Kisha's Point of View
Iniwan akong mag-isa dito sa pool ni Ravel habang ako ay umiiyak. Hindi man lang niya sinagot ang huling sinabi ko kanina.
Ayoko na muna siyang makasabay sa hapagkainan ngayong hapunan. Mananatili na lang muna ako dito kahit saglit lang.
Basang-basa naman na ako at hanggang ngayon ay nakatayo pa rin ako dito sa tubig kaya magsu-swimming na lang muna ako dito.
Nagpasya akong hubarin ang pang-itaas kong damit at binato ito sa gilid ng pool. Para naman damang-dama sa balat ang malamig na tubig, syempre.
Ilang minuto akong naglalalangoy dito ng maisipan kong umahon na dahil nakakaramdam na rin ako ng lamig sa katawan. Kinuha ko na muna ang damit ko saka pumasok.
Paakyat na sana ako ng hagdan nang makita ko naman si Ravel na pababa namam sana.
Parehas na lang kaming napahinto ng hakbang at nagkatitigan.
Habang nagkakatitigan kami ay nakikita ko sa mga mata nito ang lust ngunit agad naman itong umiwas.
"Ahm, mauna na lang akong kumain. Alam kong ayaw mo akong makasabay sa hapag". Nakaiwas pa rin nitong sabi sa'kin saka siya nagpatuloy maglakad pababa ng hagdan.
Hindi ko na narinig ang mga yapak niya pero nandito pa rin ako nakatayo sa hagdan. Nakakapagtaka lang kasi kung bakit ganun na lamang siya makatingin sa'kin.
Ano kayang nangyari sa babaeng yun? Tsk! Bakit ko ba siya iniisip? Wala naman akong pakialam dun. Makapunta na nga lang sa kwarto. Bahala siya sa buhay niya.
Nang makapasok ako ng kwarto ay dumiretso muna ako sa salamin para magsuklay ng buhok. Sinusuklay ko kasi muna ang buhok ko bago maligo.
Nanlaki na lang ang dalawa kongata nang makita ko ang repleksyon ko sa salamin. Damn it! Kaya pala gano'n na lang makatingin sa'kin ang babaeng yun dahil nakabra lang ako sa pang-itaas.
Shocks! Nakakahiya! Baka akala pa nun na inaakit ko siya kahit hindi naman talaga. Ay ewan ko sa kanya!
Hinubad ko na ang lahat ng suot ko at dumiretso na sa banyo.
Nagsha-shower na ako ng bigla na lamang pumasok sa isip ko ang halik na pinagsaluhan namin ni Ravel kanina.
Nililinis ko ang buo kong katawan nang mapapikit ako dahil nai-imagine kong si Ravel ang humahaplos sa balat ko.
Napadako naman ang kamay ko sa dibdib ko habang patuloy ang paghaplos ko dito. Damn! Nag-iinit na ang pakiramdam ko.
Natauhan ako sa ginagawa ko sa sarili ko. Shit! Bakit si Ravel ang iniisip ko? Hindi ako makapaniwalang ginagawa ko 'to sa sarili ko habang iniisip ang imahe ni Ravel. This is so fucking wrong! And I don't do masturbation.
Napailing na lang ako sa pinaggagagawa ko at mabilis nang tinapos ang pagliligo.
Binalot ko na ang sarili ko ng tuwalya at pumunta sa salamin para makapagsuklay ulit.
"Hanggang kailan kaya akong mananatili dito?". Napatanong ako sa sarili ko habang nakatitig sa salamin.
Kumakain akong mag-isa ng hapunan. Hindi ko alam kung nasa'n si Ravel. Baka natutulog na yun ngayon. Late na rin kasi pero ngayon pa lang ako kumakain.
Pagkatapos kong kumain ay nilagay ko na sa lababo ang mga pinagkainan ko at agad ko naman ito hinugasan.
Umakyat na ako at pumasok sa kwarto ko at agad-agad humiga. Sa kakaisip ko ng kung ano-ano ay hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.
Ravel's Point of View
Nanaginip ako kanina na nakikipag-make love ako kay Kisha. Akala ko pa nga eh totoo na, napanginip lang pala. Napaligo pa tuloy ako kanina ng malamig na tubig dahil kahit nakatodo na ang air-con ay nag-iinit pa rin ang pakiramdam ko.
BINABASA MO ANG
You're Mine
RomanceGagawin ko ang lahat maging akin ka lang. Hindi ako papayag na mapunta ka lang basta-basta sa iba. Mahal na mahal kita. Sana matutunan mo din akong mahalin. Date Started: Year 2017 Date Ended: Year 2021