Timothy Eros's Point of View
FINALLY, dumating na rin ang araw na pinakaayaw ko na mangyari. Ang araw na ikakasal na ang babaeng minahal ko sa loob ng ilang taon sa dati kong kaibigan.
Muli ay inalala ko ang mga panahon na nagpapangiti sa akin. Mga panahon na wala akong problema na hinaharap at iniisip.
Wala ako pinagsisihan sa ginawa ko. Alam kong isa akong napakalaking gago dahil inagaw ko sa best friend ko ang mahal niya. Unang-una pa lang ay alam kong sila talaga ang nakatadhana pero wala e, nagmahal lang din naman ako kahit na alam kong sa huli ay ako ang magiging luhaan at masasaktan.
Ubos na ubos na ang luha ko at wala ng mailalabas pa. Pagod na pagod na rin ako sa lahat.
Ramdam na ramdam ko ang malamig na hangin na tumatama sa aking katawan habang pinagmamasdan ang paligid. Halos wala na ako sa sarili dito sa aking tambayan. Dati ito ang lugar na nakakapagpasaya sakin kaya nga dito ako pumunta pero kahit pala na nandito na ako ay hindi ko pa rin nagawang maging masaya.
Pero may isang bagay pa ako na hindi ko pa natatapos. Gusto ko yun gawin bago ako mawala sa mundong 'to. Wala na rin naman ng saysay ang buhay ko, miserable na ng iniwan ako ni Kisha.
Siya lang naman ang babaeng ginusto at minahal ko. Siya ang una at huling babae na mamahalin ko. Tanggap ko na rin naman na ang kapalaran ko kaya kahit gawin ko 'yun ay ayos lang.
Ravel Leigh's Point of View
HABANG inaayos ang suot kong wedding dress ay hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin.
"Ang ganda naman ng anak ko ngayon, akala ko hanggang sa kasal mo ay gwapo ang masisilayan ko." May halong pangangasar ang sambit ni mama sa'kin kasi ay ngayon niya lang ako nakita na magsuot ng pambabae, malamang at pati mga kaibigan ko ay aasarin din nila ako.
"Stop teasing me mama. Hindi din ako handa sa pangangasar ng mga kaibigan ko." Nakanguso kong sagot. Tinawanan lang ako ni mama.
"Okay, baby. But still, you're gorgeous." Pang-pupuri niya sa'kin.
Niyakap ko ang aking mama dahil alam ko na nalulungkot din ito.
"Ma, ikaw pa rin ang pinakamahal kong babae sa Earth. Don't be sad please, I promise na lagi kami pupunta sa bahay natin." Pag-aalo ko kay mama.
Imbis na gumaan ang pakiramdam niya ay lalo ko pa ata siya pinalungkot.
"Hay nako, tara na nga at lumabas na tayo. Ikaw dapat ang naghihintay sa bride mo, at hindi si Kisha." Pag-iiba na lamang niya ng usapan.
Habang pinagmamasdan ang paligid ay punong-puno ito ng kulay pula at puting rosas. Ang hangin din ng paligid dahil beach wedding nga ang venue namin.
Hindi ko maiwasan na ngumiti ng todo dahil ito na... ito na talaga ang araw na pinakahinihintay ko.
"Congratulations, Ravel." Pagbati sa'kin ni Vivienne. Siya ang kasama ko dito, best man kung tawagin pero dahil babae siya ay best woman na.
"Babaeng-babae ngayon ang Ravel natin 'no?" Panguna na pangangasar ni Andy sa'kin. Ito na nga ba ang sinasabi ko.
"Sige asarin niyo lang ako. Alam ko namang mangyayari din 'to sa inyo kapag kayo naman ang kinasal." Sagot ko sa kanila.
Kaniya-kaniya naman sila ng sabi na hindi daw 'yun mangyayari sa kanila. At ayun, nanahimik na sila.
Maya-maya lamang ay nagsimula ang wedding ceremony.
Nauna na naglakad ang wedding bearer. Napaka cute niyang bata habang hawak ang maliit na unan na kung saan ay nandoon din ang dalawang singsing.
BINABASA MO ANG
You're Mine
RomanceGagawin ko ang lahat maging akin ka lang. Hindi ako papayag na mapunta ka lang basta-basta sa iba. Mahal na mahal kita. Sana matutunan mo din akong mahalin. Date Started: Year 2017 Date Ended: Year 2021