'm betraying Timothy ngunit hindi ko pa din mapigilan ang sarili ko na mas mahalin pa si Leigh. Natatakot ako na masaktan ko si Timothy kapag sa oras na malaman niya ito, at isa pa fiance ko siya. Naguguluhan na ako.

Saka ko na nga lang iisipin ang mangyayari sa hinaharap kapag natapos na ang dalawang buwan. Basta i-enjoy ko na lang muna ang pag stay dito. Bahala na lang kapag natapos na ang dalawang buwan, hindi ko pa talaga alam ang pwede kong gawin.

Niyakap ko nalang si Leigh at binalewala lahat na mga iniisip ko habang siya ay nakapalupot ang mga braso niya sa bewang ko.

Nilapit ko ang mukha ko sa leeg niya at saka inamoy amoy siya. Ang bango-bango talaga ng babaeng 'to. Hindi nakakasawang amuyin.

Bahagya kong inilapat ang aking labi sa kanyang leeg at saka inamoy pa ito. I heard her chuckled dahil sa ginagawa kong pagsinghot sa kanya.

"Honey stop it. Medyo nakikiliti ako". She said at mapang-asar na nililibot ang kamay niya sa katawan ko.

"Leigh!". At nanlalaking mga matang sinasaway ko siya at patuloy pa rin siya sa paglikot ng kamay patungo sa dibdib ko. Damn! Dapat pala at hindi ko na siya nilambing.

"What? You should blame yourself Kisha. You seduce me kaya ayan tuloy". Mapang-asar niyang sambit.

"Leigh naman eh! Nilalambing lang naman kita at tigil-tigilan mo muna ako, ambigat ng pakiramdam ko". Pagrereklamo ko sa kanya. Natawa naman siya sa sagot ko kaya hinalikan niya ako sa labi kong nakanguso.

"Haha sige hindi na. I won't make love to you..... For now". Nakangisi niyang sabi at tumayo. Hindi ko naman maiwasang kiligin sa sinabi niyang make love.

"Where are you going?". I asked.

"Kitchen. I'll cook for our breakfast". She answered.

Nang akmang lalabas na siya ng kwarto ay tinawag ko siya. Tumayo ako sa kama at dahan-dahang naglakad palapit sa kanya.

"Leigh. Ako na lang magluluto. Ikaw na lang kasi palaging nagluluto, naglalaba at naglilinis ng bahay sa ating dalawa eh". I told her nang makalapit na ako sa kanya.

"Honey. Ako nalang. Hayaan mo nang ako ang gumawa ng lahat ng bagay dito. Hayaan mo na lang ako na pagsilbihan ka sa lahat ng paraan na kaya ko at magpahinga ka na lang diyan. Mabigat pakiramdam mo di ba?". Sabi niya ng nag-aalalang mukha. Kahit kailan talaga o. Kaya mas lalo ko siyang minamahal.

"Sige na nga. Gising mo na lang ulit ako kapag kakain na a. Inaantok pa talaga ako". Inaantok ko pang sambit sa kaniya.

"Oh sige honey. Sabi mo eh. Te amo". Sabi niya at naramdaman kong hinalikan niya ako sa noo kaya napapikit na lang ako saka ngumiti.

"Yo tambien te amo, mi amore". Sagot ko ng ikinagulat niya. Natawa naman ako dahil sa itsura niya.

"Paano mo nalaman yon?". Gulat niya pa ring tanong. Napansin ko pa na namula ang mukha niya. Haha, nahiya ang Leigh ko.

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon