Y.M CHAPTER 23

8.6K 181 10
                                    

Ravel Leigh's Point of View

Kasalukuyan kaming nasa kotse ni Kisha. Tahimik lamang kaming dalawa at hindi nagkikibuan. Ang awkward ng atmosphere, wala talagang nagtatangkang magsalita sa pagitan naming dalawa. Pero hindi ko na siya kayang tiisin, nami-miss ko na kasi siya.

"I'm sorry kung ilang araw kita halos hindi pinansin". Mahinahon kong pagpapaumanhin habang diretso pa rin ang tingin sa dinadaanan dahil nagmamaneho ako.

Naramdaman ko naman na hinawakan niya ang kamay ko kaya saglit akong napatingin sa kaniya sabay tingin ulit sa kalsada.

"Ako dapat ang mag-sorry sa atin, Leigh. You know that I love you pero ayaw kong magkagulo, hindi pa ako handa". Pagpapaliwanag niya.

Hininto ko muna ang kotse sa isang gilid sabay tingin sa kaniya.

"I understand, hon. Hindi ako galit sadyang nagtampo lang ako. I love you". Sagot ko sabay halik sa kaniyang labi.

"I love you too, hon". Nakangiti niyang sabi.

-----

"Kinakabahan ako, hon". Sabi ko sa kaniya sabay huminga ng malalim. Narinig ko naman ang bahagyang tawa nito.

"Ikaw talaga. Nandito naman ako sa tabi mo 'pag hinarap mo na sina mom and dad. Atsaka hindi ka nga kinabahan nung kinidnap ako kaya dapat 'wag kang kabahan". Pang-aasar pa niya.

"Ayun na nga ang ikinababahala ko e. Kinidnap kasi kita kaya ganito na lang ang kaba ko. Baka di na ko makalabas ng buhay sa bahay niyo". Sagot ko.

Narinig ko na naman ang tawa niya, tila'y tuwang-tuwa talaga sa nasisilayan niya ngayon. Napailing na lamang ako.

"Hold my hand". Sabi niya kaya ginawa ko naman.

*Ding! Dong!*

*Ding! Dong!*

Pagpindot ni Kisha sa doorbell nila. Damn! Lalo lang nadadagdagan kaba ko dahil sa lintik doorbell na 'yan.

"Anong kailanga--". Hindi na natuloy sabihin nung babae ang sasabihin niya ng makita kami lalo na si Kisha.

"Hon! Oh my God! Oh my God! Our sweetheart is here!". Hindi makapaniwalang sabi ng mom ni Kisha at walang pakundangan niyang niyakap ang anak niyang nawala ng mahigit isang buwan.

Hinayaan ko lamang ang moment nilang pamilya. Alam kong sobra nilang namiss ang isa't isa. Masaya ako para sa kanila but at the same time kinakabahan dahil nga sa kasalanan ko.

Hays, bahala na.

Gabayan niyo po ako, Panginoon.

Nananahimik lamang ako sa isang tabi ng bigla na lamang akong may maramdaman na sumuntok sa pisngi ko. Bahagya pa akong natumba ang sumalampak sa kalsada, hindi pa naman kasi kami nakakapasok sa bahay niya.

Hindi pa ako nakakabawi ng makatanggap na naman ako ng panibagong suntok at hinablot ang damit ko.

"I knew it! Ikaw ang kumidnap sa anak ko. Alam mo bang pwede kitang ipakulong?!". Nanggigigil na pahayag ng dad ni Kisha.

"Mr. Angeles, ako nga po ang kumidnap sa anak niyo and I have a reason kung ba't ko po 'yon ginawa. Alam ko pong mabigat na kasalanan ang ginawa ko pero hindi ko po iyon pinagsisisihan. Anak niyo po ang kinidnap ko kaya hindi po ako lalaban kung gusto niyo po talaga ako ipakulong". Matapang at mahaba kong pahayag sa kaniya.

"Really? Sige dyan ka lang at hintayin mo ang pagdating ng mga pulis dito!". Sabi niya sabay bitaw sa'kin.

"No, dad. Wala pong ipapakulong dito. Kaya ko po siya dinala dito para po ipakilala siya sa inyo hindi po para ipakulong niyo lang. May ilang mga bagay din po tayong dapat na pag-usapan". Diretsang sabi ni Kisha sa dad niya.

Biglang nanlambot ang mukha ng dad niya, biglang humupa ang kanina lamang niyang galit.

Napabuntong hininga na lamang siya.

"Sige anak, tara na at pumasok na tayo sa loob". Sagot ng dad niya.

Agad na lumapit sa'kin si Kisha. Hinawakan ang kamay ko saka marahan na piniga. Ngumiti lamang siya sa'kin na tila'y pinapahiwatig na magiging ayos lamang ang lahat. Ngumiti na lamang din ako sa kaniya.

Pumasok na kami sa bahay nila. Tahimik ang buong paligid na siyang nakakapagbigay kaba sa'kin.

"Umupo na kayo". Biglang sabi ni Mr. Angeles na siya namang sinunod namin.

Nasa isang kwarto kami na tiyak kong office room ito ni Mr. Angeles.

Magkatabing nakaupo ang mag-asawang Angeles at magkatabi rin naman kami ni Kisha. Mga magkakatapat lamang ng pwesto.

"Ano ang sasabihin mo, anak?". Malumanay na tanong ni Mr. Angeles kay Kisha.

"Dad, I know. More than a month akong nawala. Yes, she kidnapped me. Noong una galit ako sa kaniya, kinamumuhian ko siya ng todo. But dad, pinaramdam naman niya sa'kin kung gaano niya ako kamahal". Panimula ni Kisha samantalang kami ay nakikinig lamang.

"Dad, mom, hindi niyo ba siya namumukhaan?". Tanong niya sa magulang niya.

Tinitigan naman ako ng mag-asawang Angeles. Naiilang ngunit mas pinili kong makipagtitigan rin sa kanila.

"I know her, she's the daughter of Amalthea and Frank Villamonte kaya kilala ko siya". Sagot ng mom niya.

"Mom, pahiram nga po ako ng salamin mo". Sabi ni Kisha.

"Aanhin mo naman salamin ko, sweetheart?". Tanong ng mom niya.

"Basta, mom". Sagot niya.

Wala ng nagawa pa si Mrs. Angeles kung hindi ay ibigay eyeglasses niya kay Kisha.  Kinuha naman ito ni Kisha at agad na pinasuot sa'kin. Halos nagkanda duling-duling pa ako dahil sa taas ng grado nito.

Inayos pa niya ang buhok ko. Mukhang alam ko na ang binabalak niya, hays.

"So mom, dad? Nakikilala niyo na ba siya?". Tanong niya ulit sa parents niya na habang ako ay nakapikit na dahil di ko talaga kaya yung salamin na pinasuot niya sa'kin.

"Oh I knew it. Siya yung babaeng iniyakan mo noong graduation mo dahil hindi mo man lang siya nakausap". Biglang sambit ng dad niya.

"Dad naman. Sa lahat ba naman ng maaalala mo ay yun pa po". Nahihiya niyang sagot. Narinig ko pa ang tawa ng dad niya.

"Sweetheart, give back your mom's eyeglasses. Siguradong di niya makita ng maayos si Leigh". Sabi ng dad niya.

Naramdaman ko ang pagtanggal ng salamin mula sa mata ko at binalik na ito sa mom niya.

"Ang laki ng pinagbago mo hija. Mas lalo kang gumanda ngayon". Papuri ng mom ni Kisha.

"Salamat po, ma'am". Sagot ko.

"Oh, don't be formal sweety. Tawagin mo na lang din kaming mom and dad mo. Masaya talaga akong bumalik kana sa buhay ng anak namin". Masayang ani niya.

Narinig ko namang tumikhim si Mr. Angeles.

"Tutal naman ay wala na akong magagawa pa dahil sa mga sinabi ng asawa ko. Alam kong siya naman talaga ang mahal mo noon pa man. Hindi ako tutol sa desisyon mo, anak. Pero ang sa'kin lang, ayusin niyo muna ang sa inyo ni Timothy". Pag-iiba ng usapan ni Mr. Angeles.

"Yes dad, I know. Makikipag hiwalay na po ako sa kaniya". Sagot ni Kisha.

"Pero anak, huwag mo muna biglain si Timothy. Mahal ka rin ng batang yon". Nag-aalalang sambit naman ni Mrs. Angeles.

"Yes mom".

End of Chapter 23
------------------------------

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon