Y.M CHAPTER 22

9K 188 18
                                    

Ravel Leigh's Point of View

Five days had passed at laking kaginhawaan sa'kin dahil tuluyan ng umaayos ang kalagayan nila mama at papa. Kahit pa masaya ako na ayos na sila mama ay hindi ko pa rin maiwasang masaktan dahil sa pagsisinungaling nito. I thought, aaminin na niya kay Eros ang namamagitan sa'min pero binigo niya ako. Hinayaan niyang muling manalo si Eros sa'kin. Damn that Timothy Eros Servantes! Pero kahit na itinanggi niya ako kay Eros ay nandito pa rin naman siya sa tabi ko, kaibigan nga daw ako diba? Tsk!

Nandito man siya kasama ko pero hindi ko siya masiyado kinakausap at pinapansin, mas tinututukan ko na lamang ng pansin sila mama. Alam kong nahihirapan siya kaya hinahayaan ko na lang siya. Ayokong may masabi akong masasakit na pagsisihan ko din sa huli kaya mas pinili ko na lang na 'wag magsalita, na hayaan siyang makapag-isip isip. I know that she loves me pero alam kong nalilito pa rin siya ngayon. Pero kailangan niyang mamili sa'ming dalawa ni Eros hindi ako papayag na babagsak siyang muli sa lalaking yun.

"Baby". Tawag pansin sa'kin ni mama kaya hinarap ko siya.

"Why, ma?". Tanong ko.

"Si Kisha, ilang araw nang nandito pero hindi mo man lang siya ipinapakilala sa'min. Kahit hindi mo sabihin, alam ko kung ano ang ginawa mo anak". Malumanay na sabi sa'kin ni mama. Napatitig naman ako sa kaniya.

"What do you mean, ma?". Tanong ko. "Ahm, Kisha. Si mama Amalthea nga pala at si Papa Frank. And mom, dad. Si Kisha po... K-kaibigan ko". Halos pabulong kong sambit sa huli.

Napatitig naman sa'kin si Kisha dahil sa sinabi ko. Kitang-kita ko sa mga magaganda niyang mata ang sakit.

"Damn! Ang pride mo Ravel, pakibabaan. Sinasaktan mo si Kisha". Sambit ko sa utak.

"A-ah, hi po tita at tito". Alanganing bati ni Kisha kila mama. Masayang bumati naman ang dalawa sa kaniya. Pagkatapos nilang magbatian ay bigla naman akong nakatanggap ng hampas kay mama.

"Aray ko naman ma! Para saan naman yon?". Reklamo ko kay mama habang hinihimas ang braso kong hinampas niya. Nakatanggap naman ako ng irap mula kay mama.

"Huwag mo kaming lokohin anak a. Anong kaibigan ka diyan?! Sa tingin mo ba hindi ko alam ang ginawa mo kay Kisha? Sa tingin mo hindi namin alam ng papa mo kung bakit hindi natuloy ang kasal niya? Wag mo kami gawing kasing edad mo Ravel para utuin mo. Ulitin mo ulit ang pagpapakilala mo sa kaniya, gusto ko yung maayos!". Inis na saway sa'kin ni mama habang hindi pa rin ito tumitigil sa kakahampas sa'kin. Wala namang nagawa si papa sa tabi nito dahil ayaw talagang magpaawat ni mama.

"Eh ma, sorry na. Kinidnap ko lang naman si Kisha dahil hindi ko tanggap na ikakasal na siya sa dati kong best friend. Huwag kanang magalit sa'kin ma". Paghingi ko ng tawad kay mama at niyakap ang braso niya na parang bata.

"Che! Wala akong pakealam sa rason mo. Ang mahalaga sa'kin ay ipakilala mo ng maayos ang daughter-in-law ko". Nakangiting sabi ni mama sabay kindat sa'kin. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil akala ko ay matatakwil o ipakukulong na ako dahil sa ginawa kong pagkidnap kay Kisha.

Tumayo na ako ng maayos at nilapitan ang kinaroroonan ni Kisha na nakangiti. Napakamot na lamang ako sa ulo dahil nakita niya pa ang pagiging asal bata ko kila mama. Hinawakan ko ang kamay niya at dinala sa harap nila mama at papa. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.

"Ma, pa. Si Kisha nga po pala, ang babaeng pinakamamahal ko". Pagpapakilala ko sa kanila. Si mama ay halos napatili dahil sa kilig, feeling teenager talaga e.

"So, anong balak mong gawin anak?". Biglang salita ni papa.

"Saan po?". Tanong ko.

"Sa magulang ni Kisha. Anong balak mo niyan? Paano mo ipapaliwanag ang mga nangyari? Alam mo namang posible kang makulong dahil sa ginawa mong yan di ba?". Seryosong tanong ni papa sa'kin. Napaisip naman ako dahil sa sinabi niya. Alam kong pwede akong makulong sa ginawa ko pero hindi ako papayag na makulong na lang ng basta-basta.

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon