Y.M CHAPTER 1

18.7K 239 28
                                    

Ravel's POV

"Hey Ravel, bakit ba tayo nagtatago dito sa tabi ng kotse? Bakit hindi pa tayo pumasok sa loob ng bar dahil dyan naman talaga tayo pupunta". Tanong sa'kin ni Andy.

"Kaya nga. Nasa harap nalang natin yung Bar kaya tara na sa loob o". Dagdag naman ni Rain.

"Shh, wag niyo nga masyadong lakasan ang boses niyo. Hindi niyo ba nakikitang nandito lang si Kisha, hays". Reklamo ko sa kanila sabay napakamot sa aking batok.

"Kaya naman pala. Alam mong hindi ako mahilig sa lugar na 'to pero sinama mo pa rin ako. Isasama mo siguro ako sa pagbabantay sa Kisha loves mo ano?". Tanong sa'kin ni Vivienne na may halo pang pangangasar.

"Heheh pasensya na Vivienne pero dahil sinamahan niyo naman akong tatlo ay ililibre ko na lang kayo. Kahit ano pa 'yan". Sabi ko sa kanila at naghiyawan naman yung dalawa.

"Yuhoo! Libre naman pala eh, tamang-tama at nagtitipid ako ngayon". Masayang banggit ni Andy.

"Ang sabihin mo ay sadyang kuripot ka lang talaga". Mapang-asar na sabi ni Rain kay Andy.

Habang nag-aasaran ang dalawa ay tinignan ko na lang ulit kung saan nakatayo si Kisha, ngunit sa kasamaang palad ay wala na siya sa kinatatayuan nito pati na rin ng mga kaibigan niya. Pumasok na siguro sila sa loob.

"Ayan tuloy hindi ko namalayang pumasok na sila Kisha sa loob ang gulo niyo kasing dalawa eh. Huwag ko na kaya kayo isama sa susunod". Reklamo ko sa kanila.

"Aba naman Ravel sumama lang kami sa'yo dahil nagpapasama ka sa Bar at dahil Bar ang usapan ay sumama na agad kami". Panunumbat ni Andy.

"Mukha ka talagang Bar ano?". Sagot ko.

"Syempre mangchichix na naman yan sa loob eh". Singit ni Rain.

"Tara na nga sa loob at baka naiinip na itong si pareng Vivienne". Sabay akbay ni Andy kay Vivienne.

"Mas mabuti pa nga ng mabantayan ko na si Kisha sa loob pati na rin mga kaibigan niya baka kung mapaano pa sila dun".

So ayon, pumasok na nga kami sa loob ng Bar. Masyadong maraming tao ngayon at halos siksikan na kami dito, sikat ba naman 'tong Bar na 'to.

Naghanap na kaming apat na maaari naming mapwestuhan na medyo malayo-layo sa kinauupuan nila Kisha, ang bingo! Nakahanap naman kami ng table.

"Oh mag-order na tayo ng itatagay natin bilis!". Atat na pahayag ni Andy.

"Tsk! Mabuti at buhay ka pa hanggang ngayon sa kakainom mo". pang-aasar sa kanya ni Rain.

"Che!". Ang tanging nasabi na lang ni Andy.

Nag-order na lang ako ng pwedeng mainom namin. At mga ilang minuto lamang ay dumating na rin ang order namin ay saka naman ako tumingin sa table nila Kisha. Kahit kailan talaga ay napaka simple niya lang kung manamit at hindi siya masyadong nag-aayos ng mukha. Kaya yun ang pinakanagustuhan ko sa kanya, ang pagiging simple niya.

"Girls, gora muna kami ni Rain sa dance floor ah. Mangha-hunting lang kami ni Rain ng mga girls". Paalam sa amin ni Andy.

"Aba at dinamay mo pa ako sa kalokohan mo pero sige game ako dyan". Ani Rain.

"Go! Sige at wag na kayong bumalik". Sagot ko sa kanila. Hindi na nila ako sinagot dahil mga atat ng pumunta sa dance floor.

Tinignan ko muli ang pwesto nila Kisha at okay naman sila na nagkakasiyahan. Mabuti na lang at walang nanggugulo sa kanila dahil kung meron man ay pupunta agad ako sa pwesto nila. Tinignan ko naman ang kaibigan kong si Vivienne na nananahimik lang na umiinom. Hindi talaga 'to mahilig sa mataong lugar. Kinalabit ko na lang ito dahil parang may iniisip.

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon