Y.M CHAPTER 32

3.1K 81 7
                                    

Ravel Leigh's Point of View

Tonight is our engagement party with my lovely Kisha, sa kaniya at sa kaniya lang naman ako ikakasal hindi ba? Dito sa bahay namin ginanap ang party dahil sa kagustuhan ng aking parents at wala naman iyon problema sa amin.

Dahil sa nagaganap ngayon ay hindi naman pupwedeng mawala ang family and friends namin. Puro pagbati ng congratulations ang natatanggap naming dalawa, puro thank you o salamat ang naisasagot namin.

Tuwang-tuwa pa nga si mama ng malaman niya na nagpropose na ako kay Kisha, kasi alam niyo naman akala niya ay tatanda na lang ako ng mag-isa, e yun nga din ang akala ko pero buti na lang at napasagot ko ang mahal ko kaya na sa akin na siya ngayon. Alam kong pangit yung way ng pagkuha ko sa kaniya pero hindi na iyon importante ngayon dahil masaya na siya sa piling ko.

"Ravel, congrats at sa wakas ay ikakasal ka na." Masayang bati sa amin ni Andy, na kaibigan ko.

"Salamat, Andy." Pagpapasalamat ko at nagyakapan kami pati na rin sina Rain at Vienne ay ganun na rin ang ginawa.

"Girls, I know nakita niyo na sila once but let me introduce you to them." Biglang sambit ni Kisha.

Tinignan ko ang anim sa harap namin ngunit parang mga hindi nagpapansinan at may away sa pagitan nila? Hindi ko alam kung totoo yun pero yun talaga ang una kong napansin sa kanila e. Parang hindi naman yon napapansin ni Kisha kaya baka guni-guni ko nga lang iyon.

"Sila nga pala sina Eureka, Kristle, and Esha. Mga kaibigan ko." Pagpapakilala niya sa mga kaibigan niya.

Nakipag-kamayan naman ang mga kaibigan ko sa mga kaibigan ni Kisha.

"I'm Vivienne." Pagpapakilala niya kay Eureka at kita naman sa mukha ni Eureka ang pagkailang dito kaya nakakapagtaka lang.

"Andy, here." Casual niyang pagpapakilala kay Esha at ngumiti naman ito sa kaniya.

"Rain." Maikling sambit kay Kristle.

Nagkatitigan naman kami ni Kisha. Mukhang iisa lang ang nasa isip namin. Hay nako, mahirap maghula sa kanila. Bahala na sila sa isa't isa, ayaw na naming maki-usyoso sa kanila.

"Ate!" Sigaw ng isang babae at naramdaman ko ang bigat nito sa likod ko, nakasakay na kasi ito sa likod ko.

"Andrea, masyado kang mabigat para sumakay pa sa likod ko kaya bumaba kana sa'kin." Nahihirapan kong sambit pero ang totoo ay magaan lang talaga siya, inaasar ko lang.

"You're so mean, ate. Namiss lang kita kasi you know pinapunta mo lang naman ako US para lang asikasuhin ang company natin don. Gosh! I'm so haggard na doon." Maarteng reklamo niya sa'kin at natawa naman ako.

"I'm sorry sweety, alam mo naman naging busy ang ate mo. At thank you dahil tinulungan mo ko don." Sabi ko sa kapatid kong si Andrea, alam naman na niya ang tinutukoy ko dahil pinagtakpan niya rin naman ako kila mama at papa.

"Welcome to the family ate Kisha. Finally at sinagot mo na itong ate ko at papakasalan pa siya. She is so lucky to have you. Nako kung kinasal ka ng tuluyan sa iba. Nako, tatanda na lang ng mag-isa ito." Pangangausap niya kay ate Kisha niya at narinig ko naman ang tawa ni Kisha. Nako nakakahiya naman.

"Kung ano-ano sinasabi mo diyan Drea. Nako nako." Pananaway ko sa kaniya at tinawanan lang ako nito dahil nakaganti din sa akin ng pangangasar.

"By the way, where is baby Chyler? I wanna see her. Baka nabo-bored na yun ngayon dahil mamaya pa natin siya ilalabas para i-surprise sina mama." Pag-iba niya ng usapan.

"Oo nga pala. Laruin mo pala muna siya sa kwarto ko. Nandun siya at nandoon din naman si manang para may kasama siya don." Sagot ko sa kaniya. 

Nagpaalam naman na ito sa amin at kiniss pa ang pisngi ko bago tuluyang pumunta sa kinaroroonan ni Chyler.

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon