Y.M CHAPTER 3

25.3K 243 8
                                    

Kisha's Point of View

"Aw sweetheart, kahit ano talaga ang maging ayos at suot mo ay talagang bagay na bagay sa'yo". Sabi sa'kin ni mom.

"Si mom talaga nambobola pa. Sa'yo lang naman po ako nagmana eh". Sagot ko sa kanya.

Si mom na kanina lang na ngumingiti-ngiti sa'kin ay bigla na lamang naluluha ang mata.

"Oh mom, what's wrong?". Nag-aalala kong tanong kay mom.

"Kasi naman sweetheart, ikakasal kana ngayon. Iiwan mo na kami ng daddy mo. Kami na lang maiiwan sa bahay natin". Maluha-luhang sabi ni mom at tinawanan ko lang siya.

"Mom naman. Kahit mapaiba man ako ng bahay ay pupunta pa rin naman kami ni Timothy sa bahay natin kaya 'wag kana po malungkot". Sabi ko at niyakap ko na lang si mom ng mahigpit at sinuklian din naman niya ako ng yakap.

"Honey, sweetheart, okay lang ba kayo? Bakit parang nagkakaiyakan na kayo dyan?". Tanong sa'min ni dad na nakatayo sa pinto.

"Hindi kaya ako umiiyak dad, tignan mo si mom siya ang umiiyak oh". Sabi ko kaya naman nagkatawanan kami ni dad.

"Inaasar niyo naman ata ako eh". Pagmamaktol ni mom.

"Honey, 'wag ka nang umiyak. Baka matanggal make up mo niyan, sige ka papangit kana niyan". Pagbibiro ni dad.

"Kahit kailan talaga panira ka ng moment". Nakasimangot na sabi ni mom sabay inayos ang kanyang sarili.

"Anak, 'wag mo nang masyadong paghintayin ang magiging husband mo kaya tara na". Sabi ni dad at sumunod kami ni mom sa kanya. Naeexcite na talaga ako.

Paglabas ng bahay ay lumapit na kami sa mga sasakyan namin. Sila mom and dad kasi ay sasakay sa sarili nilang kotse at nauna na sila sa'kin samantalang ako ay sa isang puting kotse sumakay na may napakagandang bulaklak na nakalagay sa harap nito.

Binuksan na ng dalawang may mask ang pinto ng kotse at inalalayan nila akong makapasok sa loob at makaupo ng maayos kaya naman nagpasalamat ako sa kanila at tanging tango lamang ang nakuha kong sagot mula sa kanila.

Medyo nagtataka ako kung bakit sila nakamask pero isinawalang bahala ko na lang ito basta excited na akong makita si Timothy.

Nang makaupo na ako ng maayos ay sinarado na ng isa ang pinto saka sila pumunta sa driver seat at passenger seat at sinimulan ng paandaran ito ng driver.

Tahimik lang kaming tatlo sa loob ng kotse kaya naman tumingin na lang muna ako sa may bintana para tignan ang paligid. Medyo kinakabahan ako pero nangingibabaw sa'kin ang saya at excitement.

Hindi ko din maiwasang mapangiti ng mag-isa dahil naaalala kong muli ang mga masasayang memories namin ni Timothy hanggang sa humantong kaming dalawa na ikakasal na kami ngayon.

Bigla na lang napawi ang kaninang nakingiti kong labi dahil nagtataka na ako sa mga dinaraanan namin. Alam na alam ko ang daan papuntang simabahan kaya nakakapagtaka na hindi na ito pamilyar sa'kin.

"Mga kuya, hindi na po ata ito ang daan papuntang simbahan". Kinakabahan kong sabi sa kanilang dalawa pero wala akong nakuhang sagot mula sa kanila at nakatingin lamang sila sa daanan.

"Mga kuya please, dalhin niyo ako sa simbahan. Alam niyo namang kasal ko ngayon kaya nakikiusap na ako sa inyo. Kung pero ang gusto niyo ay may maibibigay naman ako sa inyo". Naluluha kong pakiusap sa kanila pero wala pa rin akong nakuhang sagot sa kanila.

Hindi ko alam kung ano bang nagawa ko sa kanila kaya nag-isip na lang ako ng paraan kung paano ako makakaalis dito. Kahit ikamatay ko pa ay hindi ako magpapakuha sa kanila.

Isa lang ang naiisip ko. Kahit may pagka-delikado ang naiisip ko ay wala na akong pakialam. Lord, please, gabayan mo ako.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at inagaw ko sa kanya ang manibela sa driver kaya naman nagkagulo na kaming tatlo dito sa loob.

Bigla na lamang pinagilid ng driver ang kotse para ihinto ito. Nang maihinto niya ito ay dali-dali kong binuksan ang pinto para sana makalabas na rito pero nahawakan ang braso ko nang nasa passenger seat kaya tinulak ko siya sa lakas na mayroon ako kaya naman natamaan ang likod niya sa kung saan.

"Aray!". Sabi ng tinulak ko kaya napahinto ako sandali. Tama ba ako ng pagkakarinig? Babae ba talaga ang boses na narinig ko?!

Isinawalang bahala ko na lamang ang narinig ko at lalabas na ulit sana ako pero yung driver naman ang humawak sa braso ko. Ang sakit na ng braso ko ah!

"Hindi ka makakalabas dito. Sumama ka na lang samin". Sabi sa'kin ng driver.

"Bitawan mo ako! Hinding-hindi ako sasama sa inyo!". Sigaw ko sa kanya.

Nagpupumiglas ako sa kanya pero sadyang napakalakas niya kaya naman yung nasa passenger seat ay nakakuha na ng pagkakataon para takpan ang ilong at bibig ko.

Nakakapiglas pa ako nung una pero unti-unti na akong nakakaramdam ng antok. Kahit pilit kong idilat ang mga mata ko ay kusa ng bumabagsak ang mga mata kaya tuluyan ng dumilim ang paningin ko.

Ravel's Point of View

Nang maramdaman naming hindi na nagpupumiglas si Kisha ay saka lang kami nakahinga ng maluwag ni Vivienne.

Inihiga ng maayos ni Vivienne si Kisha sa upuan pagkatapos ay pinagpatuloy ko muli ang pagda-drive.

"Hey Ravel, ang sakit ng likod ko sa ginawang pagtulak sa'kin nitong Kisha mo". Sabi sa'kin ni Vivienne.

Yes! Ito ang plano namin ni Vivienne. Ito ang sinabi niya sa'kin na paraan, ang kidnap-in si Kisha. Nakokonsensya man ako pero ayoko rin namang mapunta siya sa iba. Hindi pa rin ako papayag.

Yung dalawang ugok naman ay nasa isang destinasyon at pupunta kami ngayon ni Vivienne sa dalawa dahil may isa silang kasama na maaaring makatulong sa'min.

"Pasensya na sa ginawa niya Vivienne pero sa tagal kong pagsusunod-sunod sa kanya ay ngayon ko lang din nakita ang side niyang iyon". Sabi ko sa kanya at nagtawanan na lang kami parehas dahil hindi talaga naming inaasahan ang side niyang iyon.

Pagkatapos ng sandaling usapan ay nanahimik na lang kami at pinagpatuloy ko na lang ang pagda-drive.

Timothy's Point of View.

"Tita, wala pa po ba si Kisha?". Tanong ko sa mom ni Kisha.

"Wala pa daw eh. Jusko! Halos magkasabay lang naman kami kanina". Nag-aalala niyang sagot sa'kin.

Kanina pa akong nagtatanong kila tita at tito dahil mag-iisang oras na ang lumilipas pero wala pa ring Kisha ang dumarating. Kahit ang mom and dad niya ay talagang nag-aalala na. Lahat kami dito ay nag-aalala na kay Kisha.

Naluluha na lang ako dito sa simbahan. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa mahal ko. Kapag may nangyaring masama kay Kisha ay hinding-hindi ko palalampasin kapag nalaman ko kung sino gumulo sa kasal namin ni Kisha.

-----------------------------------------------------------------

Short UD. 'Yan lang po kinaya ng kokote ko at sana po ayos lang 'to sa inyo. La akes maisip na iba. ≥﹏≤

But by the way, happy mothers day nga po pala sa mga mudrakels niyo. ('∀`)♡

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon